Sunshine Garcia says she never had an issue with Bianca Manalo; denies rumored romance with John Prats

Pinabulaanan din ni Sunshine Garcia (in photo) ang report na nag-isnaban sila ni Bianca Manalo sa Star Magic Ball. Sabi ng dancer-actress, "Siguro kung may ibang tao na nakakita, siguro na-misinterpret nila kasi nung unang paglabas niya sa powder room, hindi kami nagkita kaagad kaya siguro akala nila nag-isnaban kami. Pero nung lumingon naman siya, nakita niya na nandun ako and nag-hi naman siya.”


Ang SexBomb dancer na si Sunshine Garcia ang naiturong third party sa hiwalayang John Prats at Bianca Manalo.

Pero pinabulaanan na ito ni Sunshine at sinabing magkaibigan lang sila ni John at magkasama sa gag show ng ABS-CBN na Banana Split.

Kamakailan naman ay lumabas ang balita na hindi raw nagpansinan at nagkaroon daw ng paghaharap sina Sunshine at Bianca nang magkasabay sila sa powder room ng Makati Shangr-La Hotel noong 6th Star Magic Ball.

Nauna nang pinabulaanan ni Bianca ang isyung ito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). (CLICK HERE to read related story.)

Nang makausap naman ng PEP si Sunshine noong September 11, sa taping ng Banana Split sa Club Mwah, ay pinabulaanan din niya ang balitang ito.

Aniya, “Hindi totoo ‘yan.

“Siguro kung may ibang tao na nakakita, siguro na-misinterpret nila kasi nung unang paglabas niya sa powder room, hindi kami nagkita kaagad kaya siguro akala nila nag-isnaban kami.

“Pero nung lumingon naman siya, nakita niya na nandun ako and nag-hi naman siya.”

NOT THE THIRD PARTY. Si John Prats ba ang nakikita ring rason ni Sunshine kung bakit may lumabas na ganitong isyu sa kanila ni Bianca?

“Siguro dun nag-start dahil itinuturo nila na ako nga raw ang third party.

“Nung lumabas pa lang yung issue sa amin ni John, tinanong ko kung ano ang dahilan nila.

“Hiningan ko sila kung ano ang ebidensiya nila, sweet daw kami ni Pratty [tawag kay John].

“Sabi ko, ‘Sige, baka puwede ninyong ilatag sa akin ang pictures na ‘yan at titingnan ko.’

“E, yung mga pictures naman na ipinapakita nila, e, galing sa taping.

“Yun yung mga shoots namin dito, paano nila masasabing sweet kami?

“Sabi ko nga, ipakita nila yung mga sinasabi nilang pictures, puwede ko namang sagutin sa kanila yun isa-isa.

“Ang masama siguro pag nakita kami sa labas, na we go out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT CLOSE TO BIANCA. Aminado si Sunshine na hindi sila close ni Bianca at hindi nila ito nakakasama sa mga lakaran, pero hindi raw sila nagkaroon ng issue ng beauty queen kahit kailan.

“Ever since, walang issue.

“Hindi namin siya nakakasama kasi sa mga lakaran, or kung lalabas ang Banana or kung lalabas man yung ibang artista ng Banana, hindi namin nakakasama si Pratty at si Bianca.

“Hindi kami ganun ka-close, pero siyempre alam namin na siya ang girlfriend ni Pratty.

“Pag nagkikita, nagbabatian kami.”

Ano ang mensahe ni Sunshine kay Bianca?

“Wala naman, sana maging happy lang siya. Sana magkaayos din sila ni Pratty soon as friends.”

May mensahe rin ang dancer-actress sa mga tao na pilit silang ginagawan ng isyung dalawa ni John.

“Well, sana maging masaya sila sa mga ginagawa nila.

“Kung dun sila magiging masaya, okay lang yun, basta kami, masaya kami. Tahimik ang buhay namin.

“Lahat tayo, everybody happy."

Dagdag niya, “Mabait talaga siya [John] sa mga kaibigan niya. Wala talaga.

“Binibigyan nila ng malisya… alam ninyo, kung sinuman ang mga tao na nagbibigay ng malisya na mga ganun, pag nakita nila yung bonding ng Banana, lalo na pag lumabas kami iba, iba talaga.

“Siguro minsan iba ang tao, nami-misinterpret nila.”

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Bilang patunay na walang katotohanan ang pag-uugnay sa kanila ni John, sinabi ni Sunshine sa PEP na mayroon siyang non-showbiz boyfriend.

“I have a non-showbiz boyfriend.

“Alam niya yung mga issues, pero siyempre minsan hindi niya rin alam yung mga ganyan.

“Pero nakikita din naman niya na hindi totoo.

“Saka ako kasi, hindi naman ako masyadong lumalabas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN