Zsa Zsa Padilla returns to the country cancer-free

Sinabi ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na habang hinaharap niya ang problema sa kalusugan ay nasa isipan niya ang yumaong Comedy King na si Dolphy. Aniya, “I know that your spirit is always around me, and it makes me strong, it’s very comforting.”


Pagkatapos ng halos isang buwan na pamamalagi sa Amerika, nitong Setyembre 7 ay bumalik na ng Pilipinas si Zsa Zsa Padilla.

Pumunta ng Los Angeles, California si Zsa Zsa upang kumuha ng second opinion tungkol sa nakitang bukol sa kanyang kidney na kasing laki ng golf ball.

Sa una kasing pagsusuri sa singer-actress ay na-diagnose siya na may Stage 1 kidney cancer. (CLICK HERE for related article.)

Noong Agosto 27 ay inoperahan si Zsa Zsa upang alisin ang polyp sa kanyang kidney, at upang alamin kung malignant nga ba ito.

Makalipas ang ilang araw, masayang ibinalita ng Divine Diva sa kanyang Twitter account na benign ang nakuhang bukol sa kanyang kidney. (CLICK HERE for related article.)

Matapos makabalik ng bansa, ang unang live TV appearance ni Zsa Zsa ay nangyari kaninang umaga, Setyembre 12, nang mag-guest siya sa Kris TV.

Kasama ni Zsa Zsa na nag-guest ang mga anak niyang sina Karylle at Zia.

Ang host ng show na si Kris Aquino ay isa sa malapit na kaibigan ng Divine Diva.



EXPECTED RESULT. Sa panayam ni Kris, muling sinariwa ni Zsa Zsa ang araw na nagpakonsulta siya sa Amerika, kung saan nalaman niya ang kanyang kundisyon.

Kuwento ng singer-actress, “Yung ano na, sa check-up ko, kasama si Zia at saka si Dra. Vicki.

“[It was] in the U.S. I went there for a second opinion.

"Sabi sa akin, ’it’s malignant.’ Yung parang sabi niya, ’From the looks of it, malignant.’

“Tapos... ’So, tama ba yung naririnig ko, malignant? Ibig sabihin cancer ‘yon.’

"Sabi ko, ‘Does that mean I have cancer?’

"Sabi niya, ‘Yes.’ Ganun lang sila kaano…

“It is cancer. Pero dinisclose din nila na there’s still hope na it is not cancer.”

Ngunit malaking bagay daw para sa Divine Diva na bago pa man siya magtungo ng Amerika ay naisip na niyang maaaring mayroon nga siyang cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Zsa Zsa, “Tapos si Dra. Vicki, sabi niya, ‘How could you be so calm? Kung ako ‘yon, talagang nag-iiyak na ‘ko.’

"Kasi she was waiting for my reaction, e.

“Sabi ko, ‘Okay.’ Gano’n lang ako, gano’n lang ako kakalmado because I entertained the thought na nga in ano…

“Kasi Kris, sometimes, di ba, I’m an overthinker? Talagang I’m so many steps ahead already.

“Ang principle ko kasi nun, para kung dumating ‘yon, hindi na ganun kasakit, kasi na-entertain ko na yung idea."



THE SAD NEWS. Matapos ang kanyang check-up, agad na ibinalita ni Zsa Zsa ang findings sa kanya ng doktor sa panganay niyang anak na si Karylle.

Inamin ni Karylle na halos bumagsak ang mundo niya nang sabihin ng kanyang mommy na “malignant” ang polyp sa kidney nito.

Pag-alala niya, “Uhm, she just texted me, ‘It’s malignant,’ and I didn’t know what to say naman, di ba, kasi andito ako, e.

“But yung time talaga na nag-react ako, when she called me in ASAP, sabi niya, nagdyu-joke pa nga ako, e, ‘Call me, maybe.’

“Tapos sabi niya, ‘I have a growth...’ growth pa lang nun, e, and dun parang gumanun yung mundo ko.

“Parang nakaupo ako sa mga props doon sa ASAP, tapos dumadaan yung mga tao... malapit na, e, last gap na, e, tapos umiiyak ako.

"Then si Tito Gary [Valenciano], ‘Are you okay?’

"‘Yeah...’ pero ibinabalita niya sa akin ‘yon.

“So, yun talaga yung time na parang hindi ko masyadong matanggap yung mangyayari, e.

“So, nung time na sinabi niyang malignant, parang medyo tanggap ko na.

"And alam ko na lahat ng procedures that have to be done, magagawa naman nang maayos.”



THE TOOTHPASTE INCIDENT. Gaano man kabigat ang pinagdaanan ni Zsa Zsa dahil sa kanyang kalusugan, nanatili itong matatag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hangga’t maaari, iniiwasan nitong umiyak sa harap ng kanyang pamilya, kahit pa sinabi ni Zia, na kasama ni Zsa Zsa sa Amerika, na may mga gabing naririnig niyang umiiyak ang kanyang mommy.

Naunawaan naman daw niya ito dahil naging sunud-sunod ang mga dagok na dumating sa buhay nila.

Kamamatay lang kasi noong Hulyo 10 ng ama ni Zia na si Dolphy.

Pero isang kakaibang insidente raw ang naganap, kung saan hindi na napigilan ni Zsa Zsa na maiyak sa harapan ng mga anak.

Nakangiting sabi ni Zia, “So, you know, I would catch her with a toothpaste..."

Sumingit naman si Zsa Zsa at personal na ikinuwento ang pangyayaring iyon.

“Hindi kasi ako umiyak before nang nalaman ko na cancer siya supposedly, hindi ako umiyak.

“After surgery, nalaman ko benign, di ba, okay, I was very, very happy, of course, pero hindi talaga ako umiiyak.

“Pagdating ko sa hotel, nakita ko yung Colgate, magtu-toothbrush ako, naalala ko si Dolphy.”

Biro ni Chiz Escudero, na co-host ni Kris sa show, “So dahil sa toothpaste?”

Nakangiti namang sagot ni Zsa Zsa, “Oo! May mga things na ganun, so sabi ko, nakakatawa naman.

“Kasi lahat ng pinagdaanan ko sa sarili ko, hindi ko talaga siya iniyakan.

“Pero every time na maaalala ko siya [Dolphy], dun ako naiiyak.”



SUPPORT FROM DAUGTHERS. Kapag mayroong ganitong mga dagok sa kanilang mga buhay, sinabi ni Zsa Zsa na kumukuha siya ng lakas sa kanyang mga anak.

Para kay Zia, kilala na niya ang kanyang mommy, at alam niyang haharapin nito ang anumang pagsubok na buo ang loob at may pananalig sa Diyos.

Habang si Karylle naman, malaking bagay para sa kanya na mapagbigyan ang hiling ng ina na makapagbakasyon sila sa darating na Pasko.

Ngayon pa lamang daw ay inaalam na nin Karylle kung kailan ang Christmas vacation nila, at inaayos na ang mga gagawin niyang leave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pambubuko naman ni Zsa Zsa sa panganay na anak, “Sa amin kasi, siya yung may pinakamaraming schedule, grabe!

“Always na lang talaga, si K, kapag yayayain mo magbakasyon, mga six months kailangan. ‘K, puwede ba tayong mag-vacation ng December?’”

Sumunod naman na tinanong ni Kris kung ano ang naisip ni Karylle na sabihin sa ina noong mga panahong nasa panganib ang buhay ng ina nito.

Kadalasan daw kasi, kapag nanganganib ang buhay ng mga mahal natin ay naiisip natin ang mga bagay na nais nating iparating sa kanila.

“Hindi ko inisip!” umiiling na tugon ni Karylle.

“I didin’t want to think that way kasi.”

Kaya naman hiningi na lamang ni Kris ang mensahe nito para sa ina.

Pero bago ang mensahe sa ina’y nagpasalamat muna si Karylle kay Kris, na siyang tumulong sa kanya upang makapunta ng Amerika bago ang operasyon ni Zsa Zsa.

At saka siya nagpatuloy sa nais sabihin sa ina: “I’m just so proud of you.

"Palagi nga naming sinasabi, you’re the top of the eighth floor, kasi nasa eighth floor nga kami.

“Tapos pag naglalakad siya, ang bilis-bilis niyang maglakad, kahit sabihin na, ‘Gising ka ng seven a.m.,’ magigising siya, model ano ‘to... patient.

“I can’t understand how fast it was na bigla kang uuupo, but we celebrate all those little victories—uupo, magbe-burp, magtsi-change ng diet.

“I know you’re being strong for all of us. But I also wanna say na it’s okay for you to take a rest every once in a while, because we can be strong for you too.

“I’m just happy, you know, she’s been laughing and sometimes it hurts her.

"But I hear that same laugh that I used to hear. She goes, ‘Haha, don’t make me laugh,’ kasi masakit, masakit pa sa tiyan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, you know, you’re back and I know that God will completely heal you.

“Everyone is praying for you, we love you.”



MISSING DOLPHY. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang longtime partner ni Zsa Zsa na si Dolphy.

Sabi pa nga ni Kris, minsa’y narinig niya na sinabi ng kaibigan na “It has been forty days. Now, it’s almost a month,” patungkol sa pagpanaw ng kabiyak ng Divine Diva.

Katulad pa rin ng dati, kinakausap pa rin daw ni Zsa Zsa si Dolphy na tila kasama niya lamang ito sa kuwarto.

Ang mga kuwentuhan daw nila ng Comedy King ang pinaka nami-miss ng Divine Diva.

“I talk to him every day, e,” nakangiting sabi ni Zsa Zsa, bagamat bakas ang kalungkutan sa mga mata nito.

“Like nung pag-uwi ko lang, sabi ko, ‘So, what do you have today?’

"That’s what he would always tell me, ‘What do you have today?’

"‘I didn’t know what I have today, I’m on leave.’ Gano’n, para kang tanga na kausap ko lang siya.

“So ako din ang sumasagot, nai-imagine ko na kausap ko siya. Every day ganyan.”

Tinanong naman ni Kris kung ano ang gustong sabihin ni Zsa Zsa kay Dolphy, lalo na matapos ang kanyang mga pinagdaanan.

Ani Zsa Zsa, “I know that your spirit is always around me, and it makes me strong, it’s very comforting.

“Ang sabi ko sa kanya, ’Lovey, ‘yon na nga, dati hindi naman twenty-four-seven nasa isip kita. Pero siyempre ngayon talaga, with everything that I do, you will be proud of me, of the girls, of everyone that you love.’

“And palagi niya kaming gabayan sa lahat ng gagawin namin sa buhay.

“I always pray to him, I started meditating, and kaya siguro ako nagkaroon ng positive outlook sa buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INVEST ON YOUR HEALTH. Bago magtapos ang programa, pinasalamatan ni Zsa Zsa ang mga taong sumuporta sa kanya sa oras ng kanyang pangangailangan.

Una na raw diyan ang kanyang mga kapamilya na dumadalaw o hindi kaya’y tumatawag sa kanya araw-araw upang kamustahin siya.

Pinasalamatan din niya si Dra. Belo na sumagot ng pagpunta nila sa Amerika at gayundin sa gastusin nila sa kanilang tinuluyan doon.

Bawat appointment niya nga raw sa doktor ay sumasama si Dra. Belo.

Idinagdag pa ni Karylle na madalas niyang makita ang cosmetic surgeon na naro-rosaryo.

Nagbigay rin ng paalala si Zsa Zsa sa mga tao na pangalagaan ang kanilang kalusugan.

Aniya, “Talagang kailangan ano… kapag nanonood ka ng show sa Amerika, talagang it’s all about wellness, lahat talaga nag-iingat sa pagkain.

“Maganda yung isang konsepto na napanood ko, sabi nila, bakit daw hindi natin itrato yung nilalagay natin sa loob ng bibig natin as an investment for our body.

“Dahil nga naman we invest sa hitsura natin, sa binibili nating mga damit, sapatos, bags, ganyan, pero kumakain tayo ng halos basura.

“Lalo tayong mga Pinoy, ang hilig natin sa comfort food.

"Hindi naman sa ano… well, basura lang ang term in a sense na you know it is bad for you, but it’s so comforting, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN