Hayden Kho re-enters showbiz; "ready" to work in movie projects with Katrina Halili and Maricar Reyes

Sa pagbabalik-showbiz ni Hayden Kho, handa na raw siyang harapin ang mga kontrobersiyang kinasangkutan niya noon. Biro pa niya, “Parang feeling ko, nasa dugo ko yata yung controversy. Kahit anong gawin ko, kakalat!”


Pumirma noong Huwebes, September 20, si Hayden Kho ng kontrata sa Growl Inc., bilang bagong talent ng bagong-tatag ding talent agency nina Roselle Monteverde-Teo, Leo Dominguez, at Girlie Rodis.

Co-managed si Hayden ng Stages ni Carlo Orosa, na present din sa contract signing, kasama si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment.

Posibleng kontrata sa Regal ang susunod na pirmahan ni Hayden, ayon kay Roselle, na inayunan naman ni Mother Lily.



INTENSIVE ACTING WORKSHOP. Ngayon lang daw nakumbinsi si Hayden na mag-concentrate na sa pag-aartista pagkatapos niyang dumaan sa isang intensive acting workshop.

Kuwento ng dating cosmetic surgeon, “There’s this Julia Graduate in Acting ni Annabelle Lim, and then she took me as student, one-on-one, for several weeks siguro.

“Nung time na yun, ang buong process, tinitingnan ko kung saan ako babagay, kung anong roles ako magpi-fit.

“Yung mga weakness ko and yung mga strength, and then work on the strength and, of course, yung mga weakness din.”


FACING CONTROVERSIES. Dahil nasa showbiz na siya, nakahanda na rin daw si Hayden na harapin ang mga kontrobersiyang pinagdaanan niya.

Pero nilinaw nitong puwede naman niyang ihiwalay ang pagiging aktor sa mga personal na isyu.

“Parang feeling ko, nasa dugo ko yata yung controversy. Kahit anong gawin ko, kakalat!” natatawa niyang sabi.

“Ang napapansin ko ngayon… kasi especially in showbiz here in the Philippines, nagiging kasama na yung personal life saka yung trabaho nung tao bilang artista.

“Sa akin, dalawang bagay.

“Number one, no attachment to the job.

“Gagawin ko ito as an actor, pero ayokong ma-attach na ako dito—na parang ito na yung buhay ko, na dito na muna magre-revolve around.

“Sa akin, kung tinanggal sa akin, o hindi ako binigyan ng trabaho, or hindi na ako nag-aartista dahil walang roles, walang trabaho, okay lang—that’s number one.

“Number two is really, separate your personal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang nangyayari ngayon, parang yung mismong buhay ng artista ang nagiging entertainment ng buong bayan.

“Which is nawawalan na ng privacy yung tao, and I think hindi lahat ng tanong kailangang sagutin.”



DRA. VICKI BELO. Pero sinagot pa rin naman ni Hayden ang ilang isyung patuloy pa ring ikinakabit sa kanya.

Gaya ng ano talaga ang tunay na relasyon nila ngayon ni Dra. Vicki Belo?

“We’re friends,” pakli nito.

“I mean, we’re not as close anymore but we’re very good friends.

“We still get to talk, but not as deep as before—and I still work for her.

“That’s one of the things I do, yung nagtatrabaho ako under Belo, under skin health. Kasi yung skin health, kami yung nagtayo, kaming dalawa.

“Parang bihira ka kasi makakita nung doktor na may training sa marketing… ang ano, e, nag-corporate world.

“Yung nangyari sa akin—nag-stop ako ng practice ng Medicine, napunta ako sa acting, nag-stop ako dun, napunta ako sa corporate world.

“So, parang nagkaroon ako ng unique na skill, kaya nag-decide kami na ako pa rin ang magpapatakbo nun.”

Pagdating sa kung ano ang relasyon nila ngayon ni Dra. Belo, ito ang sagot ni Hayden:

“I think we were able to release each other from our past.”



REINSTATEMENT. Napabalita ring magpa-file uli ng medical license si Hayden para mapabalik ang pagka-doktor niya.

Pero ayon kay Hayden, “Wala sa isip ko ngayon yun, e.

“Parang sa akin, again, if there is something to… kung tingin ni Lord kailangan ko yun para ma-fulfill yung purpose ko as a person…

“Kung ibabalik yun, wala namang dahilan para hindi Niya gawin, e.

“Pero kung hindi ko kailangan yun para magawa ko yung purpose ko, hindi ko din siya hahanapin ngayon. No attachment.

“Kung wala siya, okay lang. Move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s always a time for everything, and ang importante naman natututo tayo, e.

“So, itong prosesong ito, babalik ulit ako ngayon dito sa showbiz.

“This time around, I’m very excited kasi may guidance na ako with, of course, Mother Lily, Roselle, and Leo, and Girlie, and Stages family, si Carlo.”

Sa dami rin ng mga pinagdaanan niya, lalo raw napalapit sa Diyos si Hayden.

“Not to sound too religious, I really think the foundation is really with God.

“I think yung pinaka-anchor ko, I pray a lot. I go to church a lot.

“And every time I get involved in something, talagang dinadasal ko muna.

“Kasi before, sinubukan ko, ako lahat, trying to control everything, and then it didn’t work.”


WORKING WITH KATRINA AND MARICAR. Bukas naman daw si Hayden sa posibilidad na makatrabaho nito sa mga future projects ng Regal sina Katrina Halili at si Maricar Reyes—ang dalawang babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa kanya noon.

Sa posibleng pagsasama nila ni Katrina, ayon kay Hayden, “Tingnan natin pagdating ng time. I can’t really say anything right now.”

Nasa Regal din si Maricar, at malaki ang tsansang magkasama sila.

“’Yang mga ganyang bagay, parang… kaya ako may manager. Pinapa-manage ko na sila!” natatawang sabi ni Hayden.

Pero handa na ba siyang makatrabaho ang dalawa?

“I think so. Yes, I’m ready, oo.

“Sa isang bagay naman… sa akin kasi, yung mabilis akong makalimot.

“I think I’m very ready.

“Kahit naman before, nag-try naman ako mag-reach out.

“Hindi ko na ipinapaalam sa mga tao, pero nag-try naman ako mag-reach out dun sa mga tao, yung iba nakausap ko at naayos na.

“So, I think okay na, pero iwan na lang natin yun dun.

“Sa akin, madami akong nagawang mali sa buhay at nakita naman nila yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana lang, huwag masayang yung pagkakamali na yun.

“Sana matuto sila dahil nakita nila, di ba? Sana huwag na maulit,” seryoso niyang pahayag.

Sa parte nina Katrina at Maricar, pareho na silang masaya sa kani-kanilang personal na buhay.

Si Katrina ay kapapanganak lang ng baby nila ng singer na si Kris Lawrence, samantalang si Maricar ay may boyfriend nang muli sa katauhan ng singer na si Richard Poon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN