Aiko Melendez denies rekindling romance with ex-husband Jomari Yllana; will push through with producing a movie next year

“Yung Jomari issue, not true na nagkabalikan kami. ’Coz, although we are close, in a sense na we can talk about anything, but better if we leave it at that,” sabi ni Aiko Melendez nang tanungin kung totoo bang nagkabalikan na sila ng dating asawang si Jomari Yllana.


May balitang nagkakamabutihan ngayon sina Aiko Melendez at Jomari Yllana, as in very close friends daw ngayon ang dating magkarelasyon.

Ikinasal sina Aiko at Jomari nung 2000 at matapos ang tatlong taon ay naghiwalay ang mga ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko through Facebook kahapon, September 17, at tinanong ito kung may pag-asa ba na magkabalikan sila ng dating asawa.

“Yung Jomari issue, not true na nagkabalikan kami.

“’Coz, although we are close, in a sense na we can talk about anything, but better if we leave it at that,” sagot ni Aiko.

Kailan sila huling nagkita or nagkausap ni Jomari?

“Last time I saw him was nung birthday ni Andrei, which was September 7.”

Si Andre ang nag-iisang anak na lalaki nila ni Jomari.

“We had a family dinner. Just that, nothing more and nothing less.”


ANDRE TO ENTER SHOWBIZ? Speaking of their son Andre, totoo bang mag-aartista na ito?

“May offer na mag-artista si Andre," pagbabalita ni Aiko.

“If and when, mukhang summer next year siya.

“But priority pa din namin is his studies.

“Si Roxy Liquigan of ABS pa lang ang nakausap ko about it.”

Si Roxy Liquigan ay ang adprom director ng Star Cinema, ang movie production arm ng ABS-CBN.

“If ever, Andre will be managed by Backroom and ABS, since sa commercials, Backroom naman may hawak kay Andre.”

PLANS FOR 2013. Kumusta naman ang balak niyang pagtakbo sa 2013 elections?

Dating councilor 2nd district ng Quezon City si Aiko at tumakbo para sa pagka-vice mayor ng lungsod nung 2010 elections.

“With regards to the elections, I still have till September 30 to decide if I will run or not, since early filing ngayon. October start ng filing,” sagot ni Aiko.

“I just have to consider many things now since I signed a contract with ABS for a teleserye na Apoy Sa Dagat. Na we are starting anytime this September, kaya medyo dami ko ding iniisip now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER FORMER BOYFRIEND AGA. Naging bahagi rin ng buhay ni Aiko si Aga Muhlach. Kinumusta ng PEP sa kanya ang dating boyfriend?

Bukas ba siya sa oportunidad na muli silang magkatrabaho sa isang pelikula or TV project?

“Last time I saw Aga was years ago, never had a chance to work with him since. Ang last project namin was Ikaw Pa Rin Ang Iibigin.

“Wala na kaming pagkakataon to work together again.”

Ano naman ang masasabi niya sa bali-balitang plano ni Aga na pagtakbo bilang congressman ng Camarines Sur?

“I heard nga Aga will be running for congress.

"I sincerely wish him well. And I know he will do well if he gets elected.

“At least if he wins, mas malaking scope ang matutulungan niya.

AIKO THE FILM PRODUCER. Tuluy na tuloy naman ang plano ni Aiko na mag-produce ng pelikula.

“Yes, tuloy na tuloy yung pag-produce ko ng movie! It’s Direk Rechie del Carmen ang director namin. Nasa pre-production stage na kami.

“Pops Fernandez, my friend, will line produce it.

"Ang working title namin is Ika-Pito, it’s a suspense-drama.

“Yung leading man na lang ang pina-finalize namin.

"Candy Pangilinan will play an important role and so is Yayo Aguila.

“Hopefully next year maipalabas na siya," pagtatapos ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN