Rayver Cruz says there is no reason to be jealous about girlfriend Cristine Reyes and best friend Gerald Anderson working together

Nagkaroon ng pagkakataon na makapagbakasyon ang magkasintahang sina Rayver Cruz at Rayver Cruz sa Amerika kamakailan. Ayon sa young actor, ang bakasyon nilang ito ay lalong nagpalalim ng samahan nila.


Hindi nakadalo sa 6th Star Magic Ball noong September 1 ang magkasintahang Rayver Cruz at Cristine Reyes dahil nagbakasyon sila sa Amerika.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Raver ang bakasyon nila ni Cristine nang makausap namin ang Kapamilya young actor sa Dolphy Alay Tawa nung Miyerkules, September 19, sa SM MOA Arena.

Kuwento niya, “Masaya, malamig. Nagpunta kami sa San Francisco… Canada.

“Marami kami, grupo. Sumama ako sa grupo nila bilang wala pa naman akong work.

“At least, habang wala pang work, e… Next-next week, mag-i-start na rin ako magtrabaho, very soon mag-i-start na rin akong maging busy.

“Part ako ng isang indie film, ipe-present pa lang sa akin yung story pero alam ko kailangan na siyang simulan.

“Siya [Cristine] rin, malapit na rin.

“Nag-decide kami na magbakasyon bago kami magtrabaho so, yun, itinuloy naming yung plano.”

Sang-ayon si Rayver na ang ganitong mga activities ay lalong nagpapalalim sa samahan ng isang magkarelasyon.

“Oo, in a way, kasi iba rin pag nakakaalis kayo ng ibang bansa, nagkakasama kayo.”

Ilang beses na ring nabalita na nagkahiwalay sina Rayver at Cristine, pero napatunayan ding wala itong katotohanan.

Ayon kay Rayver, mas lalong tumtitibay at lumalalim ang relasyon nila ng kasintahan.

“Wala naman, ganun pa rin. Walang namang sobrang bago, tumitibay lang lalo ang samahan pag matagal-tagal na kayo.”

CRISTINE & GERALD. Sa susunod na soap ni Cristine sa ABS-CBN ay makakatambal niya ang matalik na kaibigan ni Rayver na si Gerald Anderson.

Masaya si Rayver sa pagsasama sa isang proyekto ng kasintahan at kaibigan.

Aniya, “Masaya, kasi bukod sa may show silang dalawa, e, alam naman nating lahat na pinakamalapit kong kaibigan si Gerald, tapos makakatrabaho niya si AA [palayaw ni Cristine].

“Masaya ako para sa kanila and excited ako kasi malamang maganda na naman ‘yan.”

Pero handa na ba siya sa mga balitang lalabas na mag-uugnay kina Cristine at Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, handa ako,” sagot ni Rayver.

“Hindi ko pinapakialaman ang work ni Cristine, hindi naman ako ganun.

“Kahit na ano ang mangyari, happy ako sa takbo ng career niya. Saka si Gerald pa.

“Ang dami-dami nang nakatrabaho ni Cristine. Bago pa naging kami, ganun na ang work niya, so bakit ako magseselos?"

GERALD & SARAH. Naging kontrobersiyal ang paghinto ng panliligaw ni Gerald kay Sarah Geronimo, na sandaling nakarelasyon ni Rayver.

May payo bang ibinigay si Rayver sa kaibigan?

“Ayokong magpayo kasi malaki na si Gerald, alam na niya ang ginagawa niya, e.

“Ang masasabi ko lang, lagi lang akong nandito para sa kanya. Basta text mo lang ako, bro.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN