Yeng Constantino does not mind being compared to Charice, but says: “Ipinaglihi po talaga ako ng nanay ko kay Imelda Papin.”

“Hindi naman po ako affected. I know who I am. Sobrang safe po ako sa kung sino ako. I’m a woman and standing for who I am. Kaya po siguro hindi ako nase-shaken kasi sobrang secure ako sa sarili ko," pahayag ni Yeng Constantino tungkol sa gender issue na ipinupukol sa kanya.


Si Yeng Constantino ang itinanghal na Female Rock Artist of the Year sa PMPC 4th Star Awards for Music na ginanap noong Linggo, September 9, sa Meralco Theater.

Napanalunan ni Yeng ang award para sa album niya sa Star Records na Yeng Versions Live.

Pangalawang award na ito ni Yeng mula sa PMPC; ang una ay noong 2010 nang nasungkit niya ang Abum of the Year para sa kanyang Lapit album.

Ito ang unang pagkakataon na natanggap ni Yeng nang personal ang kanyang award mula sa Star Awards for Music dahil hindi siya nakadalo noong 2010.

STICKING TO HER GENRE. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yeng sa backstage ng Meralco noong Linggo pagkatanggap niya ng tropeyo.

Pag-amin ng pop-rock singer, akala niya ay ang pagiging diva ang tatahakin ng kanyang career pagkapanalo niya sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN noong 2006.

“Natutuwa ako kasi may mga oras na noong unang kakalabas pa lang ng Academy, feeling ko kailangan kong maging diva, kailangan kong maging balladeer.

"Kasi yun ang uso sa Pilipinas.

“Pero I’m happy sa naging desisyon namin, sa naging desisyon ko na mag-stick doon sa genre ko kasi that’s who I am.

“Kasi kahit medyo mahirap na… alam naman natin dito sa Pilipinas na ang mga diva, sila yung may malalaking concert, sila yung may mga ganito.

"Magiging mahirap ito for me kasi hindi nga yun ako.

“Pero I’m happy dahil parang another fuel ito sa akin to just go on at gumawa ng mga kanta at maging honest lang sa music ko.

“Ang saya-saya ko talaga,” saad niya.

ROCK ARTIST. May peg ba siya sa pagiging rock artist?

“Wala kasing ganoon sa States, e,” iling niyang sagot.

“Pero more on naghalu-halo na lang po yung influences ko.

“Yung rock music at saka nakikinig rin ako ng mga contemporary Christian music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Rock music pero meron ding Christian music—rock music pero clean. Hindi yung nagmumurahan… yung nagwawala.

“So, yun bang inspirational.

“Kasi yun din ang gusto ko na rock pero inspirational din, like yung ’Hawak-Kamay,’ ’Salamat,’ ’Lapit.’

“Parang alternative, pero yung lyrics content mo is to encourage people.”

Isa pa sa ikinatutuwa raw ni Yeng ay ang paglabas ng mga bagong rocky singers ngayon.

“Pati mga rock artist, marami na ring nagsusulputan ngayon.

“Actually, maraming mga underground rock artist, ang dami kong kakilala.

“Kasi po, nanonood pa rin ako sa mga bars, sa mga small gigs. Fuel pa rin yun e.”

Isa rin sa mga kapansin-pansin kay Yeng ay ang hindi niya masyadong paglalagay ng mga cover versions ng mga kanta sa album niya.

“May ilan-ilan po, pero majority hindi po nga ako masyadong nagko-cover.

“This coming album, mas exciting kasi po bagong genre. Rock pa rin pero may halong techno.

“So, parang pop na something. Tapos, first time kong gagawin at all originals kaya mas happy.”



CAREER MOVE. Hindi ba tatawid sa pag-arte si Yeng? Hanggang pagkanta na lang ba ang tatahakin niyang career sa showbiz?

Sagot ng 23-year-old singer, “Parang wala naman po akong talent sa… hindi naman po sa tinutuldukan yung sarili ko sa ano.

“Pero sa nakikita ko po, wala po.

"Saka, wala naman pong nagbubukas ng pinto.

“Kung may magbukas po ng pinto at kung sakali man magwo-workshop po talaga ako.”

May tinanggihan na ba siyang acting project?

“Meron po yata… meron ba? Hindi ko na po maalala, e.

“Kung tawid lang po ng career, okey lang naman po sana kung may talent po ako doon.

“Ayoko namang gawin ang isang bagay na parang hilaw. Nakakahiya naman po sa mga audience or sa manonood,” paliwanag ni Yeng.



COMPARISON. Madalas na ikinukumpara si Yeng sa Pinay international singer na si Charice Pempengco, lalo na sa mga social networking sites gaya ng Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nagpakulay ng buhok si Charice, pinagtabi ang larawan nila ni Yeng at sinabing magkamukha na silang dalawa.

Ano ang masasabi rito ni Yeng?

“Kasi nga po ‘ata, ako yung naunang nagpagupit.

"Pero lagi kong sinasabi na hindi siya nanggaya.

“Tinatanong kasi ako kung anong masasabi ko na ginaya raw ni Charice yung hair [style] ko. Hindi siya talaga nanggaya.

“I think yung re-invention niya talaga. That’s her own decision. Pinaninindigan lang niya.

“Gulat lang talaga ako na parang, ’Wow! Talagang lumaki na siya talaga. Hindi na siya yung batang naka-dress and all na mahaba ang buhok.’

“That’s what she wants to do. Respect lang naman rin sa kung ano ang gusto niya.”

Hindi isyu kay Yeng kung sinasabing magkamukha sila ni Charice.

Aniya, “Okey lang naman. Lahat naman tayo may kahawig. Imposible na mang wala tayong kahawig, di ba?

“Kung ako nga po, sinasabi nila na kamukha ko raw si Imelda Papin na mas younger.

“Hindi naman po ako nagrereklamo dahil talaga namang ipinaglihi ako ng nanay ko sa kanya.

“Totoo po talaga yun, ipinaglihi po talaga ako ng nanay ko kay Imelda Papin," diin ni Yeng.

Dagdag niya, “Marami rin sa mga celebrity sa Hollywood na magkakamukha, di po ba?”

STILL LOVELESS. Pagdating naman sa lovelife, wala pa rin daw boyfriend si Yeng.

“I’m praying po na this year sana po,” sambit niya.

Ano ang pakiramdam niya na hanggang ngayon ay patuloy ang pagdududa ng iba sa kanyang gender preference?

Sagopt ni Yeng, “Hindi naman po ako affected.

"I know who I am. Sobrang safe po ako sa kung sino ako.

“I’m a woman and standing for who I am.

"Kaya po siguro hindi ako nase-shaken kasi sobrang secure ako sa sarili ko.

“Kahit anong sabihin nila, alam ko naman po sa sarili ko kung ano [ako].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit may mga nang-iintrigang tomboy raw si Yeng, babaeng-babae naman ang hitsura niya sa kanyang mga kasuotan.

Sa panayam ng PEP kay Yeng, ang suot niya ay white pants, white biker’s jacket, itim na black tube undershirt, black high heels, at katernong hikaw.

Babaeng-babae rin ito sa kanyang make-up.

“Thank you po sa stylist ko,” sabay turo niya sa kaharap na bading.

“Sobrang laki ng tulong nila ng mga stylists ko, parang re-invention ko rin ito. Kasi gusto naman talaga.

“Alam ko kung ano ang gusto ko, kaya lang hindi ko alam kung paano ie-execute kaya ang laki talaga ng tulong nila.

“Tuwang-tuwa nga ako nung sa Star Magic Ball, may mga websites na nagsasabing isa nga raw po ako sa mga best dressed nung gabing iyon.

“Parang, ’Wow! I’m so happy!’”

CHRISTIAN. Nanatili pa ring intact ang nais na image ni Yeng kahit may nagsasabing sexy siya sa iba niyang mga outfits.

“Hindi naman sexy, conservative pa rin pero classy, glam na rock and roll.”

May effort ba na palambutin ang kanyang hitsura sa pamamagitan ng mga damit na isinusuot niya upang mawala ang gender issue niya?

“Hindi. Alam niyo po, talagang nag-tone down po ako as a person.

“Siguro simula po noong maging Christian ako, parang nag-subside lahat.

“Kasi po dati, parang ang mga pinapakinggan kong music talaga, rock!

“Pero noong naging Christian ako, nag-tone down lahat.

“And as a person, ang dami ring natanggal sa ugali ko na parang lagi akong random, kailangang mabilis lahat.

“So, parang sinabi ko sa stylist ko na, ‘Feeling ko, parang sobrang light ko ngayon.’

“Gusto ko quiet lang. Hindi gaya noon na spike-spike. Though, may elements na ganun.

“Ang gusto ko lang naman, lumabas kung ano yung nasa loob ko.

"So, paano natin i-interpret yun sa labas? So, ginawa lang nila, wow!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eto yun! Eto talaga yun! Sobrang happy ko.

“Hindi lang isa yung stylist ko… sa team namin, apat sila.

"So, lahat sila nagbibigay ng opinyon na ganito, ganyan. ’Uy, okey ito, ah!’

“Aminado rin naman ako na mahina ako sa fashion but I’m learning.

“Nandun na ako sa path na hinahanap ko talaga yung sarili kong style.

“I think mas kilala ko yung sarili ko ngayon.

"Mas happy ako, super happy ako, especially yung sa album ko.

“May meeting ako kaya puro yun ang nasa isip ko ngayon.

“Star Records pa rin ako up to now… six years na ako sa Star Records,” masaya niyang pagtatapos sa interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN