Jennylyn Mercado on boyfriend Luis Manzano: “Lucky talaga siya.”

Bukod sa apat niyang TV shows, may album na inilabas si Jennylyn Mercado. Kaya lang, wala raw siyang time para mag-promote kaya hindi ito ang focus niya sa ngayon.


Bagamat busy sa kaliwa’t kanang proyekto si Jennylyn Mercado, hindi ito kakikitaan ng pagod sa kanyang mukha.

Bukod kasi sa inspirado ito dahil sa anak niyang si Jazz, masaya rin ang kanyang puso dahil kay Luis Manzano.

Noong huling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso star, umayon siya nang sabihing “lucky charm” niya ang kanyang boyfriend.

“Baka,” ang sagot niya nang may ngiti. (CLICK HERE to read story)

“Thank you” naman ang reaksiyon ng binata sa isang hiwalay na panayam. (CLICK HERE to read story)

Pero kahapon, September 10, siguradong-sigurado ang host-singer-actress nang sabihing, “Lucky nga siya!”

Dagdag sa apat niyang TV shows kasi ang isang endorsement contract with Belo Medical Group, kung saan napili siyang dalhin ang produktong I.V. Glutathione.

Kaya naman, kahit pa madalas itong nagbibilad sa araw, hindi nangingitim ang balat ng first female winner ng StarStruck.


HER OTHER PASSION. Dito na pumasok ang kanyang pagkahilig sa sports.

Lingid sa kaalaman ng marami, minsang nahilig sa Jiu Jitsu, isang klase ng martial art at combat sport mula sa Brazil, si Jennylyn.

Dahil dito, lumaki ang kanyang body frame.

Aniya, “Nag-gain ako ng weight and lumaki yung shoulders ko, pati braso ko.”

At para pumayat, na-engganyo siya ni Luis na subukin ang triathlon.

Sabi ni Jen (palayaw ng H.O.T. TV co-host), “Dun ako… dun ko nilagay lahat ng time ko para talagang mag-trim down.”

“Time and determination” daw ang kailangan para araw-araw, “puwede mo siyang gawin” kahit pa marami kang ibang pinagkakaabalahan.

Ganito rin ba ang pananaw ni Jennylyn sa relationship?

Napangiti siya.

Sa kasalukuyan, madalas silang busy ni Luis sa kani-kanilang mga showbiz commitments.

“Kailangan talaga, pag gusto mo, gagawa ka ng time. Kaya kahit na busy, meron at merong araw na sana magkikita kami.

“Pero wala talaga sa ngayon. Parang oras lang meron ako sa loob ng isang linggo na wala ako masyadong maibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiintindihan naman niya.”


STILL-MISSING 300K. Inusisa rin namin si Jennylyn tungkol sa pagkawala ng kanyang 300,000, na sanhi ng desisyong niyang huwag tumuloy sa triathlon event sa Cebu.

Mapapansing hindi gaanong kumportable si Jenny na pag-usapan ang kanyang gagawing hakbang, pero ang pagde-detalye niya:

“ Well, I texted a friend. Ako kasi wala akong time so alam niyang lahat kung ano trabaho ko and sa kanya ko lahat pinapa-book lahat ng mga out-of-town ko.

“Imagine, December pa yun last year and then sabi niya, ‘O, okay, all set... kasi August pa naman.’”

Balak sanang dalhin ni Jennylyn ang buong pamilya kasama si Luis sa Cebu, kung saan mag-che-check in sila sa Shangri-La Mactan.

Dugtong ng aktres, “Then, sabi ko, ‘Aga pa.’

“A week before nung event, sabi ko sa kanya, “O, all set na, a… ayoko mapahiya kasi, family ko dala-dala ko, anak ko, dala-dala ko, so ayoko magkaroon ng problema.

“And then, paalis na kami the day itself, naka-receive ako ng e-mail, napakahabang e-mail.

“Nakasulat na doon yung mga reason na… na wala na yung money o nagamit. Yun.”

Para hindi masyadong sumama ang kalooban niya, ang nasambit na lang ni Jen ay, “Siguro may reason kung bakit hindi natuloy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN