Marco Alcaraz gives update on wife Lara Quigaman’s pregnancy

Ayon sa daddy-to-be na si Marco Alcaraz, excited na sila ng asawang si Lara Quigaman sa pagdating ng anak na si Noah. Ngayon pa lang ay naka-set up na raw ang crib at ilang gamit ng bata sa kanilang kuwarto kung saan magko-co-sleeping silang tatlo.


Napagkuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal), TV5 crew, at ni Marco Alcaraz kagabi, Setyembre 20, sa launch ng Levi’s Go Forth campaign sa Whitespace, Makati, ang excitement ng aktor sa pagiging daddy sa dalawang “baby.”

Una, sa baby boy na ipinagbubuntis ng asawang si Lara Quigaman; at ikalawa, sa itinatayo nilang French-Asian cuisine restaurant business.

LARA’S PREGANCY. Ayon kay Marco, bagamat excited siyang maging daddy sa baby boy nila ni Lara ay medyo kinakabahan pa rin siya.

“Kinakabahan na nga ako kasi magiging ano na ako, e, ‘Marco, ang batang ama!’” natatawang biro ng aktor.

Magwa-walong buwan na nga ang bata sa sinapupunan ni Lara ngayon, at ayon kay Marco, “Pag natutulog, uncomfortable na ng konti kasi sumisipa na iyong baby.

“So, kaming dalawa, excited. Excited na siya saka excited na rin ako.”

Ngayon pa lang ay halos handa na raw ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang baby, na papangalanan nilang Noah.

“Actually, nakabili na kami ng crib kasi gusto ng mom ko ng crib. Nag-aaway sila kung playpen ba o crib ang gusto nila.

“Ayun, marami nang nagbibigay na relatives from the States ng mga baby… ano, baby shirts, mga shoes…

“Tapos, ano, nakakatuwa kasi pag nagpo-post kami sa Instagram ng mga baby shirts and shoes, ayun, maraming nagpapadala.

“Ayun, hindi pa nga lumalabas, marami na siyang mga gamit,” kuwento ni Marco.

Nakapuwesto na raw sa kuwarto nila ang crib ng bata. Gusto raw kasi ni Lara na mag-co-sleeping sila, kung saan katabi ng mag-asawa sa pagtulog ang baby.

“Actually, a couple of months na nga iyong crib doon. Sabi ko nga, ‘Ang aga-aga naman niyan.’

“Parang nakalatag na lahat, nakaayos na, naka-set up, so iyon, sobrang excited na siya.

“Pero ngayon lang, medyo nade-depress ng konti kasi tumataba ng konti.

"So, sabi nga niya, ‘It’s part of pregnancy… hormones.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang balak gawin ni Lara matapos manganak? Magbi-break muna ba siya o magbabalik din agad sa kanyang trabaho sa showbiz?

“Alam mo, hanggang ngayon nga ano pa nga, e, nagwo-work pa rin siya—once a week taping.

“May tinatapos lang na soap, so once a week taping. May cut-off naman, so masaya siya.

“Pag siguro after, pag panganak, a couple of months pag naka-lose ng weight ulit, saka siya mag-aartista.

“And alam naman natin na magaling din si Lara,” paniguro ni Marco na hindi tuluyang lilisanin ng asawa ang showbiz matapos magka-baby.

RESTAURANT IN ALABANG. Samantala, naghahanda rin ngayon ang mag-asawa sa nalalapit na pagbubukas ng restaurant business nila sa Alabang, kung saan kasosyo nila ang ilang kaibigan.

Kabilang sa kanilang business group si Niña Almoro, ang kapatid ng modelo at ex-wife ni Willie Revillame na si Liz Almoro.

“Chef talaga siya, nag-aral sa Le Cordon Bleu sa Paris,” wika ni Marco.

Magse-serve ng kakaibang French-Asian fusion dishes ang Kuisine, pangalan ng restaurant na ipinatatayo nila sa may Molito strip.

Marami ring restaurants sa lugar na iyon, kaya aminado si Marco na medyo kinakabahan sila sa magiging estado ng negosyo nila.

“Well, actually konti, konti. Part of it [having a business] naman.

“Pero, kaya nga mas ginagalingan namin para healthy competition naman doon, para tulungan lang kami na umasenso iyong place doon sa Molito.”

Sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre ay inaasahang magbubukas na ang naturang kainan.

“Soft opening pa lang, then ang grand opening sa October.”

Dagdag pa ni Marco, malaking tulong ang short course sa culinary arts na kinuha nila ni Lara noong nakaraang taon.

“Well, parang preparation din nga, kasi may mga friends kami na chef.

“So, siyempre, pag may negosyo ka, gusto mo rin na hindi ka maloko kahit papaano. At the same time, nakaka-contribute ka rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi naman kami masyadong marunong—as in sobrang galing magluto—pero iyong kahit papaano, may alam ka.

"Hindi ka maloloko ng mga chefs and mga waiters mo.”

Pangarap din ba ni Marco na maging successful sa larangan ng restaurant business gaya ng actor-restaurateur na si Marvin Agustin?

“Well, siguro lahat naman ng mga negosyante gusto naman na, you know, lumaki iyong… lumago iyong negosyo nila.

“So, one step at a time lang, so hopefully, pinagpe-pray namin na maayos na lahat at maging successful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN