Eula Valdes answers comment that her character in Walang Hanggan has no impact

Eula Valdes on her role in the musical Nine: “Ano ba? Wala na si Amor Powers, hindi siya si Amor Powers! Hindi mataray yung role —diva siya pero iba. Lahat ng women na nandito, nagkaraoon ng relationship sa bida.”


Balik sa teatro ang magaling na aktres na si Eula Valdes via the musical play Nine.

Ang Nine ay base sa semi-autobiographical film ng Italian director na si Federico Fellini na 8 1/2. Naka-focus ang kuwento sa isang direktor na magdiriwang ng kanyang 40th birthday at humaharap sa midlife crisis, na nagiging sagabal sa kanyang paglikha ng mga ideya.

Isinapelikula na rin ito noong 2009 at tinampukan ng Oscar-winners na sina Daniel Day-Lewis, Nicole Kidman, Marion Cotillard, Penelope Cruz, Judi Dench, Kate Hudson, at Sophia Loren.

Makakasama ni Eula sa Philippine adaptation ng Nine sina Cherie Gil, Sitti, Ima Castro, Menchu Lauchengco, at Jett Pangan.

Magsisimula ang Nine sa September 21 sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza, Makati.

EULA RETURNS TO STAGE. Hindi na bago kay Eula ang gumawa ng musical plays.

A few years back ay gumanap siyang bida sa stage version ng Zsazsa Zaturnnah, na hango sa isang bida sa komiks na ginawa ng comics illustrator na si Carlo Vergara noong 2002.

Dito naman sa Nine, kahit daw in-offer na sa kanya ang role ay mas pinili ni Eula na mag-audition pa rin.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres noong isang linggo, ikuwento nito ang kanyang role sa Tony award-winning musical na ito.

“Na-tap ako to play Claudia Jenssen here, actually I auditioned for the role.

“They offered it to me pero kailangan nila malaman kung abot ko yung nasa range ko yung kanta.

“Because yung sa movie kasi, yung role ni Nicole Kidman na si Claudia, ay mababa yung song niya.

“Pero ito, hindi nila puwedeng i-alter yung sa Broadway na version, so medyo mataas.

“Nung nag-audition ako, nakatalikod ako.

"Unang-una, I got the study CD the night before ng audition.

“And I’ve decided na mag-audition ako right away para tapos na, hindi ko makuha o hindi, hindi ko na patatagalin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



AMOR POWERS. Kapansin-pansin sa poster ng Nine musical na "very Amor Powers" ang peg ng litrato ni Eula.

Si Amor Powers ang classic role ni Eula sa Jericho Rosales-Kristine Hermosa starrer na Pangako Sa ‘Yo noon sa ABS-CBN.

Ano ang masasabi niya rito?

Natatawang sagot ni Eula, “Ano ba? Wala na si Amor Powers, hindi siya si Amor Powers!

“Hindi mataray yung role [sa Nine]—diva siya pero iba.

"Lahat ng women na nandito, nagkaraoon ng relationship sa bida.

“Alam mo, kanya-kanya silang parte ng buhay ni Guido Contini.”

Si Guido Contini ay ang bidang karakter na bibigyang katauhan ni Jett Pangan.

Daring ba siya rito?

Tugon ni Eula, “Not so daring… daring na kumanta—yun ang pinaka-daring.

“Maganda ‘to and I’m really happy na part ako ng production na ito.

"Kasi maganda siya, magandang show, I’m sure mae-enjoy ninyo.”



WALANG HANGGAN. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Eula sa isyu na hindi raw nakatulong ang pagpasok niya sa primetime series ng ABS-CBN na Walang Hanggan.

Si Eula ang pumalit sa karakter ni Rita Avila bilang Jean Bonifacio/Black Lily.

Saad niya, “Nung in-accept ko yung Walang Hanggan, alam na nila na I’m going to do Nine.

“So after nung Mundo Man Ay Magunaw, wala na ako dapat gagawing soap.

“Kasi dito na ako magko-concentrate sa Nine and ayoko rin ng merong ibang work other than Nine.

“Di ba kasi, bukod sa hectic yung schedule, mapupuyat ka and kakanta ka dito.

“Sino ba magsa-suffer? Ako din.

"So ayokong pahirapan ang sarili ako.

“May one and a half months na pagitan before mag-start ng rehearsals ng Nine, and nasa States ako noon when I got a call from my manager.

“Sabi niya, pinapagawa nga sa akin yung Walang Hanggan.

"Sabi ko, ’Alam ba nila yung meron akong musical?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam naman nila and willing naman daw sila mag-adjust.

“Work around the schedule ng rehearsals, so sabi ko, ‘Wow, e di why not?’

“Sabi ko, just see to it na hindi siya mag-o-overlap… yung hindi talaga maapektuhan yung rehearsals.

“Kasi, ayoko na may ibang iisipin kapag may play. Kasi na-experience ko na ‘yan nung seventh run ng Zsazsa Zaturnnah.

“Nasa GMA-7 ako noon, ginagawa ko yung Kamandag, kakalipat ko lang ng 7 nung time na yun.

“And then they decided na gawin ulit o ituloy yung The Wedding.

“Siyempre, para walang bad blood, nag-agree ako to finish it, to do it, yung The Wedding.

“At the same time, pag weekends, may play ng ano… may show kami ng Zsazsa, so lagare ako both networks.

“Tapos may kanta yun, tapos iniisip ko, ‘Naku, mamaya may show ako, tapos hindi pa tapos yung taping... paano kung mawawalan ako ng boses?

"So ayoko nang ma-experience yun ever. Gusto ko lang naka-focus ako sa Nine.”



NO EFFECT. Inulit ng PEP kay Eula kung ano ang masasabi niya sa mga nang-iintrigang hindi nakatulong sa rating ang pagpasok niya sa Walang Hanggan.

Sagot niya, “Ang masasabi ko, ginawa ko lang yung makakaya ko. A... may mga positive reviews din naman kahit papano.

“Pangalawa ka pa lang sa narinig kong negatibo, kasi ini-expect nilang maging kontrabida.

“Unang-una, kung nanonood sila, kung naumpisahan nila yung Walang Hanggan, itinuloy ko lang yung karakter ni Rita Avila…

“Na hindi naman siya kontrabida—martyr siya.

"Ang pinaka-flaw lang siguro sa karakter niya ay sobra siyang in love, di ba? So yun.”

Ang role na ginampanan ni Rita ay bilang asawa ni Richard Gomez na aksidenteng "namatay" sa isang plane crash.

Nagbalik ang character na namatay sa ibang katauhan naman—si Black Lily—na ginampanan nga ni Eula.

Paliwanag pa ni Eula, “So hindi naman antimano na kapag bumalik ka... di ba gusto nila kontrabida?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ba sila marunong umintindi na overnight, na kahit na magpabago ka ng mukha, it doesn’t follow na magbago ka ng ugali.

“Yung karakter ko, bumalik siya not for revenge, but to seek justice… sana maintindihan nila na iyon yun.

“Hindi naman porke’t nakita nilang may magbabalik or whatever, gusto nilang sampalan nang sampalan.

“Ano ba, di sila na lang ang magsampalan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN