Derek Ramsay communicates again with ex-girlfriend Angelica Panganiban; goes back to playing ultimate frisbee

“Tapos na ito, seven months na ito. We’re both happy, she’s happy. Bakit ang dami pa ring lumalabas? Ang pangit, di ba?” komento ni Derek Ramsay tungkol sa mga isyung patuloy na lumalabas tungkol sa hiwalayan nila ng dating girlfriend na si Angelica Panganiban.


Kahit lumabas na sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ibinenta na ni Angelica Panganiban ang kotseng Mini Cooper na niregalo sa kanya ng dating boyfriend na si Derek Ramsay (CLICK HERE to read related story.), may mga naglalabasan pa ring usap-usapan na binawi ng binatang Filipino-British ang nasabing kotse.

Sa pakikipag-usap ng PEP kay Derek sa nakaraang Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy na ginanap sa SM MOA Arena nung September 19, binigyang-linaw niya ang isyung ito.

“It’s not true, there’s no truth to that. Wala akong binabawi.

“Si Angel, I’m sure is not saying na binawi ko yung Mini Cooper.

“Matagal nang wala yung Mini Cooper, before pa ng breakup. Siguro, it’s almost a year.

“Di na siya nagagamit, so, we just decided to just get rid of it.

“So, I don’t know why sinasabi nila na binawi.

“Kung gusto ninyo, tanungin ninyo na lang yung nakabili kung kailan niya nabili para matapos na lang yung issue na ito.

“Kasi pangit para kay Angel, pangit para sa akin.

“Parang naghahanap sila ng rason para maging galit kami ni Angel sa isa’t isa. E, hindi naman,” pahayag pa ni Derek.


COMMUNICATION WITH ANGELICA. Kung dati raw ay wala silang komunikasyon ng ex-girlfriend, ngayon ay nabuksan na ito muli ayon kay Derek.

“I’ve spoken with Angel through e-mail and we communicate, but we’re both busy with our schedules.

“Tapos na ito, seven months na ito. We’re both happy, she’s happy. Bakit ang dami pa ring lumalabas? Ang pangit, di ba?

“I don’t want to talk about it, even though ako ang nagmumukhang masama.

“I don’t need to defend myself, I know the truth. It’s time to put this all behind me.”


ON WORKING WITH JOHN LLOYD. Hiningan naman ng PEP ng pahayag si Derek kung handa ba itong makipagtrabaho kay John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll stand by what I said about John Lloyd, I have nothing against him.

“Ayoko na ring pag-usapan kasi sinasabi ako lagi ang nakikipag-usap about this. Let’s put it to rest.”


DEREK’S LOVELIFE. Kinumusta ng PEP ang lovelife ng aktor. Balitang open na uling makipag-date si Derek.

.

“Dating? Maybe,” nakangiting tugon ng Kapatid hunk.

“I don’t have time to go out. I go from my bed to the set, I’m working really hard.”

Ano ba ang hinahanap ni Derek sa susunod niyang girlfriend?

“I’ve said this before, I don’t want a high profile relationship ever again,” sabi ni Derek.

“It’s hard, Angel and I found it hard.

“So, for me, I’d rather keep it private like what I do with my family.

“We’ll see one day.”

Paano naman niya ia-approach ang susunod niyang makakarelasyon?

“Just be yourself. Don’t put your best foot forward when you start a relationship.

“Because that’s what makes her fall in love with you.

“If she accepts you for that, yung relationship has the possibility to work, if you show who you really are.”


A SECRET AFFAIR. Sa ngayon ay abala sa paggawa ng pelikulang A Secret Affair si Derek, kung saan makakapareha niya sa unang pagkakataon si Andi Eigenman.

Sa pangalawang pagkakataon naman sila magkakasama ni Anne Curtis na nakasama niya sa box-office hit movie na No Other Woman.

“May playdate na kami, October 24,” balita ni Derek. “Kailangan na talaga itong matapos para mahabol sa playdate.

“I really like the storyline of A Secret Affair, sana it does well.”

May mga nagsasabing pareho lang daw ng istorya ng No Other Woman ang istorya ng A Secret Affair. Kinontra naman ito ni Derek.

“Well, everybody thinks that it’s gonna be the same with No Other Woman, but it’s not. Not ‘coz here, friendship is involved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipapakita dito yung weakness ng lalaki, two beautiful women fighting over one person.

“I can’t really go into deep about the story ‘coz I might give it away ‘coz I’m excited about it.

“But my character here is different from No Other Woman. Mas bata ako dito kahit tumatanda na ako. Ha-ha-ha!”

Ano naman ang masasabi niya sa bago niyang co-star, si Andi?

“She’s an Eigenman. Intense. She has strong feautures and she backs it up with fierce acting.

“Lalamunin ka niya kung di mo dala yung karakter na dapat ibigay mo.

“She has a really exciting part, and so far she’s doing well, she’d delivering.

“I knew naman when they said na siya ang makakatrabaho ko, makakayanan niya kasi ang hirap, e.”

Kumusta naman sila ngayon ni Anne?

“Well she’s Anne Curtis, the hottest leading lady out there and I’m very comfortable working with her,” sagot ni Derek.

“After No Other Woman, nag-level up ang friendship namin.

“So, here, wala lang. We have an intimate scene, ok lang.”


BACK TO ULTIMATE FRISBEE. Alam ng lahat ang pagmamahal ni Derek sa sports, partikular na sa ultimate frisbee.

Masayang ikinuwento niya sa PEP na nag-champion ang team niya sa nakaraang laban nila sa Singapore, kung saan 25 teams mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban nila.

“We won, nag-champion kami. I’m very happy for team Pilipinas.”

Ang team niya, ang SMART TV5 Pilipinas, ang nag-uwi ng gold medal sa Singapore Open na ginanap nung nakaraang weekend.

Itinuturong ang pagsalo ni Derek ng frisbee disk bilang receiver ng kanyang team at pagkuha ng foul mula sa kalaban ang siyang nagpanalo sa kanila sa score na 11-10.

“We started out slow. Talo kami sa first game. So, sabi ko, ‘’Eto na naman, bakit ko ba ito ginagawa sa sarili ko?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw niya napigilan ang sarili at pumasok na siya sa game para maglaro.

Matatandaang nagsabi na si Derek na retirado na siya sa larong ultimate frisbee. (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa dapat sana’y pagko-coach lamang niya sa Philippine ultimate frisbee team, naglaro na nang tuluyan si Derek.

“But after that, we went to another level, shifted gear. After that, nanalo na kami, including Singapore, tinalo namin by 1 point.

“There were 25 teams, we played four games a day, a total of 8 games. So, pagod talaga.

“I thought I was gonna coach, pero pagtawag ng line up, I played,” may excitement pa sa matang kuwento ni Derek.

“I guess I’ll end this in a winning note. I’m sure I’ll play on the field, but competitively, hindi na kaya.

“Unless I quit showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN