Iza Calzado refuses to speak ill of her former network; wishes for more edgy roles as a Kapamilya

Iza Calzado on working with Kris Aquino: "Ako, nandun din ako, natututo rin ako sa kanya. I learn a lot from being with Ate Kris on the show, kahit na a few times pa lang kami nag-tape, nakikita ko kung paano siya. Actually, maingat siya, lalo na sasabihin niya, ’I-edit ninyo ’yan, kasi mapapahamak ka diyan.’ Meron siyang ganun."


Maganda ang mood ni Iza Calzado kahapon, September 13, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa isang restaurant sa Quezon City.

Ang mini-presscon ay para sa episode ng aktres sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), na ipalalabas sa Sabado, September 15.

Ito ang ikalawang beses na pagge-guest ng aktres sa MMK.

Sa panayam ay panay ang biro at pakikipagkulitan ni Iza.

Halatang masaya ang aktres sa nagaganap sa kanyang career, matapos lumipat mula sa GMA-7 early this year.

Bukod kasi sa MMK episode, marami rin siyang projects sa ABS-CBN; tulad ng regular primetime soap opera na Kahit Puso’y Masugatan, ang pelikulang Ride To Love, at paminsan-minsang pagiging co-host sa Kris TV.

Inamin ni Iza na lagi siyang pagod dahil sa pagiging abala, pero hindi naman daw siya nagrereklamo.

Sa katunayan nga ay nai-shoot ang kanyang MMK episode noong birthday week niya.

August 12 ang birthday ng aktres, at August 14 naman nagsimula ang shoot para sa drama anthology.

Kuwento ni Iza, "Kasi siyempre yung MMK talaga, matagal yung shoot niya, kasi parang pelikula siya talaga.

"E, gumagawa rin ako ng soap opera. Two days yung shoot namin.

"Actually, nakaka-segue naman ako.

"Nagsu-shoot ako ng Ride To Love, movie. E, siyempre movie yun, lighter load.

"Tapos, yung cut-off, okay yung cut-off, mga 2 a.m., 1 a.m.

"E, sa MMK, mga cut-off mo, 6 a.m. Napupunta ka sa kabilang set, 7 a.m.

"Merong isang araw na natulog lang ako sa kotse nung papunta, tapos naligo na lang sa bahay, tapos pumunta na sa set.

"Dun na ako napa-text na, ’Hindi ko na po kaya ’to!’ Napagod po ako nun."

Naging mas mahirap pa raw dahil sa parehong malungkot ang pinagdaraanan ng mga karakter niya sa MMK at sa soap.

"E, di kaka-birthday ko lang, may party kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The next day pa lang, sa Kahit Puso’y Masugatan, kailangan ko nang mag-breakdown. Kaunti lang naman.

"Pero the day after, eto na, major depression.

"Sabi ko, ’Hindi ba ako puwedeng maging masaya?’"

Biro pa ni Iza, "Magko-comedy na nga lang ako! Gusto ko ’to, e! ’Kaloka."

MMK EPISODE. Ayon kay Iza, hindi niya matanggihan ang MMK role dahil "personal" ito sa kanya.

Tungkol kasi ito sa isang doktora na nagkaroon ng major depressive disorder. May katulad na sakit kasi ang yumaong ina ni Iza kaya’t nakaka-relate daw siya sa karakter.

Kuwento ng aktres, "Well, ano siya, it’s a personal story, kasi nga, my mom had depression. So it’s very personal.

"That’s why when they offered this to me, I emphatized.

"Actually, my mom, she is bipolar.

"Pero kasama nun, merong depression. When she’s low, it’s really low."

Gayunpaman, sinabi ni Iza na hindi pa siya nakararanas ng ganito sa totoong buhay.

"Naging malungkot na malungkot na po ako, pero hindi pa po ako umaabot dito.

"Kasi umabot po siya sa pagiging paranoid. Nagkaroon siya ng paranoia, umabot siya doon," saad ni Iza tungkol sa kanyang ina.

Nagustuhan niya rin daw ang role dahil nais niyang mag-explore ng darker characters.

"Gusto ko kasi, dark talaga, e. Kasi hindi ko nagagawa sa teleserye ko yun.

"Kaya lang, gusto ko sana yung talagang, ex-convict. Yung mga ganun.

"Puwede ba akong rapist? Babaeng rapist? Lesbian, e, naku, go!"

HOSTING JOB. Naitanong din kay Iza kung ano ang nararamdaman niya na personal siyang pinili ni Kris Aquino para maging co-host sa Kris TV.

Learning experience daw ito para sa aktres.

"Ako, nandun din ako, natututo rin ako sa kanya.

"I learn a lot from being with Ate Kris on the show, kahit na a few times pa lang kami nag-tape, nakikita ko kung paano siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, maingat siya, lalo na sasabihin niya, ’I-edit ninyo ’yan, kasi mapapahamak ka diyan.’ Meron siyang ganun."

Nawala na rin daw ang takot ni Iza kay Kris noon.

"Talagang ate yung dating niya.

"Siyempre, yung takot ko ngayon, out of respect. Hindi yung fear na baka she’s not going to be nice to me.

"She was really nice to me, beyond pa what I expected from anybody," sabi ni Iza.

Nagugustuhan din daw ni Iza ang paghu-host dahil ito ang una niyang naisip na magiging career niya.

"Nung nag-uusap pa kami ng daddy ko noon, hindi ko pa alam na puwede akong umarte.

"It was the only thing na... I can probably have a talk show because I like talking to people.

"Guaranteed po kasi yun, I like people. Madaldal po ako.

"Saka interesado po ako sa sasabihin mo, kapag magtatanong ako," pahayag ni Iza.

So ready na ba siyang magkaroon ng sariling talk show?

Sagot niya, "Baka ’wag munang sarili, mabigat po yun,e . I would love to co-host with someone."

RESPECT FOR KAPUSO. Sa mga nangyayari sa career ni Iza ngayon, masasabi ba niyang mas masaya maging Kapamilya?

Ito ang tanong na ayaw sagutin ni Iza. Malaki raw kasi ang respeto niya sa Kapuso network.

Pahayag niya, "Hindi ko po sasagutin yung mga ganung tanong.

"Kasi siyempre, malaki po ang respeto ko sa pinanggalingan ko. Huwag nating talikuran, huwag nating tapakan lalo."

May utang na loob din daw kasi si Iza sa mga taong nakatrabaho niya sa GMA-7.

"Saka ano naman, e, siyempre yung mga taong nakatrabaho ko roon, at tumulong para mailagay ako kung nasa’n ako ngayon, e masasaktan kung ako ay magsasalita ng mga ganung bagay," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN