Marian Rivera ready to work again in GMA-7 adaptation of Koreanovela hit Temptation of Wife

Dahil may bagong proyekto sa GMA-7, baka raw hindi na magkaroon ng oras para sa isa’t isa sina Marian Rivera at boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

“Ay, bahala siyang gumawa ng paraan. In fairness din naman kasi sa kanya, talagang ume-effort din naman talaga siya. Ako, kahit nakaupo lang ako e dadating at dadating talaga siya,” nasabi na lan


Ayon sa report ng Startalk TX kahapon, September 15, matapos ang pahinga after Amaya, muling mapapanood si Marian Rivera sa pinakabagong serye ng GMA, ang Temptation of Wife.

Adaptation ng sikat na Koreanovela ang bagong proyektong pagbibidahan nina Marian, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at ang bagong lipat sa Kapuso network na si Rafael Rosell.

“Halos dalawang buwan na akong walang trabaho, so, ayoko na.

“Gusto ko, ready na ulit ako at trabaho na ako uli, bawal magpahinga,” ang sinabi ni Marian sa story conference ng Temptation of Wife kamakailan na pinuntahan ng Startalk TX.

Halos sabay sila ng boyfriend na si Dingdong Dantes na sobrang busy ngayon sa kani-kanilang careers.

“Oo kasi may Protégé siya, may movie siya, ‘tapos ‘eto may soap,” sang-ayon ni Marian at tukoy na rin sa bago niyang show.

Bukod nga sa talent reality show na hino-host, may Tiktik: The Aswang Chronicles pa si Dingdong na ipalalabas na sa October 17.

Hindi kaya mawalan na sila ng oras para sa isa’t isa?

“Ay, bahala siyang gumawa ng paraan,” ang tumatawang sabi ni Marian.

“In fairness din naman kasi sa kanya, talagang ume-effort din naman talaga siya.

“Ako, kahit nakaupo lang ako e dadating at dadating talaga siya.”

Ano ang masasabi ni Marian sa role niya bilang Angeline sa Temptation of Wife?

“Nakakatuwa, very challenging din yung role ko dito kasi naging mabait ako.

“Sa My Beloved hindi naman masyado, sa Amaya, puwede na.

“Pero ito talaga yung character na hinihingi na talagang martir, sobrang bait. So, matsa-challenge na naman ako.”

DARING GLAIZA. Balitang napaka-daring ng role ni Glaiza sa programa bilang si Heidi.

Hanggang saan ang kaya ni Glaiza na pagpapaseksi?

“Kung gaano kalayo ang hinihingi ng eksena. Pero hindi talaga ako ano, ayoko naman nung makaka-offend ako or makikita ng mga tao na bastos or malaswa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s more of dapat nilang maramdaman kung ano yung kailangang iparamdam ng eksena,” ang paliwanag ni Glaiza na nakapanayam din ng StarTalk TX sa storycon ng Temptation of Wife.

DENNIS BEING NATURAL. Leading man dito si Dennis na hindi raw mabait ang character?

“Parang natural na tao lang na minsan nakakagawa ng masama.

“Pero maganda yung character niya kasi maraming mangyayari.

“Actualy dito sa Temptation of Wife maraming anggulo ang mga kuwento, e.

“Bawat anggulo talagang maganda kaya sobrang excted kami,” pahayag naman ni Dennis.

RAFAEL IS EXCITED. Ang Temptation of Wife ang unang full-length series ni Rafael sa Kapuso network.

“Yes, ‘eto na, this is it! Kaya sobrang excited ako na makita ang lahat ng cast members.

“I’m enjoying already dahil mga kaibigan ko na sila, e. Kaya it’s gonna be fun,” sinabi naman ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN