Philippine music icons honored by Star Awards for Music; awardees’ children pay tribute to their parents through songs

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsama-sama sa iisang stage ang ilan sa itinuturing na icons sa Philippine music sa katatapos lang na 4th Star Awards for Music, kung saan pinarangalan sila ng Natatanging Alagad ng Musika award. Ilan sa kanila ay sina: (L-R) Martin Nievera, Pops Fernandez, Kuh Ledesma, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.


Pangalawang taon na ng pagbibigay parangal sa mga Natatanging Alagad ng Musika sa taunang Star Awards for Music ng PMPC (Philippine Movie Press Club).

Ito ang special recognition para sa kinikilalang music icons ng Philippine music industry.

Sa ginanap na 4th PMPC Star Awards for Music, lalong nagbigay sigla at ningning sa okasyon ang pagdalo ng karamihan sa napiling pinarangalan.

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at mga taga-media noong Linggo, September 9, sa Meralco Theater, ang ginanap na parangal.

Nauna ang tribute para sa mga kompositor na sina Vehnee Saturno, Boy Christopher, at Lito Camo.

Tinampukan ng special numbers ng Mocha Girls at Pilipinas Got Talent champions Jovit Baldovino at Marcelito Pomo ang tribute para sa tatlo.

CHILDREN’S TRIBUTE. Sa huling bahagi naman ng awarding ceremonies, sumunod ang tribute number para sa iba pang Natatanging Alagad ng Musika.

Binigyan ng kani-kanyang tribute ang ex-couple na sina Pops Fernandez and Martin Nievera; sina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, at Gary Valenciano.

The awarding and tributes were made more special and meaningful dahil ang mga anak mismo ng music icon-awardees ang nag-perform.

Umawit para sa kani-kanilang magulang sina Robin Nievera para kina Martin and Pops, Karylle para sa inang si Zsa Zsa, Isabella para kay Kuh, at Paolo Valenciano para kay Gary V.

Kani-kanilang kinanta ang mga awit na pinasikat ng kanilang mga magulang.

Para sa mga hindi nakasipot na awardees, tulad nina Sharon Cuneta at Lea Salonga, pinatutugtog at kinananta ng back-up singers naman ang tribute songs.

Sa kanyang thank-you speech for her mom Zsa Zsa, sabi ni Karylle: “Ipinaaabot po ng aking magandang nanay, si Ms. Zsa Zsa Padilla, ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa PMPC.

“Maraming salamat po sa karangalang ito.

“Ako naman, I would really like to thank the members of the PMPC who have supported, loved, and prayed for our family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At alam ko, especially my mom ngayon, na mula nang naging successful ang operasyon, ang award na ito...

“Good days are ahead, and thank you so much for being a part of it.”



THE NIEVERAS. Dalawang lalaki ang naging anak nina Pops and Martin Nievera—sina Robin at Ram.

Si Robin ay grown-up na ngayon, in his early 20s, at isa na ring recording artist.

Hindi kataka-takang manalo si Robin ng Best New Male Recording of the Year award para sa kanyang self-titled album, Robin Nievera/Overwait.

Sa gabi ng tribute na ito, nagkasama uli ang popular duo na Martin and Pops, kasama na ang anak na si Robin.

Masaya ang ex-couple, especially for Robin, dahil sa markado nitong pagsisimula sa local music industry.

Paalala ni Martin sa anak, “First of all, those carefully watching you tonight are the cream of the crop of the press. And they’re here to make or break you.

“But the most beautiful thing that they do best is, if you honor them with your good works, they will honor you right back.

“Thank you so much for this great honor. There are a few words to say.

“All I can say is receiving any part of recognition, at this day and age, is one of the most beautiful feelings one can ever share with their children.”

Between the two, si Pops ang mas maraming nasabi sa thank-you speech niya.

“Maraming maraming salamat po sa PMPC.

"It’s always a wonderful, great feeling everytime we get recognized, no matter how long we’ve been part of the business.

“Bihira na lang po ang nagbibigay ng recognition sa mga singers, composers, arrangers.

“So, maraming salamat sa Star Awards for Music sa pag-recognize sa mga baguhan at sa mga music icons—sina Gary, Kuh... hindi ako kasali, bagets pa ako!” joked Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “I want to thank PMPC... siyempre, I’m such a proud parent, for giving Robin his very first award. Salamat!

“Ang sarap ng feeling, lalo na si Martin.

“And I’m watching these wonderful, talented kids... parang ano ba ang ibig sabihin noon, Ms. Kuh?

“Is it a sign that they should make money na lang for us? What do you think?” birong tanong ni Pops.

“And these guys, they’re so talented, ako mismo nagulat!

"Congrats Isabella, Paolo... and my pride, Robin!” pagtatapos ni Pops.



“AKO AY PILIPINO.” Marami ring pinasalamatan si Kuh Ledesma.

Paumpisa niya, “Salamat po. Ikinararangal ko na ako ay isang Pilipinong mang-aawit.

“Sambayanang Pilipino, sa ating bayan, maraming-maraming salamat for recognizing us, receiving us, as your singers.

“At, to be appreciated, yung lahat ng inawit namin...

“At kasama ko sa entablado ngayon... lalo na itong madaldal na si Martin Nievera, Pops Fernandez, Gary Valenciano—nagpapasalamat din po ako sa kanila!

“But most of all, nagpapasalamat po ako sa ating nagmamahal na Diyos.

“He makes an amazing plan, that this happens in my life. Kasi meron akong plano sa buhay, e.

“So to God be the glory. Thank you for this recognition!”



GARY V’S LEGACY. Kasama ni Gary V ang talent manager-wife na si Angeli Pangilinan-Valenciano at ang mga anak na sina Gab at Paolo na singer-recording artists/performers na rin.

“Nasabi na ang lahat,” nakangiting simula ni Gary sa kanyang pasasalamat.

“Pero sa mga kaibigan namin [sa press]... nakita niyo kaming mga seniors—kaming mga experienced ones, seasoned ones—nakita niyo kaming lumaki sa industriyang ito...

“Nakita niyo kung paano kami nagtagumpay sa mga concerts, mga recordings.

“Nakita niyo ang tagumpay namin, kahit na medyo naging malala ang piracy issue...

“Nagpapasalamat din ako kay Ogie Alcasid, ang presidente ng OPM. Tuluy-tuloy pa rin ang buhay ng OPM!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa PMPC, taus-puso akong nagpapasalamat sa inyong lahat, dahil nakita niyo ang lahat ng ginawa namin, ang mga paghihirap namin.

“At kung ano ang ginagawa ng aming mga anak, at sinusuportahan niyo kami, pati ang mga anak namin.

“Sa inyong lahat, thank you so much for this.

Rest assured that we will continue our legacy for the Filipino people.”



THE ALCASIDS. Hiwalay namang tinawag ang popular couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez para sa parangal nila.

Expectedly, Ogie’s and Regine’s presence sa awards event was met with loud cheers and applause from the audience.

“We love you, Songbird!” sigaw pa ng isang grupo ng fans ni Regine.

Matapos tanggapin ang kanilang plaques at certificates of recognition, sabi ni Ogie, “Congratulations to all of you.

“Palakpakan po natin itong mga music icons. I think they deserve a standing ovation!”

Ang mahalagang mensahe ng OPM president…

“Just recently, online, I read something about OPM.

"It said, ‘OPM is dead!’ A lot were talking about it, commenting about it.

“Alam niyo, dahil sa gabing ito na ginawa ng PMPC Star Awards, it just proves na, indeed, OPM is not dead—OPM is alive and kicking!

“And we have to prove to every Filipino that we are great.

“And... a, dala ko pa dito ang aking asawa,” sambit pa ni Ogie na ikinatuwa ng audience.

“Also, maraming salamat po sa Panginoon, dahil Siya po ang lumikha ng magagandang musika na naririnig po natin ngayon.

“PMPC, thank you very much!”

Sumunod naman ang message ni Regine.

“Magandang gabi po sa inyong lahat. Nagpapasalamat po ako ng lubos sa PMPC, dahil po sa napakagandang parangal na ito.

“Nagpapasalamat din po ako sa mga iniidolo kong nandito sa stage, kasi nauna po sila sa akin, e!

“Mga ten years ang una nila sa akin!” natatawang biro ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabing “kikay” ang pagkilos at pananalita ni Regine habang nasa entablado at kasama ang iba pang mga awardees.

Sa biro ni Regine ay nag-comment si Pops.

“Una lang kaming nangailangan...” sabi ng Concert Queen.

Sagot ni Regine, “Lahat po sila ay tinulungan ako nung ako po ay nag-uumpisa.

“Actually, lahat po sila ay binigyan ako ng pagkakataon, para mapasama sa industriyang ito.

“So, bawat isa kina Gary, Kuh, Pops, Zsa Zsa, maraming-maraming salamat!

Sa bandang huli, hinarap ni Regine ang mga anak ng mga kapwa niya awardees.

“Hintayin niyo ang anak ko, ha?

“Naku, mga two years from now, hintayin niyo... bumibirit din iyon!” pagmamalaki niya tungkol sa anak na si Nate.

“Thank you, PMPC!” pahabol ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN