Richard Poon "serious" about relationship with girlfriend Maricar Reyes

Ito ang naging kasagutan ng singer na si Richard Poon nang tanungin kung sa kasalan na ba mapupunta ang relasyon nila ng kasintahang si Maricar Reyes: “Definitely! Yun bang, parang this time… I was always taught by my mentors na dapat pag nanligaw ka, ang intention mo, marriage. Dapat ganun. Dapat yun ang dini-deserve ng girl."


Ang tungkol sa inaming relasyon nila ni Maricar Reyes ang malimit na tinatanong ngayon sa crooner na si Richard Poon.

Si Maricar ang talent ng ABS CBN at Star Magic na nakagawa na rin ng maraming teleserye sa network. Huli siyang napanood sa teleseryeng Dahil Sa Pag-ibig.

Si Richard naman ay regular na napapanood sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP 2012.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa backstage ng Meralco Theater noong Linggo ng gabi, September 9, habang isinasagawa ang 4th Star Awards For Television.

Hindi napigilan ni Richard ang matawa dahil alam niyang ang tungkol sa relasyon nila ngayon ni Maricar ang uusisain namin sa kanya.

May nabago ba sa musika niya ngayong in love siya?

“Wow!” bulalas ni Richard.

Dagdag niya, “Sa tingin ko, same lang.

“Although inspired ako, pero sa tingin ko, same lang.”

THE ADMISSION. Hindi muna nagbigay ng mga detalye si Richard kung paano tumakbo ang samahan nila ni Maricar bago sila naging opisyal na magkasintahan.

Ang kabuuang kuwento at detalye ng kanilang friendship ni Maricar ay mapapanood daw kasi sa interview sa kanila ni Kris Aquino sa morning program nito na ang Kris TV.

Inakala ng lahat na nabuko lang si Richard ni Kris sa programa nito kaya umamin na nang tuluyan ang mang-aawit.

(CLICK HERE to read related story.)

Ganito ba talaga ang nangyari? Pinanindigan na lang ba niya ang pag-amin kahit wala ito sa plano?

Sabi ni Richard, “Ako kasi, what you see is what you get.

“The reason which Mars [Maricar] will say naman on Kris TV is… minsan nagagalit na siya sa akin, kasi nga, parang bakit parang wishy-washy through the years.

“And then, she went on to tell Kris again na, ‘Ahm, ngayon, looking back, naiintindihan ko na si Richard. Tama yung ginawa niya na he waited.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging formally lang kami nitong July lang, which is yun yung reason…

“Kasi nag-guest ako with Angeline [Quinto], Juris sa Kris TV.

“Pagtanong ni Kris, ‘Richard, meron ka bang lovelife?’

“And then I said, ‘Opo.’

“’Oh, kailan pa?’

“Sabi ko, ‘July.’

“So, feeling ng mga tao, some of them, na umamin kami later.

“Pero actually, hindi. Kaibigan lang kami. Even our good friends know.

“Pinatagal ko lang talaga.

“Meron na kaming liking.

“The reason kung bakit siya pinatagal because of friendship.

“Ayokong… hindi ako naglalaro ngayon.

“Si Kris, ang tingin sa akin, ‘Parang ang weird mo naman.’

“Sabi ko sa kanya, maraming times na nagdedesisyon ako… emosyon, e. Hindi mo alam na mali.

“After a while, two, three years, lumingon ka, ‘Mali ako, e.’ Pero blinded ka na ng emotions.

“So, ngayon, ang ginagawa ko, para bang pinipreno ko ang sarili ko.

“Para yung emotions, bumagsak, konti lang, bahagya lang. Yung kilig-kilig, bumaba siya. Magkakaroon ka ng mas balanseng tingin.

“So, ang gusto ko talaga, bumaba ng konti yung emosyon, yung kilig-kilig, and then build a friendship up from the start.

“Kasi hindi kami magkakilala nang malalim.

“So, nung 2010, nag-mix na yung friends namin. Pareho na kami ng circle of friends.

“Nung 2010, mas malalim na yung friendship. Dahan-dahan pa rin. Preno pa rin nang preno.

“Hanggang sa hindi na namin nakikita yung best foot forward naming dalawa.

“So, ngayon ka magdesisyon kapag steady ka na.”

MARICAR KNOWS. Alam daw ni Maricar ang ginawa niyang pag-amin sa Kris TV.

“Oo, alam namin,” sabi ni Richard.

“Kasi kami naman, internally, nagkakagustuhan kami. Hindi ko lang matuluy-tuloy.

“Kasi ako yung may… if you will watch the interview [on Kris TV], sinasabi ni Mars, ‘Etong si Richard, siya yung umuurong-sulong.’

“So, ako talaga. Ako yung hindi nagsisigurado.

“Pero ako naman yung tipo na once na nag-commit ako, yun na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi ka mapusok, e. Hindi ka pabigla.

“Sinabi ko kay Kris na ang dami kong pagkakamali in the past na mapusok ako, e. You’ll regret it, e.

“Masarap, e, maybe masarap yung emotions for a while, pero nauubos yun, e.

“Wala lang, ayoko lang maglaro.”

PERFECT? Sa tagal ng proseso bago sila umabot ni Maricar sa ganitong punto ng kanilang relasyon, ngayon ba ay masasabi ni Richard na perpekto na ang kanilang relasyon?

“Well, hindi naman ganung perpekto. There are times na nagkamali ako.

“Na-mention rin yun ni Mars na nasaktan na siya na, ‘Ano ba naman ito? Saan ba ito papunta?’

“Na parang, ‘O, tutuloy pa ba ito?’ Parang ganun.

“Minsan may mga ganun siyang galit sa akin.

“Ibig sabihin, may rason siyang magalit sa akin.”

Ibig bang sabihin, parang hindi siya sigurado sa nararamdaman niya kay Maricar at that time?

“Parang ganun ang lumalabas.

“Tahimik lang ako sa interview, si Mars rin ang nagsabing, ‘Parang nakikita ko ang reason kung bakit.’”

Sigurado na ba si Richard ngayon sa nararamdaman niya kay Maricar?

“Sa interview, sinabi sa amin ni Kris na, ‘Alam niyo, gusto ko yung vibe ninyo na napaka-relax. Nothing to prove…’

“Sabi nga ni Kris, ‘Mas takot pa nga ako sa couple na nag-o-overcompensate na ‘I love you!’

“Yun daw yung… sabi ni Kris, ha. I think there’s truth in it.

“Pag sobra kang emosyon, yun din ang nag-e-end agad.

“Sabi ni Kris, ‘Gusto ko kayo, I like the feel na relax kayo.’”

Ganun ba talaga sila ni Maricar, relax lang sila?

Sagot ni Richard, “Nung tumagal, ganito na siya.

“Hindi sa walang pressure, pero hindi siya… iba yung masyadong emosyonal or may emosyon.

“Tapos malaki rin yung pundasyon ng pagkakaibigan. Iba yun, e.

“Kasi pag emosyonal lang, pag mataas yung emosyon mo, okey, you can stay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pag nega na, walkout ka na.

“Pero pag friendship, mas relaxed siya, hindi siya gaanong ka-emosyunal…

“May emotion din, pero you do not tell the person kasi, e, ‘Uy, ang ganda ng ugali mo ngayon.’

“Let’s say hindi maganda yung trato ko sa kanya, like, ‘May point ka, pero hindi maganda yung pagkakasabi mo.’

“Puwede niyong pag-usapan ‘yan with respect.

"I think it paid off.”

MEET THE PARENTS. Nakilala na raw ni Richard ang mga magulang ni Maricar.

Kuwento ng singer, “I met her parents. I went to CDO [Cagayan de Oro] with her to meet her parents—both of them.”

Hindi pa raw pormal na tinanong si Richard ng mga magulang ni Maricar kung aalagaan ba nito ang kanilang anak.

“Well, hindi pa siya ganung ka-pormal.

“Nung nag-CR yung mom niya at siya, silang dalawa, I told her dad na, ‘I’m here because I’m serious about your daughter. Not playing around. I’m here to show that I have serious intentions…’ Yun pa lang.”

Nakilala na rin daw ni Maricar ang pamilya ni Richard.

Nakangiting sabi ni Richard, “You know, my sister loves her so much.

“Hindi ako nagbibiro, ha! Kung kilala mo ang ate ko, either she likes you or hates you.

“And she loves her. Sobrang love niya.

“Siguro suwerte ako, I don’t need to try so hard, di ba?

“Pangalawa, I bring her sa dad ko. I think more than five times na and they’re getting along na. They’re very maluwag na sila.

“I’m happy na… Sabi nga ni Kris sa interview, ‘Oh, that’s nice that you’re involving both of your families.’

“Kasi, di ba, kung ikaw naman ang parent, mag-iiba ang tingin mo pag may intention na makilala ka.”

CAUTIOUS. Nag-iingat ba si Richard sa relasyon niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think so,” mabilis na sagot ni Richard.

“I think, just to admit na hindi ako perpektong tao, na marami akong pagkakamali, I think just standing up again and saying na, ‘Alam mo, ang tanga nung desisyon na yun.’

“So you learn na, this time, hindi ko na uulitin… parang gano’n.”

Papunta na ba ito sa kasalan?

“Definitely!” sambit ni Richard.

“Yun bang, parang this time… I was always taught by my mentors na dapat pag nanligaw ka, ang intention mo, marriage. Dapat ganun.

“Dapat yun ang dini-deserve ng girl, which I never understood.

“Ako kasi dati, gusto kita. Pag hindi na kita gusto, pag pangit na, out na! Parang ganun.

“So, I think this is the time where I can practice it.

“Kaya nga rin ako nagtagal. Kaya rin ako na parang, ‘Sandali… sandali.’

“Kasi once na naggano’n ako, nag-alangan ako, I don’t want to say na, ‘Hey, excuse me, can I leave when it’s hard na?’

“Pag mahirap na, masakit na, hindi na maganda yung whatever, parang, ‘Can I leave?’ Hindi, e. Hindi maganda.

“Yun lang. Feeling ko, I’m more of that na… let’s see where it goes.

“Pero ako, definitely, when I went to CDO and when I told her, ‘Can I be your boyfriend?’ in July, ang intention nun, hindi yung may fire exit na anytime puwede kang kumalas.”

Wala pa ba silang commitment ring?

“A, wala, wala pa. Pag meron ‘yan, kahit wala akong sabihin, makikita niyo sa finger niya!” sabi ni Richard na sinundan niya ng malakas na tawa.

THE PROMISE. Tinupad ni Richard ang pangako niya sa press dalawang taon na ang nakararaan, noong unang mabalita ang closeness nila ni Maricar, na magsasalita siya kapag meron nang malinaw na deskripsyon sa kanilang dalawa ng aktres.

Pag-alala pa ni Richard sa interview namin noon sa kanya, “Naalala mo, nung in-interview mo sa ako sa SM The Block?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, there was a concert I had na sinabi ko na nililigawan ko siya.

“Alam mo ang sabi ng isang writer? ‘Baka ginagamit lang ‘yan nito pang-promote ng concert niya.’

“So, ang ginawa ko, kinausap ko ang manager ko. Sabi ko, ‘Is it okay if I just lay low for a while?’

“Kasi the truth naman is I’m really pursuing her [Maricar]. But to go on media and to keep on talking about it, for me is… I think hindi na siya healthy for me.

“Ang lumabas na kasi ginagamit mo na for your own career purposes, which is for me, hindi dapat ganun, e.

“So, I purposely kept mum para mapagod yung mga reporter.

“And then, like ngayon, after a year and half na, di ba? People can say, ‘Uy, tinotoo niya talaga.’

“Hindi ako na-link sa iba, hindi ako nanligaw sa iba.

“Ibig sabihin, ito lang talaga.

“So, it was true na ‘he kept his word talaga na parang nag-stay siya.’”

Kailan niya naramdaman na seryoso siya na maging kasintahan si Maricar?

“Marami, e… siguro yung mga few notes lang.

“Number one, when you see the good and bad.

“Alam mo, everybody, may kanya-kanya ‘yang good and bad.

“Usually, kapag high na high ka, parang lahat okay. You know, parang you can conquer anything, e.

“Nung tumagal na, nandiyan na yung mga arguments. Nagkakaroon na kami ng pagtatalo. Nakikita ko na yung mga push and pull.

“So, I think, nung medyo relaxed na ako, na parang, ‘A, kita ko na lahat…’

“Hindi naman lahat… yung parang kabuuan niya.

“Yung tension areas namin. Yung pagkakaiba naming dalawa, personality-wise.

“Doon na ako na parang, ‘A, magdesisyon ka na… magdesisyon ka na.’

“Parang kalmado ka na, ‘Huh, pag hindi ko siya nakita ngayon, mamamatay ako!’ Hindi ganun.

“Alam mo yung steady lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi pag emosyonal ka, hindi siya ganun, e. You based it on…

“Alam mo yun na, ‘Oh, my God, I commit to her. Hindi ko kayang mawala siya.’

“Hindi ganun, e. Natatapos yun, e, yung heaven na yun, yung langit na yun.

“Tapos magkasama kayo, parang nabubuwisit ka.

“So, I think maganda you wait to a point na parang kalmado ka… yun lang, kalmado ka lang,” mahabang saad ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN