Xian Lim on rumored relationship with Kim Chiu: "Let people think what they wanna think, di ba? Yun lang yun."

Hindi sinagot nang diresto ni Xian Lim ang tanong kung kumusta na ang panliligaw niya kay Kim Chiu. Sabi lang ng Kapamilya young actor, "Basta pararamdam ko kay Kim na espesyal siyang tao all the time. Basta nandiyan kami sa isa’t isa. Yun yung promise namin."


Umabot na sa Gold ang debut album ng young actor na si Xian Lim titled So It’s You kaya naman nagkaroon ng awarding sa ASAP 2012 noong Linggo, September 16.

Dahil sa natamong award ay gustong pasalamatan ni Xian ang lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya na tumangkilik ng kanyang album.

Aniya, "Siyempre naman nakaka-happy dahil alam ko na sinuportahan talaga ako ng mga fans.

“Maski sa Twitter, maski sa mga mall shows, nandiyan sila.

“In any way, they care, so maraming-maraming salamat sa kanila," sabi ni Xian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa backstage ng ASAP 2012 pagkatapos niyang matanggap ang kanyang award.

Umaasa si Xian na sana ay maging platinum ang kanyang album.

May plano rin daw ang Kapamilya young actor na masundan ang kanyang album.

“I’m writing a lot of songs para may maibigay pa ako sa kanila [fans]," sabi niya.

TELESERYE WITH KIM. Hindi pa rin naman nakakaligtaan ni Xian ang pag-arte dahil may bago siyang teleserye sa ABS-CBN, ang Ina Kapatid Anak.


Makakatambal niyang muli rito ang kanyang ka-loveteam na si Kim Chiu.

Ayon kay Xian, "Wala pa kaming definite date kung kelan yun ipapalabas.

"Pero sana yung mga taong sumuporta sa My Binondo Girl, sa The Reunion, sa lahat ng ginawa namin ay suportahan pa rin nila.

"Huwag silang bibitiw."

Puring-puri naman ni Xian si Kim dahil sa mahusay raw na pag-arte na ipinakita nito sa kanilang bagong serye.

"Congratulations sa kanya kasi sobrang galing niya rito sa Ina Kapatid Anak.

"From the trailers pa lang, napapanood ko na, sobrang galing! And yun, congratulations sa kanya."

STIL COURTING KIM. Kumusta na ba ang panlilgaw niya kay Kim? Tuloy pa rin ba?

"Basta pararamdam ko kay Kim na espesyal siyang tao all the time.

"Basta nandiyan kami sa isa’t isa. Yun yung promise namin," sabi ni Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming nagsasabi na may namumuo nang relasyon kina Xian at Kim.

Pero ayon sa young actor, "Let people think what they wanna think, di ba? Yun lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN