Carl Guevara not jealous of Kris Bernal’s onscreen partner Aljur Abrenica: "Wala naman akong karapatan, e, hindi pa naman ako boyfriend."

Ang reaksiyon ni Carl Guevara sa pagbabalik-tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica: “Kasi kapag trabaho, trabaho, at saka sinusuportahan ko naman yung trabaho niya, e. At saka ayaw ko makadagdag ng pagseselos, baka makaapekto pa sa trabaho...”


Mula sa pagiging martir na mangingibig ni Saab Magalona, magiging palaban na ngayon ang karakter ni Carl Guevara sa Kapuso afternoon drama series na Hindi Ka Na Mag-iisa.

“Kasi, uhm, pinanggalingan nito ano, e, parang nasira yung buhay ko kay Celine, kay Saab Magalona.

“Tapos parang ano, parang inampon ako ni Jennylyn [Mercado].

"Yumaman siya, binigyan niya ako ng trabaho, tapos parang sinasabihan niya ako na magbagong buhay na ‘ko.”

Naibahagi ito ni Carl nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng Hindi Ka Na Mag-iisa, sa Quezon City, kahapon, Setyembre 18.



FASHION SHOWS. Isa si Carl sa mga rumampa sa Bench Universe Denim and Underwear Fashion Show, sa SM Mall of Asia Arena, noong September 13 at 14.

Komento ng ilang entertainment press, hindi masyadong nagpasiklab sa entablado ang Kapuso actor, na nakasuot ng puting boxer briefs, kumpara sa mga nagdaang Bench fashion shows.

Sagot naman ni Carl dito, “Sa akin naman kasi, parang, di ba, Bench underwear fashion show? So, imo-model mo yung suot mo.

"Kung Cosmo ‘yan, kung nag-Cosmo ako, magpapakita ako ng body.”

Ang tinutukoy ng aktor na “Cosmo” ay ang Cosmo Bachelor Bash.

Patuloy niya, “Kung Cosmo ‘yan, maggaganun ako.

"Pero parang clothing line ‘to, e, parang ganun. So, hindi na ako mag-e-effort na parang gagawa ako ng mga… iti-tease ko yung mga tao.

“‘Yon ang para sa akin, e. Kung para sa kanila, parang iba yung gusto nilang gawin, ‘yon, gawin nila.”

Nabanggit na rin lang niya ang Cosmo Bachelor Bash, tinanong namin kung bakit hindi siya kasama sa mga rarampa sa naturang event na naganap kagabi, Setyembre 18, sa World Trade Center.

Paliwanag niya, ang manager niyang si Perry Lansigan ang nagsabing huwag na muna siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash.

“Since nung mag-top ten ako, e, pinagra-ramp ako ng Cosmo, pero siyempre susundin ko yung manager ko, di ba?” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SUPPORTIVE OF KRIS. Hindi naman nakadalo ang nililigawan ni Carl na si Kris Bernal sa Bench Universe.

Ayon kay Carl, nagkasakit na marahil si Kris dala ng sobrang pagod.

Kagabi nga ay isinugod ang young actress sa isang ospital sa Talisay, Batangas, habang nagte-taping ng upcoming primetime series na Coffee Prince.

Kapareha ni Kris dito ang original loveteam partner niyang si Aljur Abrenica.

Matagal na ang tambalan nina Kris at Aljur na unang napanood sa defunct youth-oriented show ng GMA-7 na Boys Nxt Door (2007).

Ilan pa sa mga pinagsamahan nilang proyekto ay Luna Mystica (2008), Dapat Ka Bang Mahalin (2009), at The Last Prince (2010).

Ngayong muling magtatambal sima Kris at Aljur, hindi naman daw nagseselos si Carl.

Aniya, “Kasi kapag trabaho, trabaho, at saka sinusuportahan ko naman yung trabaho niya, e.

"At saka ayaw ko makadagdag ng pagseselos, baka makaapekto pa sa trabaho.

“Wala naman akong karapatan, e, hindi pa naman ako boyfriend!” natatawang sabi ni Carl bilang paglilinaw sa tunay na estado nila ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN