Manny Pacquiao’s next fight will be on December 8 against either Juan Manuel Marquez or Timothy Bradley

Bagamat kumpirmado na ang petsa ng susunod na laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, sa December 8, hindi pa sigurado kung sino ang makakatunggali sa ibabaw ng lona. Pero ayon kay Manny, kahit na sino kina Juan Manuel Marquez o Timothy Bradley ay "walang problema" sa kanya.


Kumpirmado nang sa December 8, 2012 ang schedule ng susunod na laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Pero kahit may petsa na ang kanyang laban, hindi pa sigurado kung sino ang makakaharap ni Manny sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Dalawa ang pinagpipilian na makakalaban niya: sina Juan Manuel at Timothy Bradley.

Si Marquez, na mula sa Mexico, ay tatlong beses nang nakalaban ni Manny—noong 2004, 2008, at 2011.

Ang Amerikano namang si Bradley ang nakatalo kay Manny sa kontobersiyal na split decision na laban nila nung nakaraang June lamang.

Sa taped interview ng The Buzz kay Manny, na ipinalabas kahapon, September 9, tinanong siya kung sino sa dalawa ang gusto niyang makatunggali.

Sagot ng boxer-politician, “Sa akin, kahit sino naman sa kanilang dalawa. Walang problema kahit sino sa kanilang dalawa.

“Depende sa negosasyon. Kailangan makausap ko muna si Bob Arum.”

Si Arum ang promoter ni Manny sa ilalim ng Top Rank.

Inaasahan na sa isang linggo ay magkakaroon na ng announcement kung sino ang makakatunggali ni Manny sa December.

Pagkatapos kasi ng announcement ay kailangan nang magpunta ni Manny sa Amerika para mag-promote.



JINKEE PACQUIAO. Nakausap din ng The Buzz ang misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao.

Sinabi ni Jinkee ang dahilan sa likod ng kasiyahan na nakikita ngayon ng mga tao sa mister niya.

Aniya, “He is truly a changed man.

“He is a man of God. He loves to spread the words of God.

“Yun talaga ang ginagawa niya and I’m very happy talaga.

“Parang hindi ko malubos-maisip na dumating sa buhay namin yun, pero ibinigay Niya pa rin sa amin.”

Ang pagbabago raw na ito ni Manny ay naging positibo para sa kanilang pamilya.

“Masayang-masaya,” ang nakangiting sabi ni Jinkee.

“Pinaka masaya na masaya ang anak ko, masaya ang pamilya ko.

“Ito na yung hinihiling ko sa Diyos and then sinagot na Niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, binigyan Niya ako ng peace of mind kasi yun ang wala ako dati.”

Sa naturang interview, inamin din ni Jinkee kung ano naging kasunduan nilang mag-asawa ngayon.

“Careful na kami sa isa’t isa.

“Ayaw na namin na may masasaktan sa aming dalawa. Kahit sa pagsasalita o sa kilos.

“Wala nang makakasira pa. Hindi na kami matitinag.

“Alam na namin ang isa’t isa kung ano.

“Hindi na namin gagawin yung mapag-usapan kami ng mga tao.”

May mensahe rin si Jinkee para sa kanyang mister: “Kay Manny, basta nandito lang ako lagi sa likod mo, habang buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN