Glaiza de Castro replaces Alessandra de Rossi in Temptation of Wife

Glaiza de Castro on her zero lovelife: “May list of priorities kasi ako at nasa huli ang pagpasok sa isang relasyon. Marami pa akong gustong matupad sa buhay, sa sarili ko, bago ko masabing ready na ako for someone na mamahalin ko. Sa ngayon, importanteng relasyon sa akin ay ang relasyon ko with God, my family, my work, my studies at with my friends.”


Si Glaiza de Castro na ang kumpirmadong gaganap bilang Heidi sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na Temptation of Wife.

Makakasama rito ni Glaiza sina Marian Rivera bilang Angeline, Dennis Trillo bilang Marcel, at Rafael Rosell bilang Nigel.

Unang inalok ang role na Heidi kay Alessandra de Rossi. Pero dahil sa diumano’y personal na rason ay nag-backout si Alex at napunta nga ang role kay Glaiza.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Glaiza, via direct message sa Twitter kahapon, September 18, naikuwento ng Kapuso actress kung paano napunta sa kanya ang naturang role.

Dapat kasi ay nasa cast siya ng isa pang upcoming primetime series ng GMA-7, ang Haram, na pagbibidahan nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla.

Dahil sa nangyari ay si Alex na ang papalit sa role ni Glaiza sa Haram.

Ayon kay Glaiza, “Kinausap na ako na ako ni Kuya Chino [Sarenas, Glaiza’s road manager] over the phone at in-explain na sa akin ang role na Heidi.

“Ito na nga ang gagawin ko instead of Haram.

“Though sobrang mature ang role at alam kong si Alex talaga ang para dito, na-challenge ako to play Heidi.”

Nagmarka si Glaiza sa mga kontrabida roles niya sa mga teleserye ng GMA-7: Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin (2009) bilang Gladys; Stairway To Heaven (2009) bilang Eunice; Diva (2010) bilang Tiffany; at sa title role niyang Grazilda (2010).

AGGRESSIVE OTHER WOMAN. Bilang Heidi ay aggressive sa lahat ng aspeto ang character ni Glaiza, na aagaw sa mister ni Angeline na si Marcel.

Sabi ni Glaiza, “Hindi ko pa kasi nagawa ang ganitong klaseng character.

“May mga scenes kasi na mangse-seduce ako at sobra akong passionate sa pag-angkin kay Marcel.

“Pero alam ko naman na hindi ie-exploit masyado ang mga sexy scenes. Primetime kasi ito kaya kontrolado ang mga eksena.

“Tsaka si Direk Dominic Zapata ang director namin kaya may tiwala ako na magiging maganda lahat ng eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huli kong nakatrabaho si Direk Dom sa Grazilda at naging maganda ang pakikipagtrabaho ko with him.”

MARIAN & DENNIS. Excited na rin daw si Glaiza na makatrabaho ulit sina Marian at Dennis.

“Si Marian ay huli kong nakasama sa Amaya. Si Dennis naman sa Biritera.

“Pareho silang masarap katrabaho kasi magagaling silang mga artista.

“Lalo na dito sa Temptation of Wife, marami kaming mga eksena na magkakasama. Kaya magiging very collaborative kaming tatlo.

“Plus si Rafael Rosell, kasama na rin namin sa show na ito.

“So, malaking drama siya na hindi dapat ma-miss, lalo na ng mga naging loyal fans ng Koreanovela na Temptation of Wife.

“Wish namin na mapantayan namin ang success nito,” saad ni Glaiza.

Big hit sa South Korea noong 2008 ang Temptation of A Wife.

Nagkaroon ito ng iba pang titles tulad ng Wife’s Temptation, Cruel Temptation, at Wife’s Revenge, nang ipalabas ito sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pinagbidahan ito nina Jang Seo Hee as Angeline Goo/Chantal Min; Byun Woo-Min as Marcel; Kim Seo-Hyung as Heidi; at Lee Jae Hwang as Nigel.

Nagwagi ang programa ng maraming awards sa SBS Drama Awards 2009, kabilang na ang Grand Prize para kay Jang Seo Hee.

Ipinalabas sa GMA-7 ang Temptation of Wife noong October 2010 at naulit ito by popular demand noong June 2011.

Ang iba pang kasama sa cast ng Philippine adaptation ng Temptation of Wife ay sina Raymond Bagatsing, Rio Locsin, Rez Cortez, Julie Anne San Jose, Michelle Madrigal, Ayen Munji-Laurel, at Candy Pangilinan.

STILL LOVELESS. Tungkol naman sa personal na buhay ni Glaiza, nanatili pa rin siyang loveless kaya wala raw maiintriga sa kanya kung lovelife ang pag-uusapan.

Para kay Glaiza, naniniwala siya na hindi dapat minamadali ang pagkakaroon ng lovelife.

“Ini-enjoy ko ang pagiging single. Walang reason para magmadali ako.

“Steady lang naman ang lahat sa buhay ko. Enjoy lang muna tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May list of priorities kasi ako at nasa huli ang pagpasok sa isang relasyon.

“Marami pa akong gustong matupad sa buhay, sa sarili ko, bago ko masabing ready na ako for someone na mamahalin ko.

“Sa ngayon, importanteng relasyon sa akin ay ang relasyon ko with God, my family, my work, my studies at with my friends,” saad ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN