Zaijian Jaranilla gets dream gadgets from Lorenzo’s Time co-stars; "proud" to be tagged as the young John Lloyd Cruz

Malungkot na masaya ang child actor na si Zaijian Jaranilla sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang teleserye sa ABS-CBN, ang Lorenzo’s Time. Sabi ni Zaijian tungkol sa kanyang mga kasamahan sa programa: "Para na po kaming isang pamilya. Pag halimbawa pong nasa set kami, lagi kaming masaya, nagkukulitan. Kaya talagang mami-miss ko po silang lahat.’


Malapit nang magtapos ang ABS-CBN primetime series na Lorenzo’s Time.

Ayon sa bida ng teleseryeng ito na si Zaijian Jaranilla, malungkot siya na masaya sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang programa.

"Siyempre malungkot ako kasi matatapos na yung Lorenzo’s Time.

"Pero masayang-masaya pa rin po ako kasi nakatrabaho ko si Tita Carmina [Villarroel], si Tita Gina [Pareño], at lahat po ng artista sa Lorenzo’s Time.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zaijian sa presscon cum thanksgiving party ng Lorenzo’s Time kahapon, September 18, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Naging close si Zaijian sa lahat ng cast ng Lorenzo’s Time kaya mami-miss niya raw ang mga ito kapag nawala na sa ere ang kanilang teleserye.

"Para na po kaming isang pamilya.

"Pag halimbawa pong nasa set kami, lagi kaming masaya, nagkukulitan.

"Kaya talagang mami-miss ko po silang lahat," sabi ng 11-year-old child wonder.

May mga iniregalo ba sa kanya ang “leading lady” niyang si Carmina Villarroel since naging close na sila habang ginagawa nila ang Lorenzo’s Time?

Sagot niya, "Mga chocolates po, Tapos nung nakaraang birthday ko po, binigyan niya ako ng iPad.

“Si Tita Gina, binigyan naman po ako ng iPhone 4S."

Sobrang natuwa raw si Zaijian sa mga regalong natanggap niya mula kina Carmina at Gina. Dream niya raw kasi na magkaroon ng mga ganitong gadgets.

Kung halimbawa bang kasing edad niya si Carmina, posibleng magkagusto siya rito katulad sa kuwento ng Lorenzo’s Time?

"Siguro po," sagot ni Zaijan

"Siyempre maraming magkakagusto kay Tita Carmina kasi maganda siya saka mabait."

Sa hiwalay na panayam kay Gina Pareño ay sinabi nitong si Zaijian ang “batang John Lloyd Cruz” dahil sa husay nitong umarte.

Ano ang reaksiyon ni Zaijian dito?

"Siyempre po masaya kasi si John Lloyd Cruz, sikat. Kaya proud po ako na masabihan na ako po ang batang John Lloyd Cruz," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idol niya ba si John Lloyd?

"Opo, idol ko po siya. Saka po si Vhong Navarro."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN