Coco Martin ready to bare in Bench fashion show: “Ako pa? Ewan ko lang kung handa na sila!”

Coco Martin on keeping his feet on the ground despite his success in showbiz: “Sabi ko nga, basta meron kang pinanghahawakang pamilya... Like ako, ang happiness ko, pamilya ko. And then, sabi ko, saka na ang mga pansarili. Kapag naitayo ko na ang mga pangarap ko para sa kanila.”


Sa November 1 pa ang 31st birthday ni Coco Martin, pero itinuturing niyang early birthday present ang pagkakaroon niya ng sariling brand ng perfume sa Bench—ang Completely Coco.

Nagkaroon ng launching si Coco para sa kanyang perfume line kahapon, September 9, sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

Natawa naman ang Kapamilya actor nang tanungin kung may plano na siya sa mismong kaarawan niya.

“Magtatago ulit!” biro niya.

“Sa bahay lang, parang sa family ko naman.

“Sabi ko nga, every day akong nagwo-work, at least, mabibigyan ako ng time para sa family ko naman.”



COCO’S STAR POWER. Hindi na maitatanggi ang hatak ni Coco sa mga tao.

Bukod sa toprating teleserye niya sa ABS-CBN na Walang Hanggan, hindi rin magkamayaw ang mga tagahanga niya tuwing may live appearance siya.

Ano ang reaksiyon ni Coco dito?

“Siyempre, para sa akin, masarap dahil fulfillment ito bilang artista na napapaligaya ko sila kahit papaano,” sagot ng aktor.

Sanay na ba siya tuwing nakakarinig ng malakas na tilian mula sa mga tao kapag lumalabas siya?

“Kinakabahan,” nakangiting sabi ni Coco.

“Siyempre, kahit paano, bago naman ako ano… hindi ako sanay.

“Ang alam ko lang naman, umarte.

“Pero pagkanta-kanta, ganitong fashion show, hindi ako sanay.

“Nilalakasan ko na lang ang loob ko.”

Sa kabila ng kasikatang tinatamasa niya ngayon, nananatiling nakatapak ang mga paa niya sa lupa.

Ayon kay Coco, “Sabi ko nga, basta meron kang pinanghahawakang pamilya... Like ako, ang happiness ko, pamilya ko.

“And then, sabi ko, saka na ang mga pansarili. Kapag naitayo ko na ang mga pangarap ko para sa kanila.”

Isa pang kahanga-hangang katangian ni Coco, kahit isa na siya sa pinakasikat na artista sa Pilipinas, ni minsan ay hindi siya naintriga na unprofessional.

Nakangiting sagot dito ni Coco, “Nanggaling ako ng indie. Yun ang pinakamagandang naituro sa akin ng indie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga gusto pa ba siyang ma-achieve?

“Hindi ko masabi, pero sana magtuluy-tuloy lang ito… kung anuman ang mga blessings na dumarating sa akin.”

May kulang pa ba sa kanya o hinahanap pa?

“Oo naman, pero sabi ko nga, maiayos ko lang ang pamilya ko, mai-settle ko, yun na yun.”

Ang ibig sabihin ni Coco, yun pa lang daw siguro ang panahon na maiisip niyang mag-settle down o mag-asawa.



BENCH UNIVERSE. Sa September 13 and 14 ay gaganapin na ang Bench Universe, ang Bench Denim and Underwear Fashion Show na magsisilbi ring 25th anniversary ng kilalang clothing line.

Ayon sa report, si Coco ang magiging finale sa naturang fashion show na gaganapin sa The Arena.

Pero sabi ng aktor, “Hindi po yata… hindi ko yata kaya. Basta maging parte lang ako ng show ng Bench, masaya na ako dun.”

Naka-underwear lang ba siya sa pagrampa sa two-night fashion show ng Bench?

“Hindi ko pa alam kay Sir Ben Chan!” natatawa niyang sabi bilang pagtukoy sa may-ari ng Bench.

Handa naman daw si Coco kung anuman ang ipasuot o ipagawa sa kanya sa fashion show.

“Why not? Oo naman,” sabi niya.

Ready na nga ba siya?

“Ako pa? Ewan ko lang kung handa na sila!” biro niya.

Hindi na bago kung tutuusin kay Coco ang pagsusuot ng skimpy briefs dahil noong nagsisimula pa lang siya, bilang indie actor, ay madalas na mapangahas na roles ang ginagawa niya.

Pero sa Bench, ang ine-endorse ni Coco ay ang jeans line nito.



BRILLANTE MENDOZA. Masaya naman si Coco para kay Direk Brillante Mendoza sa rekognisyon na tinamo ng direktor para sa pelikula nitong Thy Womb.

Naging kalahok ang Thy Womb sa katatapos lang na Venice International Film Festival.

Hindi man nagwagi sa mismong kumpetisyon, ginawaran naman ng special awards si Direk Brillante at ang lead actress ng pelikula na si Nora Aunor ng mga film critics at film enthusiasts sa Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Dante ang naging direktor ni Coco sa maraming indie films, gaya ng Masahista (2005), Tirador (2007), Serbis (2008), at Kinatay (2009).

Sabi ni Coco tungkol sa tagumpay ni Direk Brillante at ng Thy Womb, “Alam ko naman na may mararating ang pelikula dahil nasilip ko na siya bago siya umalis.

“And then, yung Captive, sabi ko nga, isa talaga yun sa maipagmamalaking pelikula.”

Ang Captive ang isa pang pelikula ni Direk Brillante kunsaan may special guest role si Coco.

Nabanggit din ng aktor na may pinaplano ulit silang pelikula ni Direk Brillante.

“Sana matuloy na siya for next year,” sambit ni Coco.

Bukod pa raw ito sa pangarap ni Direk Brillante na pagsama-samahin silang tatlo nina Nora Aunor at Vilma Santos sa isang pelikula.

“Dati pa niyang konsepto yun and then, sabi ko nga, sana matuloy.

“Ako kasi, kahit anong trabaho ko, gagawan at gagawan ko ng paraan yun para matuloy.

“Makatrabaho ko lang naman sila [Nora and Vilma], yun na yun.

“Maging parte lang ako ng pelikula, isang malaking karangalan na sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN