Gina Pareño on Zaijian Jaranilla: "Siya ang batang John Lloyd Cruz."

Giliw na giliw ang beteranang aktres na si Gina Pareño sa kasamahan niya sa Lorenzo’s Timena si Zaijian Jaranilla. Papuri pa ni Gina sa child wonder, "An eleven years old na bata, na ganyan ang line of thinking, nakakatuwa. At saka palagi siyang smiling. Gusto ko nga siyang iuwi sa bahay. Mahal na mahal ko ang batang ‘yan."


Sobrang natutuwa ang veteran actress na si Gina Pareño dahil nakatrabaho niya ang child star na si Zaijian Jaranilla sa teleseryeng Lorenzo’s Time.

Noon pa raw kasi ay dream na niyang makatrabaho si Zaijian sa isang proyekto.

"Sinabi ko kay Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head], ‘Sir Deo, gusto kong makasama sa serye si Zaijian.’

“Tapos nung ibinigay sa akin itong Lorenzo’s Time na kaming dalawa ang magkakasama, dream come true para sa akin yun.

"At nakita ko sa taping namin from day one hanggang sa mga oras na ito, nakakatuwa.

"I cannot imagine na ang eleven-year-old na bata, na lalaki, huh... Minsan kasi ang mga batang lalaki ay makukulit, di ba?

"Pero siya, darating siya sa set na alam ang linya kahit mahahaba, nakakatuwa siya.

"At laging take one, huh!”

Deklara pa ni Gina, “Siya ang batang John Lloyd Cruz.

"Alam din niya kung kelan siya magiging makulit or haharot pagdating niya doon sa kuwarto namin.

"An eleven years old na bata, na ganyan ang line of thinking, nakakatuwa.

"At saka palagi siyang smiling.

"Gusto ko nga siyang iuwi sa bahay. Mahal na mahal ko ang batang ‘yan.

"Nalulungkot ako na matatapos na yung serye namin kasi hindi pa ako nagsasawa sa kanya, e.

"Gusto ko pa rin siyang katrabaho."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina sa presscon cum thanksgiving party ng Lorenzo’s Time kahapon, September 18, sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

CARMINA VILLARROEL. Kung puring-puri ni Gina si Zaijian, ganun din ang papuri ng beteranang aktres kay Carmina Villarroel, ang ka-partner ni Zaijian sa Lorenzo’s Time.

Aniya, "Nakakatuwa, kasi si Carmina, magandang babae, konsentrado sa trabaho namin.

"Tsaka masayahing babae, nakakatuwa.

"Nakikita ko sa kanya na magtatagal siya sa industriya, hindi siya sandali lang sa hanapbuhay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka malayo pa ang kanyang mararating kasi maski siya ay lukaret sa set, makikita mo pag tinawag na siya para sa eksena, alam niya yung gagawin niya.

"Kaya naniniwala ako na tatagal at tatagal pa siya sa industriya.”

WHAT SHE WILL MISS MOST... Ano ang mami-miss niya sa Lorenzo’s Time kapag namaalam na ito sa ere?

"Siguro yung MWF na taping namin," sagot ni Gina.

"Kasi ako, gustung-gusto kong nagte-taping ng Lorenzo’s Time kasi nga mahal ko lahat ng mga kasama ko doon.

"Pag halimbawa na wala akong taping, nalulungkot ako.

"Gustung-gusto ko silang puntahan sa set. Kaya lang, nakakahiya naman, baka sabihin…

"Pero talagang looking forward ako kapag may taping kami.

“Gustung-gusto ko talagang nakakasama silang lahat doon, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN