Enzo Pineda says relationship with rumored girlfriend Louise delos Reyes is not affected by Louise-Alden loveteam

Enzo Pineda advises Alden Richards about career moves: “Just take your time, focus ka. Huwag kang magpapadala sa emotion mo. Feel the vibes. Feel the moment. Don’t waste any second. Sayang naman kung mamadaliin mo, di ba?”


Hindi maitago ng Kapuso star na si Enzo Pineda ang kasiyahan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng World Trade Center pagkatapos niyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash 2012 noong September 18.

Sabi ni Enzo, “Sobrang saya! It’s better than last year or even way better.

“I’m just so happy that Cosmo and GMA Artist Center gave me this prod number para maipakita ko yung skills in dancing and at the same time, ipakita yung sexy side ko.

“I’m just so happy I pulled it off.

"I’m so happy that the Cosmo girls, okay ang reaksiyon nila sa akin.

“It’s way better than last year and I’m so thankful… worth it ang lahat ng efforts ko rito.

“Na-appreciate ko ang mga reaksiyon sa akin.

Dagdag niya, "Para sa akin, focus lang talaga.

“Sa mga ganito, you have to keep your focus. Keep your attitude.

“Makikita ng mga tao na you really want this at maa-appreciate nila kung ano ang ginagawa mo sa stage.”



SAME ROUTINE. Itinuluy-tuloy lang daw ni Enzo kung ano ang ginawa niya noong isang taon.

“So, healthy living lang... gym.

“I’m also part of the Bench Body so I have this responsibility to always look good.

"Lifestyle ko na ‘yan and I’m happy sa lifestyle ko.

“I know that okay ang katawan ko, I’m confident.

“Wala akong pagsisisihan when it comes to time na may something sexy or something important akong gagawin.

“At least, confident ako sa sarili ko.”

Ang diet naman daw niya ay less salt, less sugar.

“A little bit of everything, but more on lean meat, seafoods, and of course maraming gulay.”



SPECIAL GUEST. May nanood ba na someone special niya noong Cosmo Bachelor Bash?

“My family is here—my mom, my brother, girlfriend ng brother ko, my friends, my fans," tugon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nandoon ang girlfriend ng brother niya, nasaan naman ang girlfriend niya?

Napangiti si Enzo at saka sinabing, “Special someone, wala.

“Pero nanood siya ng Bench noong first day. Happy ako na sinuportahan niya ako.”

Ang tinutukoy ni Enzo ay ang Kapuso young actress na si Louise delos Reyes.

Bakit hindi siya pinanood at sinuportahan ni Louise sa Cosmo Bachelor Bash?

Paliwanag ni Enzo, “May shooting siya ng Basement.

"Actually, may shooting sana ako but I had to cancel it because of Cosmo. Kaya ang shooting ko, sa Thursday.”

ALDEN RICHARDS. Habang kausap ng PEP si Enzo, nasa likod naman niya si Alden Richards na kinakausap din ng ibang entertainment press.

Si Alden ang ka-loveteam ng rumored girlfriend ni Enzo na si Louise.

Kumusta sila ni Alden?

“Okay kami... same dressing room—usap kami, diet, workout.

“Since we are GMA brothers, we have to help each other para at least, maibigay namin ang best namin…

“At the same time, make our network proud—walang ilangan.”

Sabi pa niya, “It’s my second year so it’s my time to give advices sa mga first timer.”

Nanghihingi ng advice sa kanya si Alden ?

“Yeah, actually me, Rocco [Nacino]...

"Sabi ko naman, ‘Just take your time, focus ka. Huwag kang magpapadala sa emotion mo.

“’Feel the vibes. Feel the moment. Don’t waste any second. Sayang naman kung mamadaliin mo, di ba?’”

Magkaibigan ba sila ni Alden?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

ALDEN-LOUISE LOVETEAM. Tanggap ng mga manonood ang Alden-Louise loveteam sa kanilang primetime series na One True Love. Hindi ba ito nakakaapekto sa anumang relasyon meron sina Enzo at Louise?

Tugon ni Enzo, “No, no… I have my own career, they have their own career.

"I’m happy for them. Work is work... I’m proud of them.

“Ang advice ko lang, keep on going.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman ng artista, basta keep on going, keep pushing your best.”

Hindi ba nagiging isyu sa kanila ni Louise ang loveteam ng young actress kay Alden?

“Hindi. Hindi kami nagkakaroon ng ganyang mga problems. Para sa akin, mature kami sa mga ganyang bagay.”

Binanggit namin kay Enzo ang naging pahayag ng ina ni Louise na ang ka-loveteam na si Alden ang napupusuan niya para sa anak.

Ano ang reaksiyon dito ni Enzo?

Napangiti ang binata at sinabing, “Happy ako kay Mommy Elvie, love na love ko ‘yan, e.

"At sobrang boto siya sa akin. Sa totoo lang, nanood siya ng Bench fashion show para suportahan niya ako.

“Sobrang nakakataba lang ng puso na nandoon ang mommy ni Louise—nandoon siya para suportahan nila ako.

“Bihira lang mangyari yun kahit sa busy schedule, so I’m just so happy.”


NEXT PROJECT. Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Enzo kung ano ang magiging next teleserye niya, pero nagwi-wish daw siya na magkaroon.

“Sana magkaroon ng bagong teleserye. Happy naman ako with Together Forever.

“At yung movie na Basement, focus muna ako doon at proud ako dahil maganda yung role ko sa movie.

“So, more good things to come,” sabi ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN