JC Tiuseco feels awkward doing love scene with Megan Young, rumored girlfriend of his friend Mikael Daez

Dalawang pelikula ang pinagkakaabalahan ngayon ng Kapuso hunk na si JC Tiuseco: ang romantic-comedy na Ride To Love at ang horror-suspense na Shake Rattle & Roll 14. Pero kung mabibigyan ng panibagong TV show, gusto raw ni JC na may kinalaman ito sa extreme sports.


Habang wala pang bagong TV show ang Kapuso hunk na si JC Tiuseco, dalawang pelikula muna ang kanyang tinatapos ngayon.

Parehong sa Regal Entertainment ang pelikulang ginagawa ni JC: ang romantic-drama na Ride To Love at ang horror-suspense film na Shake Rattle & Roll 14, na official entry sa Metro Manila Film Festival 2012.

Masaya si JC sa mga role na ibinigay sa kanya sa dalawang pelikula.

First time din kasi niyang makatrabaho ang mga direktor nitong sina Adolf Alix Jr. (Ride To Love) at Chito Roño (SRR 14).

RIDE TO LOVE. Sabi ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Isang movie pa lang talaga kasi ang nagawa ko. Iyon yung Mamarazzi noong 2010 pa.

“Kaya excited ako na makatrabaho ang mga directors ko ngayon.

“Like si Direk Adolf, nakatrabaho na siya nina Daniel [Matsunaga], Fabio [Ide], at Akihiro [Sato] before.

“Okey si Direk, kasi light romance-drama na may konting comedy itong ginagawa naming Ride To Love.


“Para siya yung Hollywood movie na Valentine’s Day at New Year’s Eve. Marami kaming nasa cast dito at iba-iba ang mga kuwento namin.”

Kasama ni JC sa Ride To Love sina Eddie Garcia, Boots Anson-Roa, Iza Calzado, Tom Rodriguez, Rufa Mae Quinto, Fabio Ide, Ervic Vijandre, Angel Aquino, Jillian Ward, Benjamin Alves, Megan Young, Eula Caballero, at Ivan Dorschner.

LOVE SCENE WITH MEGAN. Kapareha ni JC sa pelikula ang Kapamilya actress na si Megan Young at gumaganap sila rito bilang young live-in couple.

May love scene daw sila ni Megan dito na first time nilang gagawin sa pelikula.

Kuwento ni JC, “Pareho kaming first time sa ganung scene.

"Noong sabihin sa amin ni Direk Adolf na may love scene, nagtinginan lang kami ni Megan at nagtawanan kami.

“In-explain naman ni Direk na ang roles namin ay live-in partners kami kaya dapat hindi halatang hindi kami sanay sa love scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka isang love scene lang naman daw ’yon kaya galingan na raw namin!”

Naka-take two sina JC at Megan sa naturang eksena.

Noong una raw ay halatang kabado sila. Pero noong magkausap na raw nang maayos ang dalawa ay nakuha na nila ang gusto ng kanilang direktor.

“Ayaw na naming paabutin ng take three!” tawa ni JC.

“Nakakahiya na kasi kay Megan kaya nag-usap na kami na gawin na namin ang gusto ni Direk para tapos na agad.

“Kaya noong mag-action na si Direk, todo-bigay na kami. Natuwa naman si Direk kaya hindi na siya nag-take pa ulit.”

Inamin ni JC na medyo nag-alangan siya sa eksena nilang ito ni Megan dahil alam niyang na-link noon ang young actress sa kaibigan niyang si Mikael Daez.

Sabi ni JC, “Pero pareho naman silang nag-deny na nagkaroon sila ng relasyon, di ba?

“But still, naging careful pa rin ako with Megan. Pagiging gentleman ko na rin iyon sa kanya.

“Ayokong may masabi siyang hindi maganda sa pinagsamahan naming pelikula.”

SRR 14. Sa Shake Rattle & Roll 14 ay nasa episode na “Lost Commando” si JC; kasama niya rito sina Dennis Trillo, Alex Castro, at Paulo Avelino.

Ang kuwento nito ay tungkol sa mga sundalo na nakasagupa ng isang grupo ng mga sundalong zombie.

Saad ni JC, “Ibang-iba naman itong movie with Direk Chito.

“Nabasa ko na ang script at maganda ang kuwento. Nakakatakot talaga siya.

“Hindi pa naman kami nagsu-shooting kasi inuuna pa ni Direk Chito ang dalawa pang episodes ng SSR 14 trilogy.

"Mukhang madugo itong episode namin kasi maraming big scenes.

“Excited na rin ako to work with Direk Chito kasi marami akong naririnig na magagandang kuwento about him bilang director.

“Magaling siyang gumawa ng horror movies, di ba? Kaya maipagmamalaki ko na naidirek na niya ako.”

NEXT SHOW. Ang huling show ni JC sa GMA-7 ay ang telefantasya na My Daddy Dearest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw niyang gumawa ng TV show na may extreme sports, tulad ng dati niyang show sa QTV 11 na X-Life.

“Kung mabibigyan tayo ulit ng pagkakataon, gusto ko ganung mga shows.

“Sportsman kasi ako at interes ko talaga ang mga extreme sports.

“Kaya enjoy ako noong ginagawa ko before ang X-Life at may segment din ako before sa Unang Hirit na tungkol din sa sports.

“Kaya kung magkakaroon ulit ako ng show, sana may involvement sa sports.”

Pero kung bibigyan daw siya ng teleserye, okey lang din dahil madadagdagan na naman ang nalalaman niya sa pag-arte.

Saad ni JC, “Okey din naman ang drama, lalo na kapag kontrabida ang role.

“Gustung-gusto ko yung role ko noon sa Sisid. Talagang nagtiyaga si Direk Ricky [Davao] na turuan ako ng tamang pag-develop ng character ko doon.

“Ganun din sa Kokak. Maganda ang naging role ko.

“Yun naman ang gusto ko, yung natsa-challenge ako sa mga roles na ibinibigay nila sa akin,” saad ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN