Lian Paz vehemently denies sighting with another man before separation from Paolo Contis

Ito ang sagot ni Lian Paz sa akusasyon na nakita raw siyang may kasamang ibang lalaki sa Makati bago sila naghiwalay ng asawang si Paolo Contis: “Kung gagawa po ako ng kalokohan, bakit ko naman po ipapakita ko po nang harap-harapan, sa labas? Nakakahiya po yun sa akin bilang isang babae at isang ina.”


Bagamat inamin na ni Lian Paz sa pocket presscon niya noong September 12 na hiwalay na sila ng asawang si Paolo Contis, hindi pa rin malinaw sa marami kung ano ang dahilan sa likod nito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa live phone-patch interview ng Ang Latest: Updated ng TV5 kay Lian kaninang umaga, September 15, muli siyang tinanong kung ano nga ba ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Paolo.

Saad ni Lian, “Yun pong hindi namin pinagkasunduan is actually not clear to me.

“Kasi si Pao is the type of person na talagang tahimik ‘yan, e.

“Kapag may problema, mas mahilig siyang magsolo, hindi niya sinasabi po.

“So siguro po there’s a problem between the two of us, yun po yung miscommunication po talaga.”

Muling inulit ni Lian na si Paolo ang nakipagkalas sa kanya.

Sabi niya, “Ako po ay sumusuporta lamang po sa desisyon ni Pao, pero siya po ang nagdesisyon.”

Ano ang usapan nila tungkol sa kanilang dalawang anak na babae?

Sagot ni Lian, “Opo, yes, I’m giving him time to think about everything kasi mahirap naman po kung ipilit ko nang ipilit yung sitwasyon kung bakit siya nakipaghiwalay.

“Pero when it comes to the kids naman, nandito lang po ako para sa mga anak ko, kaya nagpapakatatag po ako sa ngayon para sa mga anak ko.”



FINANCIAL PROBLEMS? Hindi naman itinanggi na may kinalaman sa usapin ng pera ang isa sa naging problema nila ni Paolo.

“May mga circumstances po kami na, may mga time po na ganyan po ang mga pinag-uusapan namin.

“Kasi po buhay may asawa po ang usapan namin dito.

“Siyempre po, iba po yung… iba po yung dati na talaga namang kami lang pong dalawa. Ngayon po may mga anak kami.

“Tapos po matagal po akong natigil sa industriya ng showbiz, so siya po talaga ang lahat na gumagastos para sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THIRD PARTY? Tanong naman ni Cristy Fermin, isa sa mga hosts ng show: “Meron daw isyu na malapit nang magkahiwalay kayo noon ni Paolo, noong may nakakita na may kasama ka raw iba sa Makati? Totoo ba yun?”

Sagot ni Lian, “Ako po? Naku po, ang sakit naman pong isipin na ganun po yung nabalitaan niya, o may nakita siya.

“Kasi lahat po ng lakad ko, ipinapaalam ko po sa kanya.

“Saka yung mga kasama ko po either sa Makati po ba ito, Ortigas po ba ito, ay mga nakatrabaho ko po ito, ka-meeting ko po.

“Tsaka hindi ko naman po siya ilalagay sa kahihiyan, kasi siyempre alam ko po ang ego ng isang lalaki.

“Kung gagawa po ako ng kalokohan, bakit ko naman po ipapakita ko po nang harap-harapan, sa labas?

“Nakakahiya po yun sa akin bilang isang babae at isang ina.”

ACCEPTANCE. Nasa Amerika ngayon si Paolo para sa show roon ng Manny Many Prizes ng GMA-7, paano kung pagbalik ng aktor ay buo na talaga ang loob nito at hindi na ito makipagbalikan sa kanya? Ano ang gagawin ni Lian?

Tugon ni Lian, “Kung buo na po yung loob niya, e, wala po akong magagawa doon.

“Mahirap naman po na ipilit ko pa po yung relasyon namin na hindi naman po masaya.

“Pero ang iniisip ko pa po ngayon is our kids, yung mga bata po, yun po talaga yung iniisip ko ngayon.

“Kasi naawa po ako sa mga anak ko kasi lumaki po ako na buo ang pamilya ko.

“Hindi ko po alam kung paano ako magsisimula kung ganito po yung mangyayari sa amin.”

Sa huli, inamin ni Lian na mahal na mahal pa rin niya ang asawa at nagpaabot pa siya ng mensahe dito.

Aniya, “Para po kay Pao, Babe, Papa, mahal ko, sana po ano, mag-isip ka nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami na tayong pinagdaanan, hindi madali yung pinagsimulan natin, sobra-sobrang hirap nung lahat nang pinagdaanan natin, alam ko na ipinaglaban mo yun, so huwag nating sayangin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN