Zsa Zsa Padilla keeps a positive attitude in the midst of challenges in her life

Zsa Zsa Padilla on being positive in life: “It’s just faith, I guess. It’s really… You know, I said it in a Kris TV interview, I said, you know, when things like this happens to your life, wala ka nang pinanghahawakan kundi ang salita ng Panginoon talaga. And this is something that I hold on to. It keeps me positive knowing He will not give me something that I won’t be able to handle.”


Bagamat medyo sumasakit pa ang opera ni Zsa Zsa Padilla, nagawa pa rin niyang dumalo sa exhibit ng kaibigan at kasamahan sa industriya na si Kuh Ledesma.

Kagabi, Setyembre 13, ay ginanap ang exhibit ng 40 paintings ni Kuh sa White Space, Pasong Tamo, Makati City.

Dito eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa.

“I like it, I like it very much, especially flowers!” sabi ng Divine Diva habang tinitignan niya ang mga likhang-sining ng kanyang kaibigan.

“Kasi I like pen and ink, e, I draw flowers also.

“But, ayun na nga, Kuh as an artist, as a painter, I’m not surprised at all.

“I know… though I expected more linear from her, kasi she’s so much into architecture.

“Wherever we go, when we used to tour for Diva 2 Diva, she looks at all the buildings, she likes to build houses... she likes to build and design.

“So I’m not surprised at all, parang yung… I’m very, very happy, it’s very floral. I like it.”

Ang Diva 2 Diva ay ang concert tour nina Zsa Zsa at Kuh noong 2003.



BEING POSITIVE. Inoperahan si Zsa Zsa noong Agosto 27 sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California, upang tanggalin ang bukol sa kanyang kidney matapos siyang ma-diagnose na may Stage 1 kidney cancer.

Pero napag-alaman na benign o hindi cancerous ang nakuhang bukol sa kidney niya.

Noong Sabado, Setyembre 7, lamang nakabalik ng bansa ang Divine Diva.

Una siyang lumabas sa talk show ni Kris Aquino, ang Kris TV, noong Setyembre 12.

(CLICK HERE for related article.)

Kinumusta ng PEP ang kundisyon ngayon ni Zsa Zsa.

“Okay naman," sambit niya.

Iyon nga lang ay sumasakit pa ang kanyang sugat kapag matagal siyang nakatayo.

Nabanggit din ni Zsa Zsa na gusto niya ang floral paintings ni Kuh, lalo na iyong may masisigla at “positive” na mood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s the mood I really want to be in,” sagot niya nang tanungin namin kung bakit mga ganoong paintings ang nagustuhan niya.

“I’m really into positivity because of the things that I recently gone through in life.

“So I have an area din kasi in my house, the main door, mayro’n akong wall dun na talagang hinihintay ko kung anong puwede ko ilagay.

“I think this is perfect.

"She [Kuh] said, ‘Bili ka, ha.’ I said, ‘Of course, I will! Basta we can afford it, ha!’”

Nabanggit na rin lang ni Zsa Zsa ang pagiging positibo sa buhay, paano ba siya nananatiling positibo sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan niya?

Bukod kasi sa naging problema niya sa kalusugan, pumanaw noong Hulyo 10 ang kanyang longtime partner na si Dolphy.

“It’s just faith, I guess,” nakangiting sagot ng singer-actress.

“It’s really… You know, I said it in a Kris TV interview, I said, you know, when things like this happens to your life, wala ka nang pinanghahawakan kundi ang salita ng Panginoon talaga.

“And this is something that I hold on to.

“It keeps me positive knowing He will not give me something that I won’t be able to handle.”

DOLPHY TRIBUTE. Samantala, dulot na rin ng kanyang kundisyon ngayon, hindi pa muna makakasama si Zsa Zsa sa mga performances sa gagawing tribute para kay Dolphy.

Gaganapin ang Alay Tawa tribute concert para sa Comedy King sa Setyembre 19, sa SM Mall of Asia Arena, sa Pasay City.

Ayon kay Zsa Zsa, manonood na lamang siya sa audience area, at bago matapos ang concert ay magbibigay ng maikling mensahe para sa lahat ng dadalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN