Aljur Abrenica on being chosen by Cosmo as one of sexiest Kapuso hunks: “I got the looks of a gentleman daw, pero parang makasalanan daw ang katawan ko!”

Aljur Abrenica on having a sexy body: “Kumbaga, hindi ko hinahabol ang pagandahan ng katawan dahil alam ko na mas maraming magagandang katawan sa akin. Ang hinahabol ko ay maging role model sa mga kabataan na makikita nila sa akin ang fit na katawan—tama lang.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica noong Martes ng gabi, September 12, sa Studio 7 ng GMA-7.

Ginagawa niya noon ang plug shoot ng bago niyang primetime series, ang Pinoy adaptation ng Korean series na Coffee Prince.

Sa panayam namin sa Kapuso young actor ay napag-usapan ang pagrampa niya sa Bench denim and underwear fashion show, ang Bench Universe, ngayong gabi (September 13) at bukas ng gabi (September 14).

Ayon kay Aljur, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niyang treatment sa pagrampa niya sa Bench show.

Pero aniya, “May tiwala naman ako sa Bench. Ipinapaubaya ko na yun sa kanila.”

Noong huling Bench fashion show, two years ago, pants ang suot ni Aljur dahil denim model siya.

Posible bang higitan niya ang gagawin at ang makikita sa kanyang pagrampa ngayon?

Sagot ni Aljur, “Abangan na lang. Depende yun kung anong ma-feel ko.”

SAME ROUTINE. Puspusan ang paghahanda ng katawan ng ibang celebrity endorsers para sa Bench fashion show, pero consistent lang si Aljur sa dati niyang ginagawa.

Kuwento ng Kapuso hunk, “Sa ngayon, same routine lang. Nagda-diet ako, nagmu-Muay Thai ako.

“Sayang nga, e.

"Sana nagdagdag pa ako ng iba’t ibang activities for this.

"Pero ‘eto na, naging busy tayo sa Coffee Prince rin.

“Pero lifestyle ko na rin kasi diet, more on gulay.

"Pero hindi naman totally na hindi kumakain o yung totally talagang hardcore ang diet.

“Ngayon, masarap naman ang diet ko.

"Dapat kasi balanse pa rin. Kailangan healthy ka at masaya ka. Hindi katulad noon, sobrang hardcore ang diet ko.

"Ngayon, masasabi kong tamang-tama lang.”

May anim na taon na raw nagdyi-gym si Aljur.

“More on maintenance na lang ngayon. Hindi katulad noon na buong oras ko halos nasa gym.”

ROLE MODEL. Excited pa rin ba siya sa mga event tulad ng underwear fashion show ng Bench?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Aljur, “Excited po ako sa event. Live ito, e, makikita ka ng mga tao.

“Kumbaga, hindi ko hinahabol ang pagandahan ng katawan dahil alam ko na mas maraming magagandang katawan sa akin.

“Ang hinahabol ko ay maging role model sa mga kabataan na makikita nila sa akin ang fit na katawan, tama lang.

“Na sa kabila ng mga busy skeds, gusto kong ipakita sa kanila na kahit busy ang mga tao, walang dahilan para hindi maging healthy o hindi mag-workout.

“Minsan kasi, yun ang nagiging problema sa atin, may mga taong nakakalimutan ang health nila, alagaan ang sarili nila.

“Yung iba, kinakatamaran ang pagwu-workout, e. Napakaimportante nun sa buhay ng tao.

“Marami tayong kilala… Ito, totoo ‘to, mga 70 years old na, nakakausap ko, tumatagal sila kasi marami sa kanila nagwu-workout, nagba-badminton.

“Ang regular is four times a week, pero kung wala talagang time, kahit once a week, twice a week, malaking tulong na yun.”



COSMO SEXIEST. Natuwa naman si Aljur na isa siya sa Top 3 choices ng Cosmopolitan magazine among the sexiest men ng Kapuso; kasama sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino.

Pero nalulungkot daw si Aljur na hindi siya makakarampa sa Cosmo Bachelor Bash sa susunod na linggo.

“Nagkaroon yata ng conflict sa schedule.

"Nalungkot din ako kasi every year halos, palagi tayong nasa Cosmo at routine na rin siya.

“At yung treatment naman sa akin ng Cosmo palagi, sobrang ganda. Mami-miss ko yun for this year.

“Pero yun nga, nakarating din sa akin na ako raw, si Rocco, at saka si Kuya Dong ang napili nila.

“Nakakatuwa naman at nagpapasalamat sa recognition na yun.

"Parang ang sabi yata, isa raw ako sa ’Pinoy na Pinoy.’

“Very funny nga, I got the looks of a gentleman daw, pero parang makasalanan daw ang katawan ko!” natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COFFEE PRINCE. Sa plug shoot naman ng Coffee Prince, walang duda na iba talaga ang chemistry nila ni Kris Bernal, ang orihinal na ka-loveteam ni Aljur.

Sina Kris at Aljur ang gaganap sa roles na Andi at Arthur sa Pinoy version ng hit Koreanovela na ito.

Sabi ni Aljur, “Very happy po ako ngayon dahil sigurado na ang Coffee Prince.

“Sure na sure na po at very blessed kami ni Kris dahil kami ang nabigyan ng pagkakataon na i-remake ang Coffee Prince.

“Actually, marami ang naghahangad na gawin ‘to dahil sobrang nag-hit siya noong 2007 at sa atin yata, 2009 yata ipinalabas.

“Thankful kami na ibinigay sa amin ng GMA ‘to.

"Thankful din ako sa cast—ang ganda ng casting, ang ganda ng team namin.

“Wala na akong masabi kung hindi excited na ako sa taping day namin na magsimula na kami.”

Pinanood daw ni Aljur ang DVD ng Coffee Prince para paghandaan ang karakter niya bilang si Arthur.

“Actually, yung character niya na iresponsable. Mayaman siya na umaasa lang sa lola niya, happy-go-lucky.

“Pa-thirty na siya pero hindi pa siya nagtatrabaho. Wala siyang responsibilidad.

“Doon, hindi naman sa nahihirapan, pero challenging siya sa akin.

“At sa huli, ikukuwestiyon ko ang pagkalalaki ko kasi magkakagusto ka sa lalaki.”

Sa kuwento kasi ay aakalain ng karakter ni Aljur na lalake ang role naman ni Kris.

Sa totoong buhay ba ay may insidente na o may posibilidad na ma-attract o magkagusto siya sa lalaki.

Natatawang sagot ni Aljur, “Alam niyo, ‘eto, nakakatawa… just to be sure.

“Iniisip ko, kung halimbawa, hinahalikan ko ang lalaki, kung gusto ko ba? Hindi, e!” sabay tawa niya.

“Sorry sa reaksiyon ko, ha? Pero, ganung-ganun talaga.

“So, exciting, panibago na naman siya sa akin.

"I just need a right person to talk to about this… sa character ko. Kailangan ko rin ng mga infos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN