Karylle on mom Zsa Zsa Padilla’s clean bill of health: "I hope na magtuluy-tuloy ito."

Sa ginanap na 4th Star Awards for Music ay si Karylle ang tumanggap ng special award na iginawad sa kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla, Bagamat nakabalik na ng Pilipinas ang Divine Diva ay hindi pa ito ganun kalakas upang um-attend ng mga awards night.


Isa si Zsa Zsa Padilla sa mga pinarangalan bilang top icons ng Philippine music industry sa 4th PMPC Star Awards For Music last Sunday, September 9, sa Meralco Theater.

Kabilang din sa iba pang ginawaran ng ganung pagkilala ang dating mag-asawa na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, sina Gary Valenciano at Kuh Ledesma, at ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Kasama rin sina Sharon Cuneta at Lea Salonga, pero hindi sila nakarating.

(CLICK HERE to read related story.)

HOW IS THE DIVINE DIVA? Ang panganay na anak ni Zsa Zsa na si Karylle ang tumanggap ng award para sa Divine Diva.

Siyempre pa, si Karylle ang kinumusta ng media tungkol sa kalagayan ngayon ng kanyang ina.

Nakabalik na ng Pilipinas si Zsa Zsa mula Amerika kung saan sumailalim siya sa kidney operation.

“She can’t make it right now, kasi she’s still recovering,” sabi ni Karylle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“Pero she’s very strong. And she’s really looking forward to walking.

“Sinasabi ko nga sa kanya, ano, ‘Punta tayong Tagaytay o Laguna, maglakad-lakad tayo.’

“Pero isi-set pa namin ‘yon kung kailan.”

Kumusta ba si Zsa Zsa pagdating? Nakapag-bonding na ba silang mag-ina ulit?

“Hindi ko pa siya nakikita. Kasi inaantok siya nang maaga, e.

“Ayoko muna siyang guluhin masyado.

“And sakto naman, naging busy din ako because of Bench.

“Lahat ng free time ko, nagwu-workout ako!” sabay tawa niya.

Kasama si Karylle sa rarampa sa Bench Universe, ang denim and underwear fashion show ng Bench, ngayong gabi (September 13) at bukas ng gabi (September 14).

PROUD OF HER MOM. Magaganda naman ang mga lumalabas na tweets ni Zsa Zsa, pati na sa Instagram nito, gaya ng “Stay positive, be happy.”

“Yes,” tawa naman ni Karylle.

“I’m very proud. Uhm… ganun na ganun ako sa kanya. And I hope na magtuluy-tuloy ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know na nararamdaman niya ang pagmamahal ng lahat ng tao kaya nahahawa siya. Kahit ano… kung anuman ang pinagdaanan niya.

"Dahil ngayon, from here and out, good news na ito.”

May mga kakailanganin pa bang follow-up check-up si Zsa Zsa pagkatapos ng operasyon nito sa Amerika?

Sabi ni Karylle, “Wala na. Uhm… siyempre yearly check-ups na lang.

“Kasi, since it’s not cancer, hindi na kailangan yung every six months.”

BACK IN ACTION. Marami na ang nakaka-miss na maging active ulit sa limelight ang mommy ni Karylle. Kailan kaya muling magiging visible ang binansagang Divine Diva?

“Very soon,” sambit ni Karylle.

Noon nga raw Martes, September 11, ay may inihandang special screening ng I Do Bidoo Bidoo ang Unitel Films para kay Zsa Zsa.

Wala kasi sa Pilipinas noon ang Divine Diva nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang kinabibilangan niya.

Maganda ang feedback sa I Do Bidoo Bidoo. Alam na ba ng kanyang mommy ang tungkol dito?

“Oo naman, napakaraming magagandang feedback.

“Especially ngayon, online, lahat naman ng nakakapanood, nagtu-tweet sa kanya.”

Pagkarating ba ni Zsa Zsa sa Pilipinas galing States, meron ba agad itong special requests, gaya halimbawa ng kung ano ang gusto niyang kainin?

Sabi ni Karylle, “Uhm… healthy living muna ngayon.

“Unti-unti naman siyang mapapayagan from liquid, hanggang semi-solid food. Tapos kahit ano na, puwede.

“Pero siyempre, ang inaalala pa rin niya ay yung pagiging very healthy niya dapat.”

Kailan kaya nila mapag-uusapan ang tungkol sa posibleng pagbabakasyon nilang mag-ina para makapag-bonding?

Sabi ni Karylle, “Wala pa.

“Pero gusto talaga niyang maglakad-lakad. Mga long walks, ganyan.

“Siguro soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN