Arjo Atayde admits to having crush on Maja Salvador; says now is the right time to be in showbiz

Kitang-kita ang matinding kagustuhan ni Arjo Atayde na gumawa ng pangalan sa showbiz. Sabi ng anak ng aktres na si Sylvia Sanchez, “I guess, kapag binibigyan naman ako ng trabaho, I give my 101 percent. At saka, ang ginagawa ko naman po ngayon, everytime na may show, I try to learn everything—acting, nuances... lahat.”


Unang napanood ang Star Magic talent na si Arjo Atayde sa priemtime series ng ABS-CBN na E-Boy early this year, ngunit mas nagmarka sa mga manonood ang pagganap niya sa "Bangka" episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) noong June.

Ayon sa anak ng aktres na si Syvia Sanchez, malaking bagay ang ginawa niya sa episode na iyon ng MMK dahil nagdaan muna siya sa audition bago siya nakuha.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa TJ’s Restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kamakailan.

Kuwento ni Arjo tungkol sa audition niya sa MMK, “Hindi ko na po ime-mention pero apat po kaming pinagpilian. Mga kilala na po kasi ang iba.

"Unexpected po talaga ang given project na yun.

“Talagang noong nag-audition po ako for that one, hindi ko po siya ine-expect, e.

“Akala ko, noong binanggit sa akin ang mga kasama ko about getting the role, I wasn’t expecting to get in.

“Parang para sa akin siguro, parang natsambahan lang siguro na nabigyan ng break for MMK and eventually, nakuha ko rin.”



BIGGER PROJECT. Naghahanda na ngayon si Arjo sa kanyang susunod na teleserye at mukhang mas malaking papel ang kanyang gagampanan dito.

Pauna niya sa PEP, maingat siyang magbanggit ng mga bagay na baka hindi pa puwedeng sabihin.

Sabi ni Arjo, “It’s a teleserye with Ejay Falcon po. Magte-taping na rin kami sa October.

“Tapos po, we are preparing na po. Action-drama po siya pero actually, hindi ko pa po puwedeng ibigay ang title.

“Yung action, po, never done it pa po. So, yun po ang challenge.

“Pero ang dami na rin po naming preparation for this month, mixed martial arts na training.

“Yung drama naman po, I think it’s my forte.”

Dahil sa malaking project na ito, huminto muna si Arjo sa kanyang Entrepreneur course The One School sa Makati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was supposed to be continuing my studies, kaso, heto po, may bagong project.

“Okay lang din naman po because school will always be there naman.

“There are people who go to college at the age of thirty after working, di ba?

“Given this opportunity, I don’t want to waste this opportunity being given to me.”



RIGHT TIME. Twenty-one years old na ngayon si Arjo. Sa palagay ba niya ay ito talaga ang tamang taon para pasukin niya ang mundo ng showbiz?

Sagot niya, “I don’t know, ha? May iba po kasi, di ba, they enter mga fourteen pataas?

“Pero pagdating ng mga twenty-two, twenty-three, at kapag kinagat ng masa, doon sisikat at big name na.

“But I think, twenty-one for me is a perfect year to enter show business.

“Kasi, mas matured ka in your own ways—mas kilala mo na ang sarili mo.”

Inamin naman ni Arjo na Esperanza days pa lang daw, gusto na niyang mag-artista, pero ayaw raw ng daddy niyang si Art Atayde.

Ang Esperanza ay ay ang dating soap opera ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN kung saan kasama rin sa cast ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez.

Lahad ni Arjo, “My dad’s side, they really don’t like—showbiz is not in their direction.

“Kumbaga, more on business-oriented talaga. They are not in showbiz thing.

“But eventually, my dad allowed me na rin po.

“I think, I’m old enough na rin po to decide on my own—twenty-one years old.

"So, sabi niya, ‘Okay, just give it to him.’

“My lolo and lola, they don’t like it at first. Pero when they saw the result of how I am performing naman, they were really, really happy.”



PARENTS’ CONSENT. Ang mommy raw ni Arjo ang tumulong sa kanya na kumbinsihin ang daddy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I convinced my mom and my mom really wanted it for me. Pero pinalagpas niya nang pinalagpas, ‘Mag-high school muna.’

“Then, college, ‘Wag na, magtrabaho na lang ‘yan… business or something.’

“Then eventually, it’s my mom na rin who convinced my dad na, ‘Let’s try, let’s give him a chance and explore on what he wants.’”

Ano naman ang sinasabi sa kanya ng daddy niya ngayong artista na siya.

“Sabi niya, sa kanya raw ako nagmana!" tawa ni Arjo.

Pero dagdag niya, "Well, he’s happy naman. He’s really happy naman with the way I perform.”

Aminado si Arjo na malaking bagay na anak siya ni Sylvia Sanchez kaya madali siyang nakapasok sa showbiz.

“Of course po, may factor yun.

"Pero, as I’ve told my mom nga, ‘Paano kapag hindi ka kinuha, kung may talent ka, may talent ka. Kukunin ka because of that.’

"I think with my mom, may factor yun on how people respect me the way they respect her.

“So, every time na nakikita ko, people say hi to me. The fact na yung mom ko, yun ang napasa niya sa akin.

“’Ah, anak ni Sylvia.’ So people respect me for that.”

Sa ngayon, nakikita raw ni Arjo na gusto niyang maging career na pangmatagalan ang showbiz.

“I guess, kapag binibigyan naman ako ng trabaho, I give my 101 percent.

“At saka, ang ginagawa ko naman po ngayon, everytime na may show, I try to learn everything—acting, nuances... lahat.

“Iniiwan ko na open-minded ang sarili ko na, at least, kung may maituturo sa akin ang mga veterans, maa-absorb ko na, at least, ganito pala ‘yan.

“I try to learn as much as possible at least, throughout the year, I’m improving… hindi ako nai-stuck-up lang.”



LOVETEAM STAGE. Tinanong din namin si Arjo kung okay sa kanya ang ideya na dumaan muna sa loveteam stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa kanya, “My goal is to stand on my own. I don’t wanna be linked to just anyone.

“Yung parang matinee idol na kahit sino ang i-link sa kanila o i-partner, okay.

“But if it’s the road that Mr. M [Johnny Manahan] and Ms. Mariole [Alberto] wanted for me, I will go for it."

Sina Mr. M at Mariole ang mga tagapamahala ng Star Magic.

“Pero kung, okay, ngayon here’s your ka-loveteam, next show iba naman, that’s okay for me.

"At least, I’ll learn a lot.”



MAJA SALVADOR. Kung bibigyan si Arjo ng ka-loveteam, inamin naman ng young actor na gusto niyang makapareha si Maja Salvador.

“Crush ko yun... crush ko,” pag-amin niya.

“Crush ko siya hindi pa ako nag-aartista.”

Nakilala na naman daw niya si Maja bilang pareho silang Star Magic.

“I just said hi, ganoon lang naman po.

“Sa ngayon po, since I’m in showbiz, I’d prefer to be single. Sayang ang opportunity.

“Hindi naman hassle ang girlfriend, pero sayang ang time especially now, we are preparing for a new soap.

“At saka, I’m happy naman po with friends… family.”

Kung talagang may crush siya kay Maja, hindi ba niya naisip na ligawan ito ngayong break na ang dalaga at ang ex-boyfriend nitong si Matteo Guidicelli?

“Hindi naman po ako ganoon. It’s very recent lang.

"At saka, I’m a very sensitive person in terms of emotional.

“Maybe later on, if given an opportunity, we’re friends, maybe I can court her.

“But as of now, we say hi pa lang to each other and everything.

“I don’t wanna get involved into any intrigues. I just want to make friends with everyone.”



ALA-JOHN LLOYD CRUZ. Para naman kay Arjo, si John Lloyd Cruz talaga ang gusto niyang sundan ang yapak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kasing magagaling na actor and everything, but for me, the most natural actor is John Lloyd, di ba? Natural, period.

“He’s very, very natural at meron siyang mga tipong kengkoy na kapag ini-interview siya, yung pagka-kengkoy niya is the same as he is pag sa screen.”

Marami ang nagsasabi na may pagkakahawig si Arjo kay John Lloyd, at alam naman daw ito ni Arjo.

“Marami na po. But of course, I would also want to have my own image.

“Yun nga lang, I idolize him.

“If I were to be asked nga po, sino ang idol mo, of course, Lloydie talaga.

“For me, the best actor in the industry.”

Napakaraming baguhan sa showbiz na nangangarap na sumikat at magkaroon ng pangalan sa industriya. Ano ang meron si Arjo para pasikatin ng Star Magic o Kapamilya network?

“Ano nga ba ang meron sa akin?” nangiting tanong din niya.

“Well, I dedicate everything when it comes to work. I know ganoon din naman ang iba.

“But I guess, I’m a dedicated actor that my strength also is to internalize the character.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN