Aljur Abrenica flattered by Kylie Padilla’s song for him: "Nakakataba ng puso."

Hindi inaasahan ni Aljur Abrenica na may kantang isinulat para sa kanya ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla. Pero natutuwa raw siya sa ginawang ito ni Kylie at susuportahan daw niya ang paglabas ng debut album nito.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur pagkatapos niyang rumampa sa Bench Universe kagabi, September 14, sa MOA Arena.

Tinanong namin ang Kapuso hunk kung bakit wala ang nababalitang girlfriend niyang si Kylie Padilla para panoorin siya.

“May show yata siya, e,” sagot ni Aljur.

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang show ni Kris Bernal kasama si Daniel Padilla sa Zirkoh kagabi. Guest dito si Kylie.

Nagkita doon ang dalawang Kapuso young actress na parehong nauugnay kay Aljur.

Speaking of Kris, balik-tambalan sila ni Aljur sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Coffee Prince. Samantalang si Kylie naman ay makakatambal ni Dingdong Dantes sa isa pang primetime series, ang Haram.

Hindi kaya magkaroon ng selosan sa pagitan nila ni Kylie dahil sa magkaiba sila ng kapareha sa mga ginagawa nilang proyekto?

Aniya, “I don’t think naman na nagkakaroon ng selosan from the start.”

A SONG FOR ALJUR. Ipinarating din ng PEP kay Aljur na may isinulat na kanta si Kylie para sa kanya.

Nagulat ang young actor dahil hindi raw niya talaga alam na merong ganung kantang ginawa si Kylie para sa kanya.

Ano ang masasabi niya rito?

“Siyempre thank you, Kylie, sa kanta na ginawa mo, at malaking bagay talaga sa akin yun na sobrang na-touch ako.

“Nakakataba ng puso.

"Nandito ako para suportahan ka, and excited ako sa mga nangyayari sa iyo,” mensahe ng aktor para kay Kylie.

Dagdag pa nito, “Ito na yung break mo magkakaroon ka na ng primetime sa GMA kasama si Dingdong Dantes, tapos magkaka-album ka pa.

“Alam ko na pinaghirapan niya nang husto yung album na yun, kasi siya yung sumulat saka magaling talaga siya, tapos siya yung kakanta.

“Tapos, pag nagkaroon ng chance na magkaroon ng duet sa album mo, hindi ako tatanggi.

“Isa ako sa susuporta sa iyo, at siguro isa ako sa mauuna na bumili ng album mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN