Carmina Villarroel reveals secret of happy union with Zoren Legaspi: “Yun talaga yung tatlong sikreto namin—yung love, respect, and trust.”

“Nandyan pa rin yung wish ko na sana. Pero eleven years old na ang kambal, medyo malayo na yung gap. Pero pag dumating, e, di sige, okay lang. Pero hindi namin talaga pinagpaplanuhan," sagot ni Carmina Villarroel nang tanungin kung may plano sila ni Zoren Legaspi na sundan ang kanilang kambal na anak.



Nagpatawag ng presscon ang ABS-CBN kahapon, September 18, para sa huling tatlong linggo ng primetime series na Lorenzo’s Time.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina Villarroel, na gumaganap bilang Kathy o Kat-Kat.

Naulinigan ng PEP sa presscon na niregaluhan pala ni Carmina si Zaijian ng isang Apple iPad. Si Zaijian ang gumaganap sa title role at "love interest" ni Carmina sa teleserye.

Kinumpirma naman ito ng aktres sa amin.

Aniya, “Oo, kasi nakakatuwa ang batang ‘yan.

“Nakikita ko na laging hinihiram ang iPad ko at ang iPad ng make-up artists ko para maglaro.

“So naisip ko lang na regaluhan ko ng iPad si bagets para kahit matapos na ang Lorenzo’s Time, maalala niya pa rin ako.

“Saka para may sarili na siya at mai-share niya rin sa mga kapatid niya.”



KIDS TRAITS. Si Carmina at ang partner niyang si Zoren Legaspi ay may kambal na anak—sina Cassandra at Maverick.

Ano ang nakikita ni Carmina na pagkakahawig sa ugali ng mga anak nila ni Zoren at sa ugali ni Zaijian?

“Naku, pare-pareho silang marespeto sa nakakatanda. Saka happy child sila—yung walang tantrums. Saka friendly sila.”

Magkaka-age ba ang kambal niya at si Zaijian?

Sabi ni Carmina, “Pagkakaalam ko, matanda lang ng buwan ang kambal ko, kasi January ko sila ipinanganak.

"Pero eleven years old na sila pare-pareho.”

Si Zaijian ay nagdiwang ng kanyang 11th birthday last August 23.

Kung sakali bang paglaki ni Zaijian at ligawan nito ang anak ni Carmina na si Cassy, papayag siya?

“Puwede bang kami na lang ni Zaijian?” birong sagot ni Carmina.

“Naku, ayaw ko pang isipin! Ang babata pa nila, hindi ko pa iniisip ’yan! Ayoko pa!

“Naku, ayaw ko pa, ‘no? Di pwede! Di pa talaga pwede. My gosh! No!” halos tiling reaksiyon ng aktres.



CARMINA’S BIRTHDAY. Noong August 17 ay nag-celebrate naman ng kanyang 37th birthday si Carmina. Ano ang iniregalo ni Zoren sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, wala! Kahit naman kasi hindi ko birthday, nireregaluhan ako ni Zoren, e. Kaya okay lang na wala siyang regalo noong birthday ko.”

Ano ang pinaka nagustuhang regalo ni Carmina mula kay Zoren noong mga nakaraang okasyon?

“Basta! Ayaw kong sabihin, kasi nakakahiya.

"Basta nagagamit ko ngayon. Basta sa akin na lang yun."

Kotse ba ito?

“Parang ganun!” halakhak niya.



WEDDING PLANS. Kinumusta rin ng PEP kay Carmina ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal ni Zoren.

“Sana nga, this year na. Pero wala pa talaga, e.

"Baka sakaling pagkatapos ng Lorenzo’s Time… baka sakaling meron ng time na magplano-plano—ganun, ganun.”

“Sana this year.

"Alam ko namang madali lang planuhin kasi hindi naman kami yung malaki.

“Gusto ko yung kami-kami lang, kaya alam kong madali lang iplano.”

Ano ang sikreto sa matibay na pagsasama nila ni Zoren, sa kabila ng may kanya-kanya silang career at magkaiba pa ng network na pinagtatrabahuhan?

“Siguro yung respeto namin sa isa’t isa as a partner, as an actor, bilang magkaibigan. Saka yung tiwala sa isa’t isa.

“Siyempre, hindi naman kami magkasama palagi, so kailangan ng trust.

“Yun talaga yung tatlong sikreto namin—yung love, respect, and trust," saad ni Carmina.

NOT PREGGY. Napansin namin na gigil na gigil si Carmina kay Zaijian kaya naitanong namin sa aktres kung hindi kaya niya pinaglilihian ang child star?

“Ay, hindi! Hindi ‘no! Nanggigil lang kasi ako sa kanya kasi ang cute-cute niya,” tigas-tanggi ni Carmina.

Hindi ba nila pinaplano ni Zoren na sundan ang kanilang kambal?

“Nandiyan pa rin yung wish ko na sana.

"Pero eleven years old na ang kambal, medyo malayo na yung gap.

“Pero pag dumating, e, di sige, okay lang. Pero hindi namin talaga pinagpaplanuhan.

“Kasi kung eager talaga ako sundan, di sana noon pa.

"Basta pag dumating, dumating, di ba?” sagot ni Carmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN