No more "sideline" for family-man Cesar Montano: "Kapag may tukso naman, you can run away from temptation."

Nang tanungin kung ano ang pangyayari sa kanyang buhay kunsaan naging "biktima" siya, sinabi ng actor-director na si Cesar Monatno na ito ay ang pagsabak niya sa pulitika. Dalawang beses tumakbo sa pulitika si Cesar at dalawang beses din siyang nabigo.


Hindi tumanggap ng bayad si Cesar Montano para sa pagiging artista sa pelikulang Biktima, na ipalalabas na sa September 19.

Sa press conference ng pelikula noong September 14, biniro tuloy ng entertainment press si Cesar kung uso na ngayon sa mga artista ang hindi pagtanggap ng talent fee kapag indie o “maindie” (mainstream-indie) ang pelikulang ginawa nila.

Maituturing daw kasi na “maindie”ang Biktima bilang ang magre-release nito ay ang Star Cinema.

“Hindi naman,” nakangiting sabi ni Cesar.

“Of course, not because I don’t need money.

“I need money. Of course, I need to get paid also.

“Pero unang-una, gusto ko lang din tulungan ang aking kaibigan, si Director RD Alba and I show na may talent itong director na ‘to.

“Kaibigan ko ‘to, so sino ang una kong tutulungan? Ayokong pahirapan ang buhay sa kanya as filmmaker.

“So, sabi ko, ‘Sige, gawin natin ‘yan, kahit walang bayad, gawin natin ‘yan. Kapag kumita, saka mo na lang ako maalala.’

“That’s good, di ba?”

Ginagawa pa lang daw noon ni Cesar ang Panaghoy sa Suba (2004) ay nandoon na si Direk RD bilang assistant director niya.

Sabi pa ni Cesar, “Natapos namin ang pelikula and he helps me sa mga pelikulang gagawin ko pa in the future.

“Magaling siyang director. Sa anggulo, tinitingnan ko siya kung paano siya mag-anggulo.

“Parang hindi siya bagito considering na maliit lang ang perang ginamit.”

NOT THAT STORY. Aware si Cesar na may nag-iisip na ang kuwento ng Biktima ay base sa nangyari sa ABS-CBN newscaster na si Ces Drilon na na-kidnap noong 2008 ng mga Abu Sayyaf kasama ang dalawang cameramen sa Sulu.

Pero paliwanag ng aktor, “Kasi meron siyang tangible evidence, electronics evident na nauna siya.

“Nakikipag-email siya about the story bago pa pumutok yung kay Ces. So, imposible.”

Ano ang mga inaasahan niya sa pelikula nila lalo na kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know. Of course, I want a victorious outcome for this movie.

“Ayokong mag-isip ng hindi kikita ‘to, of course, never kong iisipin yun.

“But, yung ganitong klaseng pelikula, napakasimple, pero napaka-complex.

“Minsan, yun pa nga ang pumuputok.

“Minsan, mahirap basahin ang audience natin. Ako, nahihirapan na akong basahin ang audience natin sa totoo lang.

“Siguro, nandoon tayo sa proseso na nagma-mature ang mga audience. I don’t know…”

ANGEL AQUINO. Ang leading lady ni Cesar sa Biktima ay si Angel Aquino. Ito ang unang beses na nagkasama sila sa isang proyekto.

“Ang galing ni Angel, ang galing!” papuri pa ni Cesar sa kanyang leading lady.

“And I want to do more movies with her. Ang galing!

“Napaka-professional, ang bait. Walang kaangal-angal. Napaka-totoong tao at napaka-simple pa.”

SUNSHINE CRUZ. Sa Biktima ay mapapanood din ang misis ni Cesar na si Sunshine Cruz, na madalang nang lumabas sa pelikula man o telebisyon.

“Hindi ganoon kalaki, pero imposibleng hindi mapapansin,” sabi ni Cesar tungkol sa role ni Sunshine sa pelikula.

Hanggang pa-guest-guest na lang ba niya pinapayagan ang asawa?

“Hindi, hindi,” tanggi ni Cesar.

“Baka nga ako, magsulat ako, mag-create ako ng story na para lang kay Sunshine. Na babagay sa kanya, sa comeback niya.

“Katulad nga ngayon na open na ang SM at Robinsons, tuwang-tuwa ako.”

Ang tinutukoy ni Cesar ay ang pagpayag ng mga sinehan ng SM at Robinsons na magpalabas ng indie at R-18 films.

Ayon pa kay Cesar, may mga naka-lineup na siyang mga posibleng gawing pelikula.

“Isinusulat ko ngayon, Pangayaw ang title niya sa Tagalog. It’s a story about peace.

“It’s a beautiful book and it was given to me by two guys in 700 Club.

“Sabi niya, ‘Basahin mo, baka gusto mong gawing pelikula.’

“After kong basahin ang book, isinulat ko na agad na screenplay. Ngayon, malapit ko nang matapos ang screenplay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, isu-shoot naman namin ang trailer about the manuscript of Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo."

THE SECRET OF A HAPPY FAMILY. Twelve years nang kasal sina Cesar at Sunshine. Nangiti ang aktor nang sabihin namin na mukhang “tahimik na ang dagat” sa buhay mag-asawa nila.

“Tahimik na. Dahil sa awa ng Diyos. Because of the grace of God, prayers, prayers,” pagsang-ayon naman niya.

Masasabi ba niyang nalagpasan na nila ni Sunshine ang mabibigat na pagsubok sa kanilang pagsasama?

“Sa tingin ko, as long as we pray together, walang problema. As long as God is there.”

Naniniwala si Cesar na malaking bagay rin na full-time wife and mother si Sunshine sa kanya at sa tatlong anak nilang babae.

“Yes, hindi madaling biro at madaling maging ina na maging asawa at ina at the same time. It’s too hard.

“At sa nakita ko, sa aking pag-aaral ng mga buhay, yung mga naging successful at natuwa ang mga magulang ay dahil sa ang sikreto—yung nanay.

“Yung nanay nila ay palaging nandoon at nakatanong kung ano ang problema ng anak at ano ang dapat na gawin.

“Bakit nakatapos ng pag-aaral ang anak is because of nanay. Bakit nagagawa palagi ang assignment is because of nanay.

“So, the secret is because of mother.”

Biniro naman namin si Cesar kung wala na talagang mga “sideline” sa parte niya.

“Babalik ako sa sagot ko kanina, basta may prayer. Kapag may tukso naman, you can run away from temptation,” nakangiting sabi niya.

Masasabi ba niyang nakakatakbo na siya palayo sa mga tukso sa mga nagdaang panahon?

“A, wala. Ako, thank you God, hallelujah, wala.”

"BITIMA." Naitanong din ng PEP kay Cesar kung madalas ba siyang “mabiktima”?

Natawa ito sabay sabing, “Madalas akong nabibiktima ng mga anak ko. Yung mga anak ko, mga babies ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon kasi, nasa father image mode ako na nae-enjoy ako.”

Ano ang maituturing niyang pinakamatinding pangyayari na "nabiktima" siya?

“Well, siguro pulitika,” sagot niya.

Dalawang beses sinubukan ni Cesar na pumasok sa pulitika. Una noong 2007 nang tumakbo siya bilang senador, at pangalawa noong 2010 nang tumakbo siyang gobernador ng Bohol.

Sa parehong pagkakataon ay natalo ang aktor.

Patuloy ni Cesar, “Siguro biktima ako ng pulitika.

“It may sound that I’m regretting, it may sound na parang bitter, but I don’t wanna talk about it. I’ve moved on already.

“But for the sake of answering the question, yun siguro.

“Kung susumahin ang aking buhay, makikita kong yun ang nangyari sa akin, yun ang biktima.

“But there’s no regret.

“Me, Cesar Montano right now, it’s all because sa mga pangyayaring yun. It became a lesson to me.”

Wala na ba siyang planong pasukin muli ang pulitika?

“Right now, bising-bisy ako.

“Katulad ng sinabi ko, napakarami kong pelikulang gustong gawin.

“Pero, hindi ako nagsasalita ng tapos.

“Baka biglang after three years, four years, makikita n’yo akong tumatakbo ulit.”

Hindi naman itinanggi ni Cesar na may mga kumakausap pa rin sa kanya para sa darating na eleksiyon.

“May mga kumausap sa akin, pero sabi ko, I’m too busy to go back.”

HOSTING OVER ACTING. Sa telebisyon naman, ngayon ay napapanood si Cesar sa talent search ng TV5 na Artista Academy. Pero kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay nais niyang makapagtrabaho muli sa ABS-CBN.

Aniya, “Well, right now, officially, hindi pa. Star Cinema lang ito because of this movie [Biktima].

"But may offer sila sa akin. Of course, I wanna go back kung may offer sila.

"Hindi pa ako nakatali sa TV5 right now. Wala naman akong contract to any network.”

Gusto niyang gumawa muli ng teleserye?

“Kung may offer sa Channel 2, yes,” mabilis niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag ni Cesar, “I wanna go back to hosting.

"Kung yung Singing Bee ibabalik, I wanna go back to that.

"Mas gusto kong mag-host, mas light.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN