Part 2. Bela Padilla moves up to lead-star status via Magdalena; willing to work again with Marian Rivera

Bida na ang Kapuso actress na si Bela Padilla sa upcoming afternoon soap na Magdalena. Kuwento niya tungkol dito, "In 2007, someone interviewed me from a different network when I was still in a different network. Tinanong sa akin, ‘Kung magkakaroon ka ng dream project, ano yun?’ Sabi ko, ’Parang maganda yung title na Magdalena.’ And it’s so weird na, now, five years after, I got a show called &


Bida na si Bela Padilla sa upcoming afternoon series ng GMA-7 na Magdalena.

“It’s my first-ever title role sa GMA, so medyo ano… ngayon lang siya talaga nagsi-sink in sa akin nang bonggang-bongga!

“Na parang I’m still shocked na they gave me something like this, this soon.

“I told them, e, na I wanted this show, parang matagal ko nang…

“Parang feeling ko, lahat naman ng artista naghihintay talaga ng moment nila.

“And I was excited when they told me that they’re gonna give me Magdalena.

“Kasi naririnig ko pa lang na gagawin siya before, medyo na-excite na ako.

“Parang sabi ko, sana may audition yun, gusto kong mag–audition,” lahad ni Bela sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dahil alam na niya ang istorya ng Magdalena?

“Hindi. Very intriguing lang yung title,” sagot niya.

“At ang nakakatawa, in 2007, someone interviewed me from a different network when I was still in a different network.

“Tinanong sa akin, ‘Kung magkakaroon ka ng dream project, ano yun?’

“Sabi ko, ’Parang maganda yung title na Magdalena.’

“And it’s so weird na, now, five years after, I got a show called Magdalena!

“So parang it’s meant for me… alam mo yung hindi ko siya in-imagine na it’s possible.

“Kasi tinanong lang ako kung magkakaroon ako ng show, ano ang title na gusto ko.

"E, ’saktong tumutugtog yung ‘Magdalena’ ni Freddie Aguilar sa background.

“So, sabi ko, gusto ko Magdalena, jinoke ko lang, tapos ngayon….”

READY TO BARE. Daring ang role ni Bela sa Magdalena. Handa na ba siya?

“Ready na!” sabay tawa ng young actress.

“Hindi puwedeng hindi, sinabi nila sa akin lahat ng requirements for the show.

“Afternoon prime siya, we’re the third slot after Eat Bulaga! and we’re airing na on October 8.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo may limitations ang pagiging daring ni Bela sa Magdalena dahil afternoon TV series ito.

Sa pelikula ba, kaya na ni Bela na maging mas daring?

“No. I want to stay within the standards of TV first.

“Kasi I feel like my fans are in the range of medyo young pa.

"Based on yung mga taong nagtu-tweet sa akin and yung mga lumalapit sa akin na mga tao, medyo young pa din.

“So ayoko muna talaga na mag-all out na sexy.

“And actually, baka never kong gawin kahit sa movie.”

Bakit?

“Hindi ko alam, parang this one’s enough for me,” sabi ni Bela.

Pero nag-FHM pictorial na siya, di ba?

“Yeah, but I wasn’t naked. I was wearing a swimsuit and I did it summer, so parang medyo logical na nag-swimsuit ako kasi summer naman.

“And talaga naman pag nag-swimming ako, naka-swimsuit ako.”

Hanggang ganun lang ang kaya niyang itodo sa pagpapa-sexy?

“Feeling ko ito na yung baka isa sa mga pinakaseksing gagawin ko.

“Yung talagang pag matanda na ako, iisipin ko Magdalena was one of the most daring roles ever or the best role ever.”

DION IGNACIO. Tatlo ang leading men ni Bela sa Magdalena: sina Dion Ignacio, Ryan Eigenmann, at Pancho Magno.

Nag-first taping day na raw sila ni Dion last Tuesday, September 18.

May love scene ba agad sila?

“A, wala pa po, pero magkakaroon po.”

First time niyang maging leading man si Dion at magkakaroon sila ng love scenes. Handa na ba si Bela?

“They [GMA] gave us workshops. In fairness, they prepared us for it.

“But I don’t think you can really prepare yourself completely for one thing kasi situations are different, e.

“So I’m sure when we get to the set, iba yung feeling, ganyan, may nerbiyos pa rin.

“What’s nice is I trust Dion completely. Parang I know he’s not… yung hindi siya nagte-take advantage, gentleman siya, mabait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nag-workshops kami, we had to undergo sensuality workshops para alam mo yun, to feel na the sexiness, I guess.

“And we did the workshops well naman daw, so iyon.”

May chance ba na ang isang tulad niya ay ma-develop kay Dion?

“Oo naman, tingnan ninyo naman yung face niya, napaka-cute ni Dion!” at tumawa si Bela.

“Kahit sinong maging girlfriend nito, suwerte.”

MARIAN RIVERA. Tinanong din namin si Bela kung kumusta na sila ni Marian Rivera na nakaalitan niya noon. Nagkita na ba sila recently?

“Never pa actually.”

May sama pa ba siya ng loob kay Marian?

“No, it never… I never harbored bad feelings, I don’t like it.

“I’m a very optimistic person so ayoko ng naggagaganyan, yung parang naghu-hold ng grudge.

“Kasi ako naman ang maaapektuhan, hindi naman yung taong hino-hold-an ko ng grudge.

“So why will I torture myself with that if I can be happy?”

Hindi pa nagtatagpong muli ang landas nila ni Marian?

“Never pa po.”

Ang huli raw na pagtatagpo nila ay noon pang pinagbati sila ng dating GMA-7 executive na si Wilma Galvante.

“Yes. Pero okay na, two years ago na yun, e.

“I’d like to think I’ve done more things after that, yung parang feeling ko naman may mga napagdaanan na ako sa life ko after that.”

Kung magkakaroon ng project na magkakasama ulit sila ni Marian ay tatanggapin daw ni Bela.

“Yeah! Actually a lot of people ask me that and, yeah, I will kasi a job is a job, you know.

“And I’m a worker here for GMA so whatever they give me, I trust that they know that I can do it.

“I trust that they think that I can do the job.”

Nagkasama sina Bela at Marians a dating primetime series na Endless Love, kunsaan nagsimula rin ang kanilang alitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN