Karylle on being treated as part of the Quizon family: "Hindi ko ma-explain yung tuwa na nararamdaman ko.”

Sinamahan ni Karylle (nasa gitna) ang kapatid na si Zia Quizon (kaliwa) at inang si Zsa Zsa Padilla (kanan) sa musical tribute para sa Comedy King na si Dolphy, kagabi, September 19, sa MOA Arena. Ikinatutuwa ni Karylle na itinuturing siya ng mga anak ni Mang Dolphy bilang isa rin sa mga kapatid nila.


Isa si Karylle sa mga sumaksi at sumuporta sa Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy na ginanap sa SM MOA Arena kagabi, September 19.

Ang nasabing musical tribute para sa yumaong Comedy King na si Dolphy ay mula sa pinagsanib na puwersa ng tatlo sa pinakamalalaking networks sa bansa: ABS-CBN, TV5, at GMA-7.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi kabilang si Karylle sa mga artistang nag-perform o nag-present, pero naroon siya sa audience katabi ang ina na si Zsa Zsa Padilla at ang kapatid na si Zia Quizon.

Hanggang sa matapos ang programa ay hindi iniwan ni Karylle ang ina at nakababatang kapatid.

Sinamahan din ni Karylle ang ina at kapatid sa dressing room para alalayan si Zsa Zsa, na naging emosyonal sa napanood na ilang video footage ng yumaong longtime partner nitong si Dolphy.

Lumabas si Karylle at bumati sa nag-aabang na press sa labas ng dressing room ng mommy niya.

Magalang nitong sinabi na hindi puwedeng ma-interview ang mommy niya dahil sa kundisyon nito. Bawal daw ma-stress ang ina.

Kagagaling lang kasi sa operasyon ni Zsa Zsa upang tanggalin ang bukol sa kidney nito.

Kaya ang hirit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng TV media kay Karylle, siya na lang ang magpa-interview bilang representative at spokesperson ng mommy niya.

Sumulyap muna si Karylle sa ina para magpaalam. Nang mabigyan ng go-signal, naghanda na siya para sa mga itatanong sa kanya ng press.



ZSA ZSA’S MESSAGE. Unang tanong ng PEP kay Karylle ay kung ano ang mensahe ng mommy niya sa katatapos na tribute para kay Mang Dolphy.

Saad ng singer-actress, “Uhm, siyempre gusto niyang magpasalamat… nasabi naman niya kanina sa stage.

“Siyempre, ngayon nagiging sentimental siya. And siyempre, mahirap na humarap sa inyo.

“As much as she wanna say thank you, siyempre we didn’t expect this outpouring of love again, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, iisipin mo, ‘Ganun pa rin kaya?’

“Pero hindi nawawala yung pagmamahal ninyong lahat para kay Tito Dolphy kaya maraming-maraming salamat.”

Mukha namang okey na si Zsa Zsa. Kung titingnan nga ang kilos, lakad, at hitsura nito ngayon ay parang hindi ito dumaan sa magkakasunod na malalaking pagsubok sa buhay.

Una ay ang pagyao ng kanyang “lovey” na si Dolphy noong July 10.

Ikalawa, ang operasyon nito sa kidney na isinagawa sa Amerika noong Agosto.

“Maaliwalas,” deskripsyon ni Karylle sa ina.

“Siguro, kahit paano, nakatulong yung pagpunta niya sa Amerika. I mean, siyempre it was for a check-up and for surgery.

“Pero more than that, it was a nice escape.

“She was there with Zia siguro for a month.

“Ako, nakapunta ako dun for a month and it was a breath of fresh air, being able to walk around, nagpapasyal-pasyal... minsan nasa Sta. Monica Boulevard.

"Alam mo yung… naglalakad-lakad. Dito nga, naglalakad-lakad na siya pero treadmill lang.

"Pero sabi ko, ‘Iba pa rin yung fresh air, picture-picture ka.’

“Saka ano siya, e, sobrang palaban. Hindi nagpapatalo na may sakit siya.

“Talagang nagpapasikat na magaling na siyang maglakad.

“Minsan niloloko siya, ‘Mama, picture ka diyan, ang ganda ng upuan diyan, o.’ Pero hindi niya napapansin."

Saan kinukuha ni Karylle ang lakas, katatagan, at tibay ng loob para alalayan ang kanyang ina?

“Ako kasi, pag ganun, naniniwala ako sa grace of God.

“Kasi pag hindi mo ma-explain yung lakas ng isang tao, you can only get it from God.

“Siyempre, napakadaming prayers.

“Alam n’yo, kahit sa ospital, napakadaming Filipino nurses… siyempre kinakabahan kami sa waiting room, pero binibigyan kami ng bulaklak, ng prayer book or kung anu-ano.

“It’s really comforting that kahit saang sulok ka ng mundo, may mga taong sini-share nila yung pagmamahal through prayers.”



BACK TO WORK. Napag-usapan na ba nila ng kanyang mommy kung kailan ito babalik sa trabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think next week babalik na siya. She’s excited to go back to work… sa ASAP ‘yan," pagbabalita ni Karylle.

Pero wala munang masyadong movement?

“Ay, oo, wala munang patakbo-takbo. Very relax lang.

“Nakikita ninyo siya ngayon, she’s strong enough to be here.

“Mabuti na lang at na-move para maging kumpleto sila,” sabi ni Karylle tungkol sa schedule ng tribute show para sa Comedy King.

May mga bawal ba kay Zsa Zsa? Yung mga dapat at hindi niya dapat gawin para sa tuluyan niyang recovery?

“Ang alam ko lang, nai-stress siya on days like these.

“Kasi kanina, iyak siya nang iyak nung narinig niya yung ‘Send in the Clowns.’

“So, of course, bumabalik pa rin yung mga alaala na nakakalungkot.

“Siyempre, miss na miss niya si Tito Dolphy.

"And I think, nung fortieth day din, she was also feeling a bit physical din… and kahapon rin.

“I think it has something to do with… yung subconsciously, nalulungkot siya.”

Wala bang takot na baka mabinat si Zsa Zsa?

“Hindi naman. Anak siya ng boksingero!” natawang sabi ni Karylle bilang pagtukoy sa lolo niyang si Carlos Padilla, na dating international boxer at boxing referee.

Talaga bang may go-signal mula sa doctor na puwede nang bumalik sa trabaho ang mommy niya?

“The doctor said one month,” mabilis na sagot ni Karylle.

Kailan babalik ang mommy niya sa States for check-up?

“Next year na.”

Matapos ang surgery, kinukunsidera rin ba ng mommy niya na sumailalim sa stem-cell treatment?

“Uhm... hindi ko alam kung matutuloy, but it’s something that she’s studying and trying to learn about it.”



SISTERS. Kinumusta rin ng PEP kay Karylle ang half-sister niyang si Zia.

“Si Zia?” nag-alinlangang tugon ni Karylle at saka lumingon sa kapatid, sabay sabing bumati ito sa press na siya namang ginawa ni Zia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy na pahayag ni Karylle, “Si Zia yung nakita ko talaga na kahit ako nung nagkakaroon ako ng mga… alam mo yun, yung mga little issues, drama…

"Ang galing-galing niya. Kasi siya yung nagte-take time para mag-explain.

“Sabi ko, ‘Etong ale na ito talaga, parang… old soul kasi siya, e. You can hear to the sound of her voice.

“Kanina nga, di ba, nung kumanta siya ng ‘Smile,’ hindi mo maintindihan kung saan niya hinuhugot yung soul na yun.

“And the same thing when she explained to me about our family issue or whatever… Ay, naku, parang ate ko siya!”

Sa September 23 ang birthday ni Zia at balita ni Karylle, merong ihahandang celebration ang ASAP 2012 para sa kapatid.

“Yes, it’s gonna be her birthday celebration at ASAP this Sunday [September 23]. Kaya lang, wala ako kasi nasa Singapore ako.

“And she’s gonna be launching her new single. So, hopefully, another hit song yun from her album.”

Nabanggit na rin lang ni Karylle ang kanyang Singapore trip, ito ba ay may kinalaman sa panibagong acting project na gagawin niya roon?

Kasama rin ba dito ulit si Christian Bautista at iba pang Singapore-based actors na nakasama nila sa Pan-Asian series na The Kitchen Musical?

Pero tumangging magbigay ng mas malinaw na detalye si Karylle tungkol sa pagbabalik niya sa Singapore.

“Basta, it’s for exciting new project… very, very soon.”



PART OF THE QUIZON FAMILY. Habang kumakanta sina Eric, Ronnie, Vandolph, Boy 2, Epy, Dolphy Jr., at Sahlee Quizon ng “We Are Family” sa finale ng musical tribute, tinawag ni Eric si Karylle sa stage para sumama sa inang si Zsa Zsa at kapatid na si Zia.

Si Karylle ay anak ni Zsa Zsa sa dati nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari, samantalang si Zia ay anak ng Divine Diva kay Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naramdaman ni Karylle nang makasama niya sa stage ang mga anak ni Dolphy?

“Alam mo, dapat kasi today, wala na ako dito. Kasi dapat nasa Singapore na ako.

“Hindi ako sure na makakapunta ako.

“But Kuya Kaizz, Eric, said that, ‘May mangyari man na hindi ka nakalipad, punta ka, please.’

“And hindi lang ako nakapag-practice, pero dapat kasama ako doon [sa number].

“And the fact that he [Eric] always says na kapatid niya ako, hindi ko ma-explain yung tuwa na nararamdaman ko,” nakangiting sabi ni Karylle.

Ano naman ang nararamdaman niya sa pagsasama-sama ng ABS-CBN, TV5, at GMA-7 para magbigay-pugay kay Mang Dolphy?

“Ay, maganda, dapat ganito palagi!” bulalas niya.

“Ang mga kalaban natin, mga Maroon 5… pero kayang-kayang punuin ng Arena…

“Dapat sama-sama, tulong-tulong mapa-concert, mapa-pelikula, mapa-album. Sana wala nang…”



SEXY KARYLLE. Nagpasalamat naman si Karylle sa mga pumuri sa kanyang pagrampa sa Bench Universe noong nakaraang linggo.

Pinaghandaan niya ba talaga iyon?

“I actually started my diet December of last year.

“But it was a slow, steady diet. I don’t wanna do any crash diet kasi nagugutom ako.

“Like, siguro one month before the show, I was always craving for ice cream and I don’t have sweet tooth.

“So, it was a very slow change in my diet.

“I made my breakfast healthier. Tapos I did a lot of workout.

“Especially in L.A. kasi healthy naman sila doon, lahat ng pagkain may calorie sa States, di ba?

“So, madaming salad, so behave.”

Ikinutuwa rin ni Karylle na marami ang bumilib sa kanyang kaseksihan.

“Natutuwa siyempre kasi it’s not a side of me that I show a lot. Maybe once in two years.

“Pero pinaghahandaan ko.

“And I find naman that it’s got to do with fashion and it’s being part of the Bench brand… twenty-five years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, I’m very proud to be part of this Filipino global brand,” sabi niya.

Itutuluy-tuloy na ba niya ang pagdidiyeta?

“Oo naman, pero hindi naman yung starvation. Parang Hunger Games naman ‘yan!” nakangiti niyang sabi.

Wala ba siyang planong ipakita rin sa isang men’s magazine, gaya ng FHM, ang kaseksihan niya?

“Hindi, e,” mabilis niyang sagot.

“Sapat na yung nakita na nila yung sa Bench Universe. Di ba, parang minsan magulat-gulat naman sila, padaplis-daplis lang?”

Ano naman ang sabi ng mommy niya tungkol dito?

“Nanood sila,” banggit ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN