Jodi Sta. Maria neither confirms nor denies Hong Kong sighting with Jolo Revilla

“Ang masasabi ko lang, I have never lost faith in love,” says Jodi Sta. Maria when asked why she seemed very quiet about her lovelife.


Napatigil sandali ang Be Careful With My Heart lead actress na si Jodi Sta. Maria nang tanungin ng media tungkol sa lumabas na balitang nakita silang magkasama ni Jolo Revilla sa Hong Kong kamakailan.

Sa thanksgiving press conference ng ABS-CBN daytime show kaninang tanghali, Setyembre 11, sinubukan ng mga naimbitahang media na kumpirmahin ang balitang ito, subalit hindi ito diretsahang sinagot ni Jodi.

Pero pag-amin niya, “I was in Hong Kong, yes.”

Nang subukan muli itong tanungin ng media, napangiti si Jodi at sinabing: “Ayun, Be Careful With My Heart.”

Patuloy pa rin kasi ang pag-uugnay kay Jodi at sa anak nina Senator Bong Revilla at Representative Lani Mercado na si Jolo Revilla, subalit wala pang pag-amin o pagtanggi ang dalawa.

(CLICK HERE to read related article.)

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na si Jodi ay hiwalay na sa kanyang asawa na si Pampi Lacson mula pa noong nakaraang taon. Mayroon silang anak na lalaki.

Si Jolo ay may anak ding lalaki mula sa pagkabinata, na bunga ng naging relasyon nito sa dating girlfriend na si Grace Adriano, anak ng aktres na si Rosanna Roces.

"I AM READY." Sa presscon ng kanyang teleserye ay tinanong si Jodi kung handa na ba siyang umibig muli.

“I guess I am," maikli ngunit nakangiting sabi ni Jodi.

Tikom man ang bibig ng aktres sa napapabalitang lovelife niya, ibinahagi naman niya na may patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa kanya—ang anak niyang si Thirdy.

Sabi ng aktres, “Siya yung inspiration ko na… para sa kanya ako gumigising every day.”

Bagamat maingat na ngayon si Jodi sa pagsasalita tungkol sa kanyang lovelife, siniguro naman niya sa media na: “I have never lost faith in love.”



BE CAREFUL WITH MY HEART REWIND. Samantala, hinikayat naman ni Jodi na ang mga manonood na muling tunghayan ang simula ng istorya ng Be Careful With My Heart sa gagawing weekly replay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jodi, nagkaroon ng tinatawag nilang “Sabado Rewind” para sa programa dahil na rin sa hiling ng mga manonood.

“Yung demand talaga ng mga tao na nagre-request na mapanood yung show, regalo natin ito sa kanila.

“Yung mga taong nagwo-work, nasa school, hindi nakakanood ng Be Careful With My Heart, gusto rin nilang ma-experience yung good vibes and yung positive thing na naidudulot ng show. Ito na yung sagot sa request nila.”

Ang Be Careful With My Heart Sabado Rewind ay mapapanood tuwing Sabado, simula Setyembre 15, bago ang It’s Showtime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN