Xian Lim on real score with Kim Chiu: "Wala naman kailangang isikreto. If there is something to say, aaminin naman."

Hindi ba nahirapan si Xian Lim na kumbinsihin uli si Kim Chiu na buksan muli ang puso sa tawag ng pag-ibig?: “Yun nga ang sinabi ko before, lagi kaming nandiyan para sa isa’t isa. Nandiyan kami para tumulong and support one another. Hindi naman ako nahirapan. As long as ipinapakita ko na mabuti akong tao, it will always show that your intention is good.”


Sa ASAP 2012 noong nakaraang linggo ay binigyan ng parangal si Xian Lim dahil umabot na sa Gold ang kanyang first album na So It’s You.

Inamin noon ng Kapamilya young actor na pangarap niya talaga ang maging isang mang-aawit. Pero sa tinatamasa niya ngayong tagumpay, patunay na hindi lang siya tanggap bilang isang aktor kundi bilang isa ring singer.

Tuwang-tuwa si Xian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) at Cinema News sa ASAP 2012.

Saad niya, “Nakaka-happy kasi alam ko na sinuportahan ako ng mga fans, na talagang kahit sa Twitter at mga mall shows ko, nandun sila in any way they can.

“Naririnig ko lang ito dati, napapanood ko lang ito sa TV.

“Nung binigyan nila ako ng chance to have an album, ginawa ko at siyempre hoping ako na maging platinum din siya.

“To be awarded is good, ibig sabihin na-appreciate nila yung ginawa at maraming sumuporta.”

Tinanong ng PEP si Xian kung may second album nang hinahanda ang Star Records para sa kanya, lalo’t kainitan ng pagtanggap ng kanyang unang album.

Sagot niya, “Yes, may plano. I’m writing a lot of songs right now para mas may maibigay pa ako sa kanila.”

Bilang isa sa pinakamainit na young actors ngayon, may bentahe bang magkaroon ng iba pang talent tulad sa pagkanta?

“Oo naman, sana ang tingin nila sa akin, mas versatile, mas marami akong puwedeng ipakita, mas marami akong puwedeng i-share.”



TOGETHER AGAIN. Ayon din kay Xian, malapit nang mapanood ang muling tambalan nila ni Kim sa seryeng Ina Kapatid Anak.

Aminado siya na may pressure sa parte niya, lalo’t mainit na tinanggap ng tao ang tambalan nila sa My Binondo Girl.

“Sana, yung mga taong sumuporta sa My Binondo Girl, sa Reunion, suportahan din nila ang Ina Kapatid Anak.

“May pressure knowing na sobrang sinuportahan ang My Binondo Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This time around, kailangang magpakita ng something na hindi ko napapakita, and siyempre nandun din yung excitement.”

Sa simula pa lang ay bukas na si Xian sa pagsasabing "special" sa kanya ang kapareha na lagi naman niyang ipaparamdam kay Kim.

Kinumusta namin si Xian tungkol sa relasyon nila ngayon ni Kim at kung tuloy pa rin ba ang panliligaw niya sa young actress.

“Okay naman," sambit niya.

"Nakakatuwa nga kanina, nung in-award-an ako, pagkatapos pa yung prod number namin, so nandun siya, nanood.

“Nakakatuwa din kasi parati kaming nagkikita dahil sa taping ng Ina Kapatid Anak."

Dagdag niya, “Okay kami ni Kim, basta ipinaparamdam ko sa kanya na special siyang tao all the time.

“Ngayon, wala kasing time, busy sila sa movie, same with me.

“Ever since na matapos yung Binondo Girl, busy na kami, hindi nagtutugma yung sked.

"Pero if there is time, puwede naman.”

Marami ang nakapansin sa sobrang closeness at sweetness nina Xian at Kim sa nakaraang Star Magic Ball.

Tumindi tuloy ang espekulasyon na may relasyon na raw ang dalawa pero ayaw lang nilang aminin.

Pero sabi ni Xian tungkol dito, “Let people think what what they want to think, iyon lang yun. ’Wag sana nilang pangunahan.

“Kung ano ang nakikita nila, sila na ang bahala. Everyone is entitled to his own opinion.

“Basta nandiyan kami para sa isa’t isa, ‘yan yung promise namin sa isa’t isa.”



LIMITED RESPONSE. Napansin ng PEP na medyo matipid ang sagot ni Xian kapag si Kim ang tinatanong sa kanya.

Nangangahulugan kaya na gusto niyang maging pribado ang relasyon nila kung sila na nga talaga?

Sabi ni Xian, “Wala naman kailangang isikreto. If there is something to say, aaminin naman.

“Wala naman kasing sikreto, hindi naman kailangang isikreto. Wala naman kailangang itago.”

Hindi itinago ni Kim noon na nasaktan talaga siya sa kinauwian ng relasyon nila ni Gerald Anderson. Matatandaang dumating sa puntong naging sobrang ingat na si Kim sa susunod na taong kanyang mamahalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Consistent naman si Kim sa pagsasabing isa si Xian sa nagpapangiti ngayon sa kanya.

Hindi ba nahirapan si Xian na kumbinsihin uli si Kim na buksan muli ang puso sa tawag ng pag-ibig?

“Yun nga ang sinabi ko before, lagi kaming nandiyan para sa isa’t isa. Nandiyan kami para tumulong and support one another.

“Hindi naman ako nahirapan. As long as ipinapakita ko na mabuti akong tao, it will always show that your intention is good,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN