Anne Curtis on balancing successful career and blooming lovelife: "I believe that if there’s a will, there’s a way."

Anne Curtis on settling down: “I know that if the time comes and I’m ready, without a doubt, yeah. But not yet now siguro. Marami akong gustong gawin, unlike before na parang yung mind ko was gusto kong magpakasal, gusto kong mag-baby. Parang ngayon kasi, ang dami kong gustong gawin pala.”


Hindi na nakapagtataka kung paborito ngayon kunin bilang endorser ng ilang malalaking produkto ang aktres na si Anne Curtis.

Heto’t isa na namang product endorsements ang nadagdag sa Kapamilya at Viva star—ang San Mig Coffee.

Kagabi, September 11, sa Sulu Riviera Hotel, ay ipinakilala si Anne bilang bagong ambassador ng naturang brand at kasabay na rin nito ang launching ng TV commercial tampok ang aktres.

Halos lahat na yata ng produkto ay may endorsement si Anne, pero natatawang sabi niya: “Deodorant na lang yata ang kulang!”

Marami naman ang naiintriga at nagtatanong kung pinalitan na ba ni Anne bilang endorser ng coffee brand na ito si Piolo Pascual.

Sabi ni Anne tungkol dito, “I think, bagong variants ito. Iba siguro yung sa kanya…

“Hindi ko naman tinanong, I don’t think I should.

“Baka makabastos pa if there are other issues. Parang, it’s none of my business anymore, di ba?”



COFFEE FOR EX-BOYFRIENDS. Game namang sinagot ni Anne ang tanong kung anong klaseng kape ang ibibigay niya sa mga naging ex-boyfriends niya na sina Chubi del Rosario, Oyo Sotto, Richard Gutierrez, Paolo Araneta, at Sam Milby.

“Okay, si Chubi, siguro siya yung choco frappuccino, kasi pa-sweet. Siya lang yung sweet love bilang teenager.

“Kay Oyo, bilang may asawa na po siya, bibigyan ko po siya ng super bilang bold, brave man.

“And then, kay Richard, ibibigay ko na lang ng white kasi maputi siya!” natawa niyang sabi.

“And then, kay Sam, ibibigay ko yung brown. Kasi, there’s the sweetness of the sugar and the bitterness of the coffee.

“Kay Paolo naman, strong din bilang he’s the oldest among my ex-boyfriend and I learned a lot from him.”

Sa present boyfriend naman niyang si Erwan Heussaff, sabi ni Anne, “Ibibigay ko sa kanya ang lahat!”

ON TOP. Sa puntong ito ay masasabing nasa peak na ng kanyang career si Anne na may hit movie, toprating show, hit concert, platinum album, at numerous endorsements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati nga ang kanyang lovelife ay blooming ngayon.

May kulang pa ba?

“Eventually family, but matagal pa yun! Enjoying muna,” sagot niya.

Hindi raw minamadali ni Anne ang importanteng bagay tulad ng pagpapakasal.

Aniya, “No, no, no, I’m not rushing.

“I’m enjoying what I have right now and parang magiging selfish talaga to ask for more if I’ll keep on saying.

“Sobrang happy talaga ako for what I have now.”

Bukod sa pagkakaroon ng sarili niyang pamilya, kuntento na ba siya sa buhay niya ngayon?

“Happy ako,” nakangiti niyang sabi.

“Haping-happy talaga. I couldn’t ask for anything more.”

Paano nagagawa ni Anne na ibalanse ang personal life at career niya?

“People say na hindi kayang pagsabayin, pero kaya yun basta gugustuhin mo naman.

“And I think, it’s also very important that you find the right person in a relationship.”

Kapag may libreng oras, nagkikita raw sila ni Erwan.

“Kapag may free day, kahit dalawang oras, nagkikita kami.”

Tila hindi akma kay Anne ang kasabihang kapag matagumpay ang career, nagsa-suffer naman ang lovelife.

Natatawang sabi ni Anne, “Ano lang yun, tsismis lang yun. Tsismis lang na hindi kaya.

“And I believe that if there’s a will, there’s a way.

“You just have, both of you, to make it work.”

NOT THE RIGHT TIME. Naniniwala naman si Anne na hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon para isipin niya talaga ang pag-aasawa.

“I know that if the time comes and I’m ready, without a doubt, yeah.

“But not yet now siguro.

“Marami akong gustong gawin, unlike before na parang yung mind ko was gusto kong magpakasal, gusto kong mag-baby.

“Parang ngayon kasi, ang dami kong gustong gawin pala.”

Anu-ano pa ang gusto niyang gawin?

“Travelling, very much like my dad. Gusto kong mag-travel.

“May business ako na gusto kong umpisahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, ang itinuturo lagi sa akin, like my mom, mag-iiba yung priorities mo.

“E, ngayon, di ba, ang kikay-kikay ko. Kung anu-ano ang mga hilig ko. Mahahati na yung priorities.

“Parang ang advice sa akin ng mom ko is to enjoy everything now.”

Hindi ba si Erwan yung tipong nagpaparamdam o nagpaparinig na gusto na niyang magpakasal?

“Hindi rin,” sagot ni Anne.

“Kasi, I think also, as someone who’s out of show business, meron din siyang sariling goals na he wants to achieve also.

“So, wala pa sa mga utak namin, which is what I love.

“We’re both growing us individuals and there’s no pressure na parang, okay, ilang years na.”

ANNE’S FAMILY. Nang kumustahin naman ang kanyang pamilya, sinabi ni Anne na open pa rin ang komunikasyon nila kahit magkakalayo sila.

Ang mommy niya ay nasa Australia, ang daddy niya ay nasa Pampanga, samantalang ang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith ay nagpapabalik-balik sa Australia at dito sa Pilipinas.

Sabi ni Anne, “They are good naman. Baka Pasko na kami magkita dahil sa schedule.

“We’re always in touch naman.

“Nasa Twitter ang nanay ko. Nagtu-tweet. Nakakatawa siya.

“Nagtu-tweet naman kami do’n or nagti-text-text. Masaya naman.

“Thank you sa social media talaga.”

MOVIE WITH DEREK AND ANDI. Sa ngayon, bukod sa daily show niyang Showtime, abala rin si Anne sa pagsu-shooting ng pelikula nila nina Derek Ramsay at Andi Eigenmann para sa Viva Films.

Kuwento ni Anne, “Shooting pa rin kami ng Nothing Compares To You but, I think, they are still figuring our kung ano ang final title.

“Masayang ka-work si Andi, mahusay siya tulad ng nanay niya. Kasama rin po namin si Ms. Jane [Jaclyn Jose, Andi’s mom].

“So, you know, it’s so funny to see the two different generation of amazing actresses kasi nakuha ni Andi talaga yung… ang galing, ang husay-husay niyang umarte.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat sana ay si KC Concepcion ang kasama ni Anne sa movie, pero hindi nga ito natuloy.

Kuwento ni Anne, “Noong nalaman kong hindi, tinext ko naman [si KC].

“Na-explain naman niya and I said, I understand the reason why.

“Sabi ko, sayang.

"But you know, since she’s also a Viva baby now, malaki ang chance that we’ll get to work together.”

Pero excited daw si Anne para kay Andi.

“With Andi, it’s a major role for her that’s why I’m excited for her,” sabi niya.

Si Derek naman ay nakasama ni Anne sa blockbuster movie last year na No Other Woman. May pressure ba na mahigitan ng bago nilang pelikula ang una nilang pelikula?

“I know there is pressure but, I think, it’s best that you don’t expect to have another blockbuster hit.

“Kasi, it happens naman every once in a while but that doesn’t mean every film has to be like that.

“Tingin ko rin kasi, it goes with the trend kung ano ang gusto ng mga taong panoorin.”

Pagkatapos ng No Other Woman, si Anne ang top choice ng mga aktor tuwing tinatanong kung sino ang gusto nilang makapareha.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Wow, nakaka-happy naman ‘yan. At sana, mangyari nga that I get to work with those leading men.”

SOAP WITH KRIS & ROBIN. Tuloy pa rin ang pagte-taping ni Anne ng bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Kailangan Ko’y Ikaw, kung saan makakasama naman niya sina Kris Aquino at Robin Padilla.

Hindi raw kasama si Anne nang mag-taping sa Boracay. Pero balitang maraming intimate scenes dito sina Kris Aquino at Robin Padilla.

Meron din kaya sina Anne at Robin?

“Wala pa, wala pa kami.

“So far, yung story sa week one and week two, it starts with us and then sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I think so, pero wala pa akong nababasa sa script. Malamang, meron din.”

Na-miss din daw ni Anne na katrabaho si Kris sa teleserye.

“Na-miss ko siya from Hiram.

“Parang ngayon lang kami nagka-work again. Ate pa rin talaga.

“Pero, masaya kasi mas nakakapag-usap na kami ng more mature about things.

“Unlike before na talagang gina-guide-guide niya ako.”

Si Robin naman daw ay nakasama na niya noon sa pelikulang Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib.

“Doon ko siya unang naka-work. Tapos yung film na ginawa niya with Jacky Woo.”



ENTERTAINER. Sa presscon proper ay ipinakilala rin si Anne bilang isang “singer.” Pero itinama niya ito at sinabing “entertainer” siya, hindi singer.

Katuwiran ni Anne dito, “I believe, I am an entertainer who loves to sing, hindi talaga singer.

“Kahit pilitin ko, baka maraming magalit sa akin kapag pinilit ko na singer ako.

“So, I am an entertainer who loves to sing.”

Pero natutuwa si Anne at hindi makapaniwala na ang next Annebisyosa concert tour niya ay sa Hong Kong magaganap.

Masayang sabi ni Anne, “Can you believe, Hong Kong? May concert ako sa Hong Kong!

Annebisyosa Goes to Hong Kong, November 18 po ‘yan. Sana, start na ‘yan.

"At sa lahat ng nasa Hong Kong, it’s a free concert for them, binili ng Smart and the producers there for all of them to watch for free.

“So, magkita-kita po tayo diyan.”

Diretsahan namang sinasabi ni Anne na hindi na raw siguro sa malaking venue, tulad ng Araneta Coliseum, kung sakaling magko-concert siyang muli sa Pilipinas.

Natatawang sabi niya, “Hindi na siguro Araneta, ano na, lounge, unplugged chu-chu.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN