Jessa Zaragoza on dealing marital problems with husband Dingdong Avanzado: “Praktisado na kami kung paano iha-handle.”

Inamin ni Jessa Zaragoza na may pinagdaanan na silang unos ng mister niyang si Dindong Avanzado sa loob ng labing-isang taong pagsasama bilang mag-asawa. Aniya: “Sinasabi nga na parang bagyo ‘yan na darating na unexpected. Puwedeng sobrang lakas. Puwedeng dumaan lang. Pero parte talaga ng relationship iyon.”


Aktibo na naman ang career ngayon ng actress-singer na si Jessa Zaragoza.

Katatapos lang i-launch ang kanyang bagong album na Pag Wala Na Ang Ulan under GMA Records.

Pahayag ni Jessa tungkol sa kanyang album, “Masarap yung feeling.

“Na-miss ko ang ganito na mag-release ng OPM album. Puro mga Tagalog na ulit yung ni-release ko.

“Meron akong song na gawa ni Tito Vehnee Saturno. Parang reunion collaboration namin.

“Tapos meron ding song na ginawa ni Dingdong na ang title ay ’Ayoko Na.’

“Pero hindi naman ayaw sa akin ni Dingdong! Hindi naman!” natatawang sabi niya tungkol sa mister na si Dingdong Avanzado.

“Tapos yung aking carrier single na ’Kapag Wala Na Ang Ulan,’ composition ni Mr. Jimmy Antiporda.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessa sa 4th PMPC Star Awards for Music last September 9.



SECOND CHILD. Nangiti naman si Jessa sa tanong kung kailan masusundan ang unica hija nila ni Dingdong na si Jayda, na ngayo’y siyam na taong gulang na.

Aniya, “Siyempre nagpaplano na rin talaga kami. Sana… we’re hoping, baka next year.

“Pero gusto muna naming plantsahin yung iba pa naming plans para mas maging kumportable lahat.

“Kasi we have a plan also na lumipat ng bahay.

"Basta meron kaming iba pang mga planong inaayos. Ia-announce na lang namin soon.”



IMMIGRANTS. Pero ganoon pa rin daw ang set-up nila ni Dingdong na pupunta sa Amerika tapos ay babalik sa Pilipinas every now and then.

“Medyo mahirap dahil nagme-maintain kami ng estado dito sa Philippines, tapos sa Amerika.

“Iyon naman, e… lahat ng iyon, ginawa namin, like yung pagkuha ng green card sa States, para naman sa anak namin.

“Pero kung kami lang ni Dingdong, mas gusto namin dito sa Pilipinas, ‘no?”



NEW SITCOM. Excited si Jessa dahil kasama siya sa cast ng nagbabalik na comedy series ng GMA-7, ang Pepito Manaloto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tampok dito sina Michael V at Manilyn Reynes.

Ano ang role niya rito?

“Naku, kalokohan!” tawa ni Jessa.

“Ang pangalan po ng character ko ay Didi.

"Tanong ko nga kay Bitoy [Michael V], ‘Bakit Didi?’

“Sabi naman niya sa akin, ’Alam mo na yun! Didi!’

“Tapos, ang magpo-portray naman bilang nanay ko, si Tita Nova Villa.”

Hindi ba niya nami-miss ang lumabas sa isang soap opera na seryoso ang role na kanyang gagampanan?

“A… yung last ko na soap opera sa GMA, yung Kokak, last year lang iyon. So hindi ko pa naman nami-miss nang sobra.

“Pero siyempre, kung merong darating na maganda na character sa isang soap, tatanggapin ko. Bakit naman hindi?”



BEAUTY REGIMEN. Marami ang nakakapansin sa younger-looking pa rin na beauty ni Jessa at na-maintain din niya ang kanyang kaseksihan.

“Thank you naman po!” natawang reaksiyon ni Jessa.

Ano ba ang kanyang beauty secrets na puwedeng mai-share?

“Naku, ewan ko. Sabi ko naman, wala namang secret, e.

“Alam mo, malaking factor siguro yung happy ka sa buhay mo, contented ka. Na-appreciate mo yung mga blessings.

“Sabi ko nga, very thankful ako sa mga bagay na meron kami.

"At thankful pa rin ako sa mga bagay na wala kami, kasi siguro may reason kung bakit wala kami noon.”



MARITAL BLISS. Hindi na ba nakakaranas ng bagyo ang pagsasama nila ni Dingdong ngayon?

“Hindi pa naman ulit," sagot ni Jessa.

"Siguro yung mga trials o pagsubok sa relasyon ng mag-asawa, sinasabi nga na parang bagyo ‘yan na darating na unexpected.

“Puwedeng sobrang lakas. Puwedeng dumaan lang. Pero parte talaga ng relationship iyon.

“Sabi ko nga, e, kung yung ngipin at dila, nakakagat ng ngipin mo ang dila mo, di ba? How much more yung relationship ng mga tao?

“Pero kung may dumating na pagsubok ulit, mas kayang-kaya na namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo… praktisado na kami kung paano iha-handle.

“At saka eleven years na kaming mag-asawa. Marami na rin naman kaming pinagdaanan ni Dingdong na magaganda.

“And talagang napatunayan na rin naman namin sa isa’t isa yung love namin for each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT