Vandolph convinced mom Alma Moreno to cancel her Senate bid next year

Matapos mawalan ng ama si Vandolph nang yumao ang Comedy King na si Dolphy (nakalarawan sa streamer sa tabi niya), kinumbinsi raw niya ang inang si Alma Moreno na umatras na lang muna sa hangarin nitong tumakbo sa pagka-senador. “Ang sabi ko, ‘Ma, nag-usap-usap kaming magkapatid na, Ma, huwag ka na siguro mag-run for senator. Siguro in time, pero kung bibiglain natin sarili mo, baka makasama sa ‘yo.’ I told her, ‘Ma, nawalan na ako ng is


Usap-usapang si Vandolph ang may malaking papel sa pag-atras ni Alma Moreno sa pagtakbo nito sa pagka-senador sa 2013 elections.

Kinumpirma naman ni Vandolph na kinausap nga niya nang masinsinan ang ina dahil daw sa naranasan na naman nitong muling pagkahilo dahil sa sakit na multiple sclerosis. (CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon para sa Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy sa Emperor Room ng Imperial Palace Suite nung Martes, Setyembre 11, ikinuwento ni Vandolph sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano niya nakumbinsi ang ina na ipagpaliban muna nito ang pagtakbo sa senado.

“Yeah, kasi I told my mom… One time kasi umiikot sila with Yeoj, my brother, sa Mindanao or somewhere, tatlong barangay yung tinuhog niya, pinuntahan niya,” simula ni Vandolph, at banggit pa sa kapatid niya sa ina na si Yeoj Marquez.

Nakipagkamay raw si Alma sa mga tao roon.

“Pag-uwi nila ng hotel, nag-lock yung neck niya.

“Di ba meron siyang multiple sclerosis? So, ang kalaban nun, stress at pagod, e.

“Ang sabi ko, ‘Ma, nag-usap-usap kaming magkapatid na, Ma, huwag ka na siguro mag-run for senator. Siguro in time, pero kung bibiglain natin sarili mo, baka makasama sa ‘yo.’

“I told her, ‘Ma, nawalan na ako ng isa, ayusin mo muna yung health mo.’”

Ang pagpanaw ng amang si Dolphy ang tinutukoy ni Vandolph. Nag-iisang anak ng Comedy King at ni Alma si Vandolph.

Pagpapatuloy ni Vandolph sa kanyang pakikipag-usap sa ina, “’Tama na munang sa Parañaque ka. Mahal ka naman ng mga taga-Parañaque. Yun na lang siguro ang pagbuhusan natin ng panahon.’

“Pero kasi she’s the PCL [Philippine Councilors’ League] president. So, she has to go to all the cities talaga.

“Masipag ang nanay ko talaga, e. Yun ang buhay niya, e. Tumulong sa tao,” kuwento pa ni Vandolph tungkol sa kay Alma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano kaya kung mapilit talaga ang kanyang ina sa ambisyon nitong magkaroon ng puwesto sa senado?

Pagbabawalan ba nilang magkakapatid ulit ang hangaring ito ng ina?

“Siguro it’s another usap, panibagong usap yun.

“’Tapos, si Mama kasi, fighter yun, e. Andami na kasing pinagdaanan niyan. Ever since, wala pa nga siguro ako.

“Pero basta, ma, kung ano man ang desisyon mo, andito lang ako, I love you, the entire family supports you.

“Basta think twice, hundred times, pero alam ko naman na gustung-gusto mong tumulong sa marami. Sa nakakarami. Pero darating din yan,” sabi pa ni Vandolph na tila nakikipag-usap sa ina.

Matagal nang dinadala ni Alma ang sakit niyang ito, ano ba ang naging reaksiyon agad ni Vandolph nang mabalitaang inatake na naman ito ng sakit?

“Kinabahan ako. Buhay pa yung dad ko nun.

“Pero ok lang daw. Alam mo naman yun, kahit may nararamdaman, ok lang siya, dini-deny.

“Pero nakakatakot yung mga ganung scenario, di ba?

“Sana lang, huwag na siyang magpakapagod nang ganun kagrabe.

“Mapupuntahan naman ‘yan, kahit isa-isang araw,” tukoy ni Vandolph sa mga taong potensiyal na botante ni Alma.

BROWN BUTTERFLY. Halos dalawang buwan nang naililibing ang namayapang ama ni Vandolph na si Dolphy, nagparamdam na ba ito sa kanya?

“Actually, never… Siguro never.

“Laging butterfly na brown na dumadapo sa akin kahit nagti-taping ako.

“Kahit bugawin, hindi umaalis. ‘Tapos when I’m eating, tumatambay dun, like for two minutes.

“So, mga simpleng ganun. Pero yung paramdam, hindi ganun.

“In dreams hindi siya, e,” tukoy ni Vandolph sa amang King of Comedy.

“Sina Bert Tawa [Marcelo] nakikita ko, sina Panchito. Hindi siya, e.”

Si Bert “Tawa” Marcelo ay kilalang komedyante nung late 1960s hanggang 1980s, habang si Panchito naman ang matalik na kaibigan at laging ka-“sparring partner” ni Dolphy sa karamihang pelikula niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LESSON LEARNED FROM FATHER. Sa ngayon daw, may isang goal na gustong matupad si Vandolph bilang aral na nakuha niya sa nangyari sa yumaong ama—ang tumigil na sa paninigarilyo.

Aniya, “Oo naman, oo naman. Pinag-iisipan ko nang mag-quit.

“Para din sa mga anak ko, for my family din. ‘Tsaka sa health ko din, di ba?”

“Panata ko, kailangang ma-stop ko in a year or two.

“Dun sa na-witness ko kay Papa, siguradong magagawa ko ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN