Jodi Sta. Maria admits Jolo Revilla is "someone special" to her

Jodi Sta. Maria on getting the break that she deserves: “Siguro yung nangyari ngayon, everything fell into places. Hindi naman siya pinilit. God is good all the time. Yun lang po ang masasabi ko. At saka, di ba po, sinasabi nila, you stay good and better when you are ripe and right talaga? And it pays to wait talaga.”


Hindi maipagkakailang isa sa sinusubaybayang programa ngayon sa telebisyon ang morning drama series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Tampok dito ang kakaibang tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Dahil sa tagumpay ng programa ay nagdesisyon ang pamunuan ng Kapamilya network na magkaroon ng “rewind” ang Be Careful With My Heart tuwing Sabado bago mag-It’s Showtime.

Noong Linggo, September 16, ay live na nag-guest si Jodi sa The Buzz.

Tinanong ng host na si Boy Abunda ang aktres kung tinatawag na ba siya ng mga tao na “Maya,” na siyang pangalan ng karakter niya sa Be Careful With My Heart.

“Yes, Maya ang tawag nila sa akin.

“At minsan, sasabihin pa nila, ‘Puwede ba kitang mahiram kahit isang araw lang?’”

Sasagutin naman daw niya ito ng: “Sige po, kapag kakayanin ng schedule.”

THE BIG BREAK. Labintatlong taon na si Jodi sa showbiz industry, pero tila ngayon lang siya nabigyan ng break na maging bida sa isang teleserye.

Hindi naman itinanggi ng aktres na may mga pagkakataon din sa kanyang showbiz career na nasabi niyang hanggang suporta na lang siguro siya sa mga bida.

“Yes, opo, dumating ako sa ganoon,” pag-amin ni Jodi.

“Kumbaga, natanggap ko na hanggang dito lang ako. Pang-support lang talaga.

“Kumbaga, lahat ng nangyayaring ito, parang panaginip lang para sa akin.

“Kasi, yun ang mindset ko.

“Pero minsan, sinasabi ko sa sarili ko, malay mo, isang araw, magkaroon ng… makatisod ako ng isang role.”

Wala ba siyang nararamdamang sakit, na sa kabila ng mga komento ng mga tao sa kanya na isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, bukod sa magaling umarte, ay naging mailap sa kanya noon ang break?

Sagot ni Jodi, “Wala naman po.

“Siguro kasi, hindi naman magkakaroon ng pain kung tanggap mo naman.

“Siguro yung nangyari ngayon, everything fell into places.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman siya pinilit. God is good all the time. Yun lang po ang masasabi ko.

“At saka, di ba po, sinasabi nila, you stay good and better when you are ripe and right talaga? And it pays to wait talaga.”

JODI’S LOVELIFE. Kasama ni Jodi na nagpunta sa studio ng The Buzz noong Linggo ang anim na taong gulang na anak na si Thirdy.

Si Thirdy ay anak ni Jodi sa nakahiwalayang asawa na si Pampi Lacson.

Noon pa man, mahilig na raw magtanong ng mga bagay-bagay si Thirdy.

Ano ang mga sinasabi o tinatanong ni Thirdy kay Jodi ngayong mga araw na ito?

“Ngayon, siyempre ang kuwentuhan namin, sa eskuwela. Kasi, nasa big school na siya,” sabi ng Kapamilya actress.

Napa-“Yehey!” naman si Thirdy nang tanungin ni Boy si Jodi kung may boyfriend na ba siya, kaya tawa nang tawa ang aktres sa naging reaksiyon ng anak.

Tinatanong ba ni Thirdy si Jodi kung boyfriend na ba niya si Jolo Revilla?

Sagot ni Jodi, “Basta, Tito Boy, ang masasabi ko lang, honest po ako sa anak ko.”

Pero sino nga ba si Jolo sa buhay niya ngayon?

“I could say, he’s someone special. Yun po, hanggang doon na lang muna,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN