Steven Silva on being busy nowadays: “Parang feeling ko, ngayon ako ulit nagsisimula ng showbiz career ko.”

May panahon noong walang ginagawa si Steven Silva matapos na manalo sa StarStruck 5 kung dapat pa ba siyang magtagal sa showbiz.

“May mga times dati na habang wala akong shows, wala akong mga raket, naiisip ko, parang…ano ang work ko sa GMA? Baka nakalimutan na ako or something… Pero ngayon, mas naging busy ako. Nagkaroon ako ng bagong show. Parang mas naging confident ako that this would be a


Masaya ang Kapuso artist na si Steven Silva.

Ito ay dahil sa magagandang feedback na natatanggap niya sa ginawa niyang pagrampa sa Bench Universe The 2012 Denim and Underwear Show na ginawa SM MOA Arena nung September 13 at 14.

“Nakakatuwa naman kasi, ang dami kong natatanggap na magagandang comments sa Twitter.

“Marami ring nagti-text na natuwa raw sila. Iba-ibang comments. Happy naman ako,” nasabi ni Steven sa pakikipag-usap nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Sabado, September 15, sa isang restaurant sa Timog, Quezon City.

“Actually, sa Bench underwear show, ang gusto ko talaga, makita ng mga tao na mas gumanda ang katawan ko.

“Nang makita ko ang mga pictures ko dati sa underwear show, sobrang payat ko.

“Hindi siya yung payat na may muscle, wala akong muscles. As in, payat lang.

“Medyo siyempre, two years na yun at nagdyi-gym ako.

“Sa tingin ko, medyo lumaki na nga ang katawan ko at medyo gumanda siya.

“Siyempre, ayoko naman na after two years, ganoon pa rin ang katawan ko at walang improvement.”

Anu-ano nga ba ang mga ginawa ni Steven para mag-improve ang katawan niya?

“Well, I play soccer. Nagsa-soccer ako sa UFL [United Football League]. Liga talaga para sa football sa Pilipinas.

“May tatlong division. Kami yung nasa second division. Yung first division, mga Azkals players. Yung magagaling na talagang mga players.

“’Tapos, tuluy-tuloy na gym, at yung last month naman, nagda-diet ako.

“Parang yung last month talaga yung diet na seryoso. At nalaman ko na mahirap talagang mag-diet. Pero nagtiis lang ako para maging prepared ako sa Bench.

“Kaya natuwa naman ako. Kasi, may mga tao talaga, noong manood sila ng show, nasabi nila na iba yung hitsura ni Steven,” nakangiting sabi ng Filipino-Chinese-Portugese Starstruck 5 Ultimate Male Survivor.

U.S. TRIP. Bago ang Bench show, galing si Steven sa U.S. para naman sa GMA Pinoy TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Silang dalawa ni Rachelle Ann Go ang magkasamang ipinadala ng GMA para mag-entertain ng mga Pinoy roon.

“It’s my third…fourth time. Masaya. It’s always nice for me to go home.

“At saka, natutuwa ako, sa Union City [in California] kami nagpunta and I can see the improvement sa GMA Pinoy TV. Ngayon naman ang kanilang 7th year.

“The first time na nag-show ako for GMA Pinoy TV, they we’re celebrating their fifth anniversary.

“Mas maraming tao ngayon kesa dati. Ngayon, malakas ang GMA Pinoy TV do’n sa States. Ngayon, nakikita ko ang improvement sa kanila.”

Nakadalaw rin daw si Steven sa pamilya niya sa Amerika.

“Actually, after the show. Mabilis lang kami. Three or four days lang kami ro’n.

“Yung dating namin, Friday night. Saturday may mga ginawa kaming meet and greet sa mga sponsors.

“At may pinuntahan kami, yung Sea Food City, and it’s so cool!

“Kasi dati, doon kami naggu-grocery, sa Sacramento.

“And then, to go back there as an artista, parang it’s weird. You go back there as a different person. Nakakatuwa lang.”

Plano raw niyang bumalik sa U.S. sa Kapaskuhan para makasama sa pagdiriwang ang kanyang pamilya.

FEELS LIKE STARTING OVER. Kahit na nung 2009 pa nagsimula sa showbiz, pakiramdam ni Steven ay parang nag-uumpisa pa lang ulit siya.

“Sobrang busy ako ngayon. Maraming ginagawa, kaya parang feeling ko, ngayon ako ulit nagsisimula ng showbiz career ko,” natatawa niyang sabi.

Aminado naman si Steven na sa mga panahong tila wala siyang masyadong ginagawa, nag-iisip-isip din daw siya kung talagang para nga ba siya sa showbiz.

“Siyempre masaya ngayon. May mga times dati na habang wala akong shows, wala akong mga raket, naiisip ko, parang…ano ang work ko sa GMA?

“Baka nakalimutan na ako or something.

“’Tapos yung mga shows like Protégé, baka mas lalo akong mahihirapan kasi, may mga darating na bagong artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, mas naging busy ako. Nagkaroon ako ng bagong show. Parang mas naging confident ako that this would be a good year for me.”

Ibang handler na rin ang humahawak sa kanya ngayon sa GMA Artists Center at masaya raw siya na marami nga siyang ginagawa ngayon.

“With my new handler, I tried to change my attitude.

“Nagsisipag ako sa gym, sa diet. At pati sa image ko, palagi niyang sinasabi sa akin na kapag lumabas ako, dapat ang hitsura ko, presentable. Hindi puwedeng kahit ano lang ang gusto kong suotin.

“At saka ngayon, nakikita ko rin na mas plano. Mas may direksiyon at nakikita ko rin ang mga resulta. May mga shows, palagi akong busy.

“Kaya mas na-inspired din ako na mas lalo akong naging masipag sa work.”

Diretsahan namang tinanong ng PEP si Steven kung tinanong din ba niya ang sarili noon na baka may pagkukulang din siya at hindi lang ang network.

Sagot ni Steven, “Sa totoo lang, hindi ko rin alam.

“Kasi, I tried to do my best. Kung anuman ang sabihin nila sa akin or sasabihin nila, ‘Steven, ang kulang sa ‘yo ganito. Kulang sa ‘yo sa dancing, sa Tagalog.’

“Ginawa ko naman ang best ko to fill the gap. Para mas maging ok yung Steven.

“So, everything that they asked for, ginawa ko. Wala akong ideya kung may kulang.”

BEING COMPARED. Pero kapag naikukumpara naman daw siya sa ibang kasabayan niya, nagiging positibo naman ang epekto nito sa kanya.

“Siyempre, kapag kino-compare ako sa ibang stars, kapag mas busy sila, mas marami silang projects, siyempre ako, nadi-discourage ako ro’n.

“Kasi, wala akong control do’n. Wala akong hawak do’n kung ano ang meron sa kanila na wala sa akin.

“So, parang ako naman, I listen to what they say pero at the end of the day, I have to do what I can do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, lahat naman ng mga bagay, everything that I can control, that’s what I have to focus.

“Kasi, kung magpo-focus ako sa ibang artists at kung ano ang meron sa kanila, paano naman ako, di ba?

“I need to focus on myself kasi, hindi naman ako puwedeng mag-focus sa iba. So, parang ganoon ang attitude ko.”

Naniniwala naman daw si Steven na palagi siyang makukumpara sa mga kasabayan niya tulad nina Enzo Pineda at Rocco Nacino.

“Siyempre, nanggaling ako sa StarStruck. So, forever, magku-compare sila na ako kay Enzo, kay Rocco. Kasi, lahat kami nanggaling sa StarStruck.

“But at the end of the day, siyempre, natapos na ang StarStruck, matagal nang natapos.

“Lahat kami may iba nang projects, may iba nang life.

“So, kailangan lang talaga mag-focus sa sarili mo.

“Kung ano ang meron sa ‘yo, doon ka mag-focus.”

Two years pa lang naman daw siya sa showbiz kaya alam daw niyang marami pa siyang puwedeng magawa at ipakita.

WORKSHOP THROUGH THEATER. Bukod sa sisimulan na nga niya ang bago niyang primetime series kunsaan, kasama siya sa Pinoy adaptation ng Coffee Prince, may musical play rin siyang ginagawa, ang Hope for the Flower.

“Ngayon nagtu-tour kami sa iba’t ibang probinsiya.

“Last time, nag-tour kami sa Clark Expo. Kasama ko sa play si Francheska Farr at ang dami talagang taong nagpunta sa show.

“Parang ang turn-out, 20,000 people for three shows. Kaya sobrang saya, nakakatuwa talaga.

“Yung kuwento namin sa Hope for the Flower, para siyang live action na Disney.”

Nakatulong din daw nang malaki sa kanya pagdating sa pag-arte ang paggawa niya ng musical play.

“Iba kasi ang acting sa TV. Pinopokus lang sa mukha mo.

“Sa theater naman, kailangan yung movement mo, mas malaki at nakikita talaga ng tao.

“Para ko rin siyang naging workshop and I learned a lot,” pagtatapos ni Steven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN