Batangas Governor Vilma Santos-Recto receives Presidential Lingkod Bayan award

Nilinaw ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na wala siyang balak na tumakbo bilang kongresista o senador sa susunod na eleksyon. Aniya, “I still want to run as Batangas governor so I can make sure that my programs will be pursued until my third and last term.”


Pinarangalan si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ng Presidential Lingkod Bayan award.

Isa ang actress-politician sa mga napiling indibidwal ng Civil Service Commission (CSC) na tumanggap ng nasabing parangal ngayong taon.

Ang parangal ay iginawad kay Governor Vi mismo ni President Benigno “Noynoy” Aquino III sa Rizal Hall ng Malacañang Palace, kahapon, Setyembre 20.

Sabi ni Governor Vi sa kanyang speech matapos tanggapin ang parangal, “Hindi ko po ito kayang mag-isa.

“Lahat ng Batangueno, atin po ang karangalang ito, at maraming-maraming salamat po sa suporta.”

Ayon naman sa artikulo ni Bayani San Diego na lumabas sa isang daily broadsheet, sinabi ni ate Vi na “teamwork” ang sikreto ng mga taga-Batangas para sa matagumpay na implementasyon ng kanyang mga proyekto.

Kasama ni Governor Vi na tumanggap ng parangal ang kanyang asawa na si Senator Ralph Recto at mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Sabi pa ng Star For All Seasons, nagsilbing inspirasyon niya ang kanyang pamilya, na sumuporta sa kanya gaano man kahirap ang mga gawain bilang gobernadora.

Ginawaran din ng Presidential Lingkod Bayan posthumous award ang yumaong Department of Interior and Local Government Secretary na si Jessie Robredo.



PUBLIC SERVICE. Tuwang-tuwa si Governor Vi sa natanggap na parangal dahil ito raw ang kanyang “first national recognition” bilang pulitiko.

Kinilala raw ng parangal na ito ang kanyang “public service” para sa lalawigan ng Batangas.

Dagdag pa niya, iba ito sa mga parangal na natanggap niya noon, dahil ito ang kauna-unahang “national” recognition na natanggap niya bilang isang pulitiko.

Sa palagay ni Governor Vi, ang proyekto niya sa kalusugan ang napansin kaya siya binigyan ng parangal.

Ang mga proyektong ito raw ang nakatulong upang mapaganda ang mga kagamitan, pasilidad, at kakayahan ng mga manggagawa sa kanilang mga provincial hospitals.



RUNNING FOR RE-ELECTION. Bukod sa medalya at plake, gagantimpalaan din ng 200,000 pesos cash prize at promotion ang mga nakatanggap ng Presidential Lingkod Bayan award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinakamataas na posisyon sa Batangas ay ang pagiging gobernador, na siyang hinahawakan ngayon ni Ate Vi.

Kaya ayon sa actress turned politician, tinanong ng CSC kung may balak siyang tumakbo para sa mas mataas na puwesto sa gobyerno.

Sinabi naman niya sa kanila na wala siyang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Muli raw siyang tatakbo para sa ikatlong termino niya sa pagka-gobernadora ng Batangas.

Gusto niya kasing masiguro na maisasakaturapan ang mga nasimulan niyang programa.

Nais di niya na katulad noong mayor pa siya ng Lipa, Batangas, matapos niya ang tatlong terminong pinapayagan ng batas para sa isang local official.

Kaya naman imbes na “promotion,” dadagdagan na lamang ang kanyang suweldong matatanggap.

Mula sa salary grade o suweldo ng isang gobernador, ang makukuha niyang suweldo ay katulad na rin nang nakukuha ng isang kongresista.

Isang magandang paraan daw ito upang mahikayat ang ibang pulitiko na gawin ang kanilang mga trabaho sa nasasakupang lugar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN