Richard Yap on leading lady Jodi Sta. Maria: “Siguro nga nagka-develop-an na nga kami… as close friends.”

Richard Yap on success of Be Careful With My Heart: “It’s really a first for all of us at experimental din yung type of show. So, we’re just happy that it all came together. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng press sa magagandang reviews, not only about me but tungkol sa buong show. So, I’m really thankful to the press and to all the public, the fans, kasi kung wala kayo, wala naman kami.”


Hindi raw nababahala sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria, mga bida ng ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart, sa balitang balak daw tapatan ng ibang TV network ang show nila.

May balita kasing isang kilig-serye rin umano na pagbibidahan ng balik-tambalan nina Bea Binene at Jake Vargas ang balak daw itapat ng GMA-7.

Reaksiyon ni Richard dito, “Ano naman ito, e, it’s a free country.

“So, kung gusto nilang tapatan, okay lang naman sa amin.

“Pero we’re not in competition with anybody. We just want to give our best and hope that the audience will like what we do.”

Dagdag naman ni Jodi, “At saka siyempre, kung meron mang plan, wala namang problema, di ba?

“At least nag-open ng… kumbaga tayo yung pioneer, kumbaga, sa ganitong timeslot.

“And para naman dun sa kabila, nakapag-open din naman ng opportunity sa kanila para maipakita rin kung ano yung meron sila.

“Kumbaga, hindi issue, walang problema. As long as lahat may work, bakit hindi?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sina Richard at Jodi sa thanksgiving presscon ng Be Careful With My Heart kahapon, Setyembre 11, sa 9501 restaurant sa 14th floor ng ABS-CBN ELJ building.



NUMBER ONE DAYTIME PROGRAM. Sa hiwalay naman na panayam kay Richard, inamin niya na hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa malaking tagumpay na tinatamasa ng Be Careful With My Heart, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN bago ang It’s Showtime.

Sa kasalukuyan, ito ang nangungunang daytime program sa telebisyon nationwide, ayon sa Kantar Media-TNS, dahil sa consistent na mataas na ratings na nakukuha nito.

Sabi ni Richard, “Actually, hindi namin ine-expect.

“This is the first time we’re all working together. So, nung first, kinakapa pa rin namin.

“It’s really a first for all of us at experimental din yung type of show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we’re just happy that it all came together.

“Nagpapasalamat din ako sa lahat ng press sa magagandang reviews, not only about me but tungkol sa buong show.

“So, I’m really thankful to the press and to all the public, the fans, kasi kung wala kayo, wala naman kami.”

Para nga naman sa isang artista na nagsimula lang sa showbiz noong isang taon, malaking achievement ito para kay Richard.

Una siyang nakilala bilang si Papa Chen dahil sa successful stint niya sa Kim Chiu-starrer na My Binondo Girl.

Pero ngayon ay tinatawag na rin siyang Sir Chief, na role naman niya sa Be Careful With My Heart.

Ramdam na ba niya na sikat na siya?

“Medyo… konti, kasi hindi ka na makapunta kung saan-saan by yourself. Pero ine-enjoy ko naman yung sinasabi nilang kasikatan.

“Kaya nga I’m very thankful sa ABS-CBN sa pagbibigay sa akin ng break sa My Binondo Girl.

“Tapos nasundan ng Walang Hanggan at ngayon etong Be Careful With My Heart.

REWIND. Dahil nga sa lakas ng teleserye nila, marami ang nag-requests na sana raw ay magkaroon ito ng replay.

Masaya nga nilang ibinalita sa thanksgiving presscon na mapapanood na rin ang kanilang show tuwing Sabado sa pamamagitan ng Be Careful With My Heart Sabado Rewind, 10:30 a.m., bago ang It’s Showtime.

Simula nga sa Sabado, Setyembre 15, ay mapapanood na ang replays ng naturang kilig-serye simula sa pilot episode ng unique love story nina Yaya Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard).

Kabilang din sa cast sina Aiza Seguerra, Mutya Orquia, Sylvia Sanchez, Divina Valencia, Gloria Sevilla, Janella Salvador, Jerome Ponce, JM Ibañez, at Tom Rodriguez.

Mas may pressure ba ngayon na ma-maintain nila ang mataas na ratings ng show nila?

“Actually, as much as possible, hindi namin iniisip na, let’s say, gusto naming maabot yung ganito [ratings].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We just try our best, we just give the best in everything that we do just to give the audience a good show.

“I think that will take care of the rest.”



CLOSE FRIENDS. Bukod sa pagiging magkatrabaho, magkaibigan na rin ba sila ni Jodi?

“Oo naman. Parati kaming nagtatawanan sa isa’t isa.

“Pag may nagagawang palpak yung isa, pinagtatawanan namin yung isa’t isa.”

Bilang baguhan sa showbiz, malaking tulong daw kay Richard si Jodi sa mga bagay na hindi niya alam.

“Nag-uusap kami, nagtatanungan kami. I ask her for certain advices din for some things I don’t know.

“At saka marami na rin kaming napagkukuwentuhan since halos every day nga kami nagkikita.

“Siguro nga nagka-develop-an na nga kami… as close friends,” biro ni Richard.

Wala rin daw isyu sa asawa ni Richard na si Melody ang loveteam nila ni Jodi. Madalas rin daw dumalaw si Melody sa set.

Full support pa nga ang asawa niya at pati ang mga anak nila sa tandem nila.



GOING FOR THE BIG SCREEN. Dahil sa lakas ng tambalan nila ni Jodi, posible kayang pelikula na ang kasunod nito?

Sabi ni Richard, “Wala pa namang formal na ganun. Pero nandun na yung idea siguro to make this into something like yung film.

“Pero as of now, it’s still a concept.”

Pinaghahandaan na ba nila yung big screen debut ng tambalan nila?

“Hindi pa naman, as of now, kasi medyo mahaba-haba pa yung istorya [ng teleserye].

“So, we just go with the flow, kung ano yung ibibigay nila sa amin.”



RECORDING ARTISTS. Bukod sa pagiging bida sa kanilang teleserye, recording artists na rin sina Jodi at Richard dahil sa kanilang official soundtrack album na kinabibilangan ng theme songs ng Be Careful With My Heart.

Pinangungunahan ito ng duet nina Jodi at Richard ng “Be Careful With My Heart" at “When You Say Nothing At All.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May solo songs din sila na “Kaba” at “Torete,” na inawit ni Jodi; habang “When You Say Nothing At All,” “The Way You Look Tonight,” at “Sorry Na Pwede Ba” naman kay Richard.

Kabilang din sa album ang “I’ll Be There” ni Aiza Seguerra at ang bonus track ng “Be Careful With My Heart,” na version nina Juris at Sam Milby.

Anong paghahanda ba ang ginawa nila para sa recording?

“Wala naman. Kasi mahilig lang talaga kaming kumanta, karaoke-karaoke lang,” sabi ni Richard.

Ngayon pa nga lang daw ay may kumausap na sa kanila para sa isang concert sa Disyembre. Isa raw sa cast member nila ang magpo-produce nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN