Bianca Manalo denies snubbing incident with Sunshine Garcia at Star Magic Ball

Ayon kay Bianca Manalo, hindi kailanman nadawit sa relasyon hanggang sa breakup nila ni John Prats ang dancer na si Sunshine Garcia. Pagpapatunay pa ni Bianca, “Nung kami ni John, never namin siyang napag-usapan, never ever na napag-usapan namin siya. Never naging issue, never na-bring up. Kaya nagulat ako na nung nag-break kami, lumalabas yung pangalan niya. Sabi ko, ‘Bakit?’ Parang we have our own reasons na… out of the picture po talaga si Sun


Dalawang linggo na halos ang nakalilipas mula nang ganapin ang 6th Star Magic Ball noong September 1, pero ngayon pa lang lumalabas ang isyung nagkaroon daw ng tensiyon sa pagitan ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo at ang dancer-actress na si Sunshine Garcia.

Ayon sa report, hindi raw nagpansinan ang dalawa nang magkita sa loob ng powder room ng Makati Shangri-La Hotel dahil diumano kay John Prats.

Ex-boyfriend ni Bianca si John, at si Sunshine ang pinaghihinalaang third party sa breakup ng dalawang dating hosts ng Happy Yipee Yehey!.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa hallway ng ABS CBN at tinanong namin siya tungkol sa isyu nila ni Sunshine.

Ayon kay Bianca, totoong nagkita sila ni Sunshine sa powder room ngunit hindi niya itinanggi na hindi sila nagpansinan.

Kuwento ng dating beauty queen, “Yes, nagkita kami. We bumped into each other when we were in the powder room.

“Nagsasalamin ako nun, sa peripheral ko, parang may nakatingin sa akin, lumingon ako.

“Paglingon ko, nakatingin siya, nakangiti. So, sabi ko, ‘Hi!’

“Walang tarayan at hindi ako yung tipo ng tao na nang-iisnab.

“Mukha lang ako isnabera, pero hindi talaga, very friendly ako.”

NEVER AN ISSUE. Nagulat daw si Bianca nang lumabas ang balita tungkol sa kanila ni Sunshine, lalo’t hindi naging issue sa kanila ni John ang SexBomb dancer noong magkarelasyon pa sila nito.

“Hindi totoo kaya nagugulat ako bakit may deadmahan, e, wala naman talaga akong alam na ganung nangyari.

“Nung kami ni John, never namin siyang napag-usapan, never ever na napag-usapan namin siya. Never naging issue, never na-bring up.

“Kaya nagulat ako na nung nag-break kami, lumalabas yung pangalan niya. Sabi ko, ‘Bakit?’

“Parang we have our own reasons na… out of the picture po talaga si Sunshine.

“But maybe, hindi ko lang alam… I don’t know, it’s not my story to tell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then, ayokong manggaling sa akin bilang wala talaga akong alam.

“Wala, wala talagang issue until nung nag-break kami.”

Dagdag pa ni Bianca, “Nagulat ako na nagpa-interview si Sunshine, sinabi sa akin na nagpa-interview clarifying the issues.

“Sobra akong nagulat, ‘Bakit?’

Iginiit pa ni Bianca sa PEP na hindi siya nakaramdam ni kahit kaunting selos kay Sunshine.

MESSAGE TO SUNSHINE. Ano naman ang mensaheng gusto niyang iparating kay Sunshine?

“Hi! Hindi ko alam bakit may lumalabas na ganitong intriga, sorry.

“Sana, baka magkatrabaho tayo uli bilang tumatawag sa akin si JM, baka magka-show daw tayo uli sa November…

“Baka mga back-up dancers ko na naman kayo habang kumakanta ako.”

MESSAGE FOR JOHN. Sa isang panayam ay sinabi ng ex-boyfriend ni Bianca na si John na bukas siyang maging magkaibigan silang muli.

Ganito rin ba ang gusto ni Bianca, lalo’t ayon sa kanya ay nakapag-move on na talaga siya sa breakup nila?

“Oo naman, kasi parang yung ex ko for seven years, magkaibigan kami ngayon, we still go out, we still hang out.

“Siguro kami rin ni John, in time.

“Pero sa pagkakaalam ko, si John, ang mga ex niya, hindi niya nagiging friends, e.

“Siguro in time, pero sana hindi matagal.

“Wala na sa akin, e, masaya na ako, masaya na rin siya—yun ang importante.”

Ito naman ang mensahe ni Bianca para kay John:

“Hello, siguro hindi pa tayo nakakapag-usap, pero in time alam kong maaayos din ito.

“Masyado naman tayong maraming pinagdaanan na masasayang memories.

“Marami kaming pangarap together, pangarap sa bawat isa. Ako may dreams ako, may dreams din siya.

“Siguro kung magkita kami uli o makapag-usap kami, ‘O, nagawa mo na ba ito? Ikaw, nagawa mo na ba ito?’”

NO SUITORS. Nang tanungin ng PEP kung tumatanggap na ba siya ng mga manliligaw ngayon, sinabi ni Bianca na wala siyang manliligaw ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t have any suitors right now, wala talaga.

“John can attest to that, alam niya na nung single ako, wala.

“Kaya kami naging close nun, nung tumatawag siya sa akin, ‘O, sino lumiligaw sa iyo ngayon?’ sasagutin ko na wala nga.

“Ang sasabihin niya sa akin, ‘Sa ganda mong ‘yan, walang nanliligaw sa iyo? Sinungaling.’

“Dun kami naging close, dun nag-start,” saad ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN