Julie Anne San Jose not affected by lukewarm reception of launching movie with Elmo Magalona at the box office

Ito ang sagot ni Julie Anne San Jose sa mga nagsasabi na kulang sa pagiging totoo ng tambalan nila ni Elmo Magalona : "For us ni Elmo, hindi naman po kailangan totohanin or bibiglain. Kasi nag-start kami as a singing tandem po talaga and no one really expected this to happen—and we could go this far. And yun, sobrang nakaka-overwhelm lang po talaga. Kasi nag-start lang kami sa Party Pilipinas, kumakanta lang kami... Tapos nagkaroon na kami ng show ha


Isang linggo lang nagtagal sa karamihan ng mga sinehan ang kauna-unahang loveteam movie nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, ang Just One Summer ng GMA Films.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julie Anne, wala siyang mahagilap na rason kung bakit na-pull out agad ito sa mga sinehan at pinalitan na ng ibang pelikula.

“Hindi ko rin po alam, e.

"Kasi parang kailangan po nilang magpalit ng ibang movies... pero hindi naman po ako naapektuhan.

“Kasi sabi naman ng iba... actually, maganda naman po yung reviews at feedbacks.

“Sobrang natutuwa rin po kami kasi po maraming naka-appreciate ng movie.

“Kasi first-ever lead role naming dalawa ito ni Elmo, and talaga pong ginawa namin yung best namin.

“Kasi po, iba siya dun sa usually na ginagawa namin talaga.

“Actually, meron po kaming naririnig-rinig pero wala pong ano... hindi po namin alam talaga kung ano ang reason,” saad ni Julie Anne.

NOT REAL ENOUGH? May nagsasabing natapat kasi ang pelikula nila sa big-budget Hollywood action film na Expendables 2, na pinagbidahan nina Sylvester Stallone, Arnold Schwarzengger, Bruce Willis, at iba pang malalaking action stars.

Sabi ni Julie Anne tungkol dito, “Siyempre naman po, hindi naman po natin maiwasan na ma-compare dun sa mga foreign movies na pumapasok, e,

“Talaga naman pong magaganda yung mga yun.”

Kasabay rin ng Just One Summer ang pelikula ng ABS-CBN na The Reunion.

Sabi naman ng iba, puwede nang pakawalan ang tambalan nina Julie Anne at Elmo. Mali lang ang timing ng pagpapalabas ng launching movie nila.

Katunayan, marami na ring tagasubaybay ang loveteam ng dalawa at halos lahat ay kinikilig sa kanila.

“Talaga?!” natutuwang reaksiyon ni Julie Anne.

Hindi kaya kulang sa pagiging totoo ang team-up nila para lubos ang kilig factor ng mga taong sumusuporta? Karamihan kasi sa mga nag-click na loveteam ay yung mga nagkatuluyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng Kapuso singer-actress, “No naman po.

"For us ni Elmo, hindi naman po kailangan totohanin or bibiglain.

“Kasi nag-start kami as a singing tandem po talaga and no one really expected this to happen—and we could go this far.

“And yun, sobrang nakaka-overwhelm lang po talaga. Kasi nag-start lang kami sa Party Pilipinas, kumakanta lang kami...

“Tapos nagkaroon na kami ng show hanggang sa nagkaroon na kami ng movie together.

"And we owe it to the fans talaga."



GMA’S DECISION. May mga nagsasabi namang kahit hinog na ang tambalan nila, hindi ito dapat sinugalan agad ng GMA Films.

Ano ang reaksiyon dito ni Julie Anne?

“Ahh… well... For us kasi, I think ang iba sa amin sa mga loveteams, we’re singing tandem talaga na umaarte rin,” sabi niya.

“Hindi rin namin nira-rush yung mga bagay-bagay. Kasi ayaw rin naming maging pilit kami.

“We’re really spontaneous and we wanted to be natural as possible.”

Inaasahan ba ni Julie Ann na masusundan pa ang movie nila ni Elmo?

“Yes po, hopefully... hopefully.

"Wala pa naman po kaming naririnig na follow-up but we’d love to have a new show together, a new project together para masaya.”

Natapos na rin kasi ang kanilang weekly show sa GMA-7 na Together Forever.



LOVETEAM BREAKUP. Bukas ba sila sa ideyang paghiwalayin muna sila ni Elmo at ipareha sa ibang talents ng GMA-7?

Sagot ni Julie Anne, “Kami naman po ni Elmo, hindi naman po namin ini-expect or nilalagyan ng time log kung kelan kami maghiwalay ng pair ni Elmo.

“Kasi po... bale ako, nag-start ako as a solo artist. Si Elmo naman, his name is already established.

“Kumbaga, hindi lang naman... kaming dalawa ni Elmo, hindi kami nakadepende sa loveteam, e.

“Kumbaga, may mga kaya rin kaming ibang gawin—may solo careers din po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, if ever naman pong mag-break yung loveteam naming dalawa, or yung tandem namin, be it na lang po.

“Kasi hindi naman po sa amin nanggagaling yung desisyon kung kailangan na naming mag-separate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN