Aiza Seguerra on winning Best Female Recording Artist in Star Awards for Music: “Ang sarap ng feeling! Magpapa-burger nga ako, e!”

Aiza Seguerra on her lovelife: “Wala kayong makukuha tungkol diyan. Kumbaga, my work inspires me. I love my work so much. I love to sing and I love to act at the same time. I enjoy singing to people.”


Si Aiza Seguerra ang nanalong Female Recording Artist of the Year sa 4th Star Awards For Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ginanap ang awarding ceremonies kagabi, September 9, sa Meralco Theater.

Tinalo ni Aiza sa kategoryang ito sina Angeline Quinto, Ivy Violan, Jaya, Juris, Lea Salonga, at Yeng Constatino.

“I’m very happy! Ang sarap ng feeling, magpapa-burger nga ako, e!” nangiting biro ni Aiza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards night.

Dagdag niya, “Kasi siyempre, yung ma-recognize ka ng mga kasama mo sa trabaho and, of course the press, is a big thing.”



SILVER ANNIVERSARY. Magandang regalo ba ito para sa 25th anniversary niya sa showbiz?

“Of course, napakagandang regalo. At talagang masasabi kong ako’y masayang-masaya,” sagot ni Aiza.

Kanino naman niya gustong i-dedicate ang award na napanalunan?

“Of course, sa lahat.

"Sa lahat ng naging parte ng karera ko, also to my family. At sa mga kasamahan ko sa trabaho.

“Para naman sa akin, hindi magiging effective ang isang singer kung yung mga musicians na kasama niya ay hindi effective.

“So I’d really want to share this to my bandmates, sa mga arrangers ko, and my producers. Kasi talagang if it wasn’t for them, wala ‘to, e.

"I’m really happy na na-recognize.

“I always strive to do my very best in everything that I do.

"So, kumbaga, this is just an affirmation… one of the many affirmations na, ‘Ooops, okey nga ang ginawa ko.’”



INSPIRATION. Kilalang malihim minsan si Aiza kung pinag-uusapan ang kanyang lovelife.

Kaya tinanong na lang ng PEP kung may naging inspirasyon siya sa pagkapanalo niya.

“Naghihintay kayo ng sagot sa lovelife, ‘no?” natawang biro ni Aiza.

“Wala kayong makukuha tungkol diyan.

“Kumbaga, my work inspires me. I love my work so much.

“I love to sing and I love to act at the same time. I enjoy singing to people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun! Iyon pa lang, inspirasyon na sa akin.”



PREVIEW. Ano naman ang mga puwedeng abangan bilang bahagi ng pagdiriwang ni Aiza ng kanyang silver anniversary sa showbiz?

“Definitely, may mga kantahang magaganap.

"At the same time, talagang… enjoy lang. I’ll be celebrating with friends.

“So talagang enjoy-enjoy lang ito. Kantahan lang talaga.”

Magkakaroon din ba siya ng concert?

“Yes. Sa September 28, sa Araneta Coliseum,” pagkumpirma niya.

Bente Singko ang titulo ng concert ni Aiza.

Ilan sa mga nabanggit ni Aiza na magiging guests niya sa concert ay sina Gary Valenciano, Martin Nievera, The Company, at Bayang Barrios.

Kasama rin siyempre sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na hosts ng noontime-variety show na Eat Bulaga!, kung saan nagsimula si Aiza bilang contestant sa "Little Miss Philippines."

Wala ba siyang bagong album na pinaplano ngayon?

“Medyo this year kasi naging busy rin because I also have a soap, ‘no? Kaya hindi ko talaga maisingit ang tungkol sa pagkakaroon ng bagong album."

Regular na napapanood si Aiza sa ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart, na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Dagdag niya, “Ayoko naman na for my 25th year, panibagong compilation na ganito-ganyan na naman.

“So I really want a… parang collaboration album with my favorite artists.

“So, hopefully, by next year.”



TELESERYE. Masaya si Aiza dahil patuloy ang pagsubaybay ng maraming manonood sa Be Careful With My Heart.

Aniya, “I’m very happy, considering na ang aga ng timeslot.

“Happy ako kasi marami kaming napapasaya.

"At kami rin mismo sa set, enjoy kami habang nagte-taping.

“At napakarami pang magagandang tagpong aabangan dito.”

Cute din ang dating na may love angle sa pagitan ng characters nila ni Tom Rodriguez, na parang boyfriend niya sa istorya.

In fairness, may kilig ding hatid yung mga esena nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw ni Aiza tungkol sa role ni Tom, “Hindi ko naman boyfriend! Baby Daddy lang.

“Well, hindi ko pa alam kung ano talaga ang mangyayari sa kuwento.

“But siyempre yung presence niya [character ni Tom] will be there kahit papa’no.”



OWN CHILD. Kaparis ng sinabi noon ni Aiza na gusto niyang magkaanak, ganun din ang hangad ng character niya sa Be Careful With My Heart.

“Naku, ang tagal nang balita nun!” medyo natawa si Aiza.

“Mga two years ago na yun!

“Okey naman na ganun din nga yung sa character ko.

“Kumbaga, training!”

Puwedeng mangyari talaga na magbuntis siya?

“Of course. May matris ako. Sayang, di ba?”

Pero kinu-consider din ba niya ang pag-aampon sakaling hindi mangyari na mabuntis siya at magkaanak?

“Of course, open ako sa anumang options. Let’s see!” sabi ni Aiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN