Kathryn Bernardo on status of relationship with Daniel Padilla: “MU… magulong usapan!”

Kathryn Bernardo on playing roles outside her comfort zone: “If bibigyan ng chance, why not? Siguro alam naman nila [management] if it’s for the better, so bakit hindi naman, di ba? Kahit na anong ibigay na role, kahit superhero, action star, go!"


Sa pinakabagong ratings survey ng Kantar Media-TNS ay nangunguna na sa primetime race ang pinagbibidahang primetime series ni Kathryn Bernardo, ang Princess And I.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kathryn noong Linggo, September 9, sa backstage ng ASAP 2012, sinabi niyang nakakahinga na siya nang maluwag dahil mainit na tinatanggap ng publiko ang pinagbibidahang serye.

Dagdag din niya, “Pero hangga’t hindi natatapos yung show, hindi pa rin talaga ako nakakahinga.

"Nandun pa rin lagi yung kaba saka pressure.

“Masaya kami, pa-intense pa rin nang pa-intense yung mga eksena.

“Mapa-promise namin sa inyo na next week, mas intense yung mga scenes, mapapanood ninyo yung mga inaabangan nating lahat.

“Maraming-maraming salamat sa patuloy na pagsuporta.”

JULIA MONTES. Noong wala pa ang Princess and I ay nasasabihan si Kathryn na napag-iiwanan na ni Julia Montes, na lead actress naman ng primetime series na Walang Hanggan.

Ngayon ay marami ang nagsasabi na halos pantay na sila sa kasikatan ng kaibigan na nakasama niya sa teleseryeng Mara Clara.

Ano ang reaksiyon dito ni Kathryn?

“Maganda, masarap pakinggan.

“Kasi kahit magkahiwalay kami, sinusuportahan kami.

“Makikita naman yun sa ratings ng Walang Hanggan at Princess And I.

“Ever since naman, wala kaming naging kumpetisyon ni Julia, sinusuportahan nga namin yung projects ng isa’t isa.

“We are best of friends.

“Ngayon, may schedule kami later, lalabas kami after ASAP.”

Inaabangan din ni Kathryn na magkasama silang muli ni Julia sa isang proyekto.

“Of course, I’m really looking forward to work with her again.

"Kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko talaga.

“Saka I’m sure marami akong matututunan kay Julia, matututo kami sa isa’t isa.

“Mas kumportable din ako pag siya ang kaeksena ko kasi kilala ko na siya.”

OUTSIDE HER COMFORT ZONE. Sa kabila ng kanyang teeny-bopper roles at sweet image, bukas ba si Kathryn na gumanap ng ibang klaseng roles, gaya ng pagiging kontrabida?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “If bibigyan ng chance, why not?

“Siguro alam naman nila [management] if it’s for the better, so bakit hindi naman, di ba?

“Kahit na anong ibigay na role, kahit superhero, action star, go!"

How about mature or daring role?

“Siguro mas mature ng kaunti, pero hind yung super talaga. Siguro ipe-prepare ko na lang pag mga 18 na ako.”

DANIEL PADILLA. Gaano naman katotoo ang balita na may mutual understanding o mag-MU na raw sila ni Daniel Padilla?

“MU… magulong usapan!” tawa ni Kathryn.

“Okay kami, friends. Ganun pa rin, close pa rin, walang ipinagbago.

“Mas maalaga siya sa akin ngayon.”

Kung sakali ba ay mag pag-asa si Daniel na mapasagot siya nito?

“Matagal pa, lahat naman may pag-asa kung sincere sila. Kahit naman sinong manligaw, basta sincere.

“Hindi ako ganun ka-expressive sa feelings ko, pero siguro ipinapakita ko na lang.

“Hindi ako vocal, so bahala na kung ma-feel nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN