American Idol runner-up Jessica Sanchez hopes to meet Pinoy relatives during her stay in the Philippines

“Visiting my family is one thing I really wanna do. But I think I’m gonna be way too busy,” says Jessica Sanchez when asked if she is going to visit her relatives in Bataan during her stay here in the Philippines. Jessica and the other nine American Idol 11 contestants are currently in Manila for their one-night concert on Friday, September 21, at the Smart-Araneta Coliseum.


Kung may pagkakataon, nais ng American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez na bisitahin ang mga kamag-anak niya dito sa Pilipinas.

Nasa bansa ngayon si Jessica kasama ang siyam pang Idol finalists mula sa nakaraang season ng American singing talent show.

Magkakaroon sila ng one-night concert sa Smart-Araneta Coliseum sa Biyernes, Setyembre 21.

“If I have any downtime, I want to definitely visit my family,” sabi ng 17-year-old Fil-Mexican singer sa ginanap na round-table interview para sa Top 10 ng American Idol Season 11, sa Manila Hotel, kaninang hapon, Setyembre 18.

Patuloy pa ni Jessica, “Visiting my family is one thing I really wanna do. But I think I’m gonna be way to busy.”

Bagamat laking-Amerika, kilala naman ni Jessica ang lahing pinanggalingan ng kanyang ina.

Ang ina ni Jessica na si Editha Bugay Sanchez ay mula sa bayan ng Samal, Bataan.

Ayon sa ulat ng Philippine Star noong Setyembre 12, sinusubukan pang ayusin ni Samal town Mayor Gene Malibiran dela Fuente ang pagbisita ng American Idol alumna sa kanilang bayan sa pamamagitan ng manager ni Jessica.

Kung mangyayari ito, isang hero’s welcome daw ang ihahanda ng local government ng Samal para kay Jessica.



STAYING IN THE PHILIPPINES. Pagkatapos ng concert, maiiwan si Jessica sa Pilipinas para sa ilang endorsement deals.

“I’m actually staying here in the Philippines, after they leave, for a couple of endorsement deals,” sabi ni Jessica.

Kasama na marahil dito ang pagiging endorser niya ng local clothing brand na Bench.

Matatandaan na noong Hulyo ay mismong ang may-ari ng Bench na si Ben Chan ang nag-announce nito sa kanyang personal account sa Twittter:

“We are thrilled to welcome the voice that has won the hearts of many. Truly proud to have @JSanchezAI11 part of the #Benchsetter family.”

Ang concert ng Season 11 Idol hopefuls sa Pilipinas ang huling performance nila para sa American Idol Live Tour 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito ay magiging busy na si Jessica sa ginagawa niyang music album.

“Hopefully, we release the album within the year,” sabi ni Jessica tungkol sa kanyang debut album mula sa Interscope Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN