Rumored couple John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban leave together for France for Kapamilya Caravan tour

“Every project is an opportunity. Pag napasama ka, ang suwerte mo. Pinagpala ka kasi puwede siya mapunta sa iba. Puwede siya mapunta sa kahit na sinong artista.” In an interview before leaving for France for a promotional tour, actor John Lloyd Cruz said he was blessed to be granted a 10-year-anniversary movie project with Bea Alonzo. The Mistress, directed by Olivia Lamasan, premiered in the Philippines on September 11, 2012. The film will be sc


Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Huwebes, Setyembre 13, ang pagdating ni John Lloyd Cruz sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

May isang source ang tumimbre sa PEP na sabay na aalis ang aktor at ang rumored girlfriend nitong si Angelica Panganiban patungo ng Nice, France.

Ngunit bago mag-isip ng kung anu-ano ang ilan diyan, ang pagpunta nila sa France ay may kinalaman sa trabaho. Dadalo sila sa “Kapamilya Karavan,” isang promotional tour ng ABS-CBN talents.

Kasabay ng tour na ito sa France ang screening ng pelikulang The Mistress, kung saan tampok sina John Lloyd at Bea Alonzo.

WORKING VACATION. Bandang alas-diyes ng gabi nang dumating si John Lloyd sa NAIA Terminal 1.

Kalalabas pa lamang nito ng kotse nang makapanayam siya ng PEP, kasabay ang isang miyembro ng media at ilang staff ng Star Cinema.

Unang sinabi ni John Lloyd kung saan siya patungo at kung para saan ang kanyang out-of-the-country trip.

“Sa Nice, France, merong Kapamilya Karavan. Nandun naman tayo para mag-entertain ng mga Kapamilya natin do’n.

“Saka merong screening ng The Mistress dun, so masuwerte at nadala yung pelikula.

"Saka gusto ko rin… natutuwa rin ako na yung pelikula ay mapapanood doon.

“Malayu-layo yun, e. Baka hindi nila ma-experience. Sa bagay, may DVD naman yun.”

Kasalukuyang pinipilahan sa mga sinehan dito sa Pilipinas ang The Mistress na nagbukas lamang noong Miyerkules, September 12.

Nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya na tinatangkilik pa rin ng mga tao ang tambalan nila ni Bea pagkatapos ng mahigit na sampung taon, sinabi ni John Lloyd: “Basta una, lagi kong ipinagpapasalamat na I have been blessed na yung mga projects na napupunta sa atin, e…

“Kasi every project is an opportunity. Pag napasama ka, ang suwerte mo.

“Pinagpala ka kasi puwede siya mapunta sa iba. Puwede siya mapunta sa kahit na sinong artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami-dami namin, lalo na sa ABS[-CBN].

“Siguro talagang pinagpala lang na medyo consistent yung mga magagandang project na nakukuha natin.

“And, of course, yung tiwala…

"Actually, itong The Mistress, kung hindi talaga dahil kay Tita Malou [Santos], hindi naman ako mapupunta dito, e. Hindi ako mapapasama dito.

“So, napakapalad lang na tinawagan ako ni Tita Malou, tinawagan niya ako personally. Kinausap niya ako, tinanong niya kung gusto kong gawin, kung puwede kong gawin.

"Paano ka naman tatanggi doon?”

Dapat sana ay si Derek Ramsay ang makakapareha ni Bea sa The Mistress, ngunit nang lumipat ang aktor sa TV5 ay ibinigay ng Star Cinema ang role kay John Lloyd.

Patuloy pang sinabi ni John Lloyd, “Saka nga sabi ko, di ba, in the rare chance na gumagawa si Inang [Olivia Lamasan] ng pelikula...

"Parang dati sa In My Life [2009], nakasama ako, tapos gumawa siya ng isang movie na hindi tayo kasama.

“Pero ngayon, gumawa siya uli tapos napasama tayo.

"Para sa akin, malaking bagay yun. Kasi sa sobrang busy ni Inang, may pagkakataon na gumagawa siya na kasama tayo.”

Nagpasalamat din ang aktor sa suportang ibinibigay ng kanyang mga kapwa artista sa ABS-CBN sa pelikula nila ni Bea.

“Salamat. Nagpapasalamat talaga ako sa nagbibigay ng chance at pinanood talaga nila yung pelikula.

"Malaking bagay yun, especially pagka galing yun sa kapwa mo artista.”

TELESERYE WITH BEA. Excited din daw ang aktor sa nalalapit nang pag-ere ng teleseryeng A Beautiful Affair, kung saan tampok din ang tambalan nila ni Bea.

“Kung paano yung... kung paano ako na-excite noon bago ipalabas ito [The Mistress], ganun din. Iba naman yun, TV naman.

“So, gabi-gabi, malapit na nila kami makasama ni Bea sa primetime. So, malapit na.

“Nakakakaba din. Iba naman din yun. Iba ang… kumpetisyon sa TV, e.”



JOHN LLOYD CUT OFF. Nang dumating sa parte ng interview na tanungin si John Lloyd kung supportive ba ang rumored girlfriend niyang si Angelica Panganiban sa pelikula niya, hindi na nagkaroon ang aktor ng pagkakataong sumagot matapos sabihan ng Star Cinema staff na mag-promote na ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad na pumasok ang aktor sa loob ng Terminal 1 matapos ng panayam.

Samantala, habang nagaganap ang panayam kay John Lloyd ay pumasok naman si Angelica sa kabilang entrance ng NAIA Terminal 1, ayon sa dalawang lady security guards na napagtanungan ng PEP.

Pasakay sina John Lloyd at Angelica ng Emirates Airlines flight number EK 335, na aalis ng 11:55 ng gabing iyon.

Bound for Dubai ang eroplano, na may connecting flight papuntang France.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN