PEP EXCLUSIVE: Andi Eigenmann now a Viva talent

Andi Eigenmann on leaving Star Magic: “I know Tita Mariole and Mr. M understood me,. because ‘yon nga, Magic was parang my home and they were my second family. I know no matter what happens, mas important kay Mr. M and kay Ms. Mariole ‘yong welfare ng talents nila. Kasi tinatrato talaga nila ‘yon na parang pamilya nila, alaga, gano’n. Hindi nila binabalewala. Sobrang maalaga po sila. So, it was really hard for me talaga to say goodbye to


Kapansin-pansin na mula nang magbalik si Andi Eigenmann sa showbiz ay naging mas daring at challenging ang kanyang mga role.

Katulad na lamang sa teleserye niya sa ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan, kung saan gumaganap siya bilang si Veronica, ang kaagaw ni Andrea (Iza Calzado) sa pagmamahal ni Rafael (Jake Cuenca).

Gayundin, nagbida siya sa Regal Entertainment film na Pridyider, kung saan nakasama niya si JM de Guzman, at ang orihinal na gumanap sa role niya bilang si Tina na si Janice de Belen.

Ngayon, isang pelikula ang muling pagbibidahan ni Andi, kasama niya ang Box-Office King at Queen na sina Derek Ramsay at Anne Curtis, ang A Secret Affair.

Kung ikukumpara sa No Other Woman, maihahalintulad ang karakter ni Andi sa karakter noon ni Anne na si Kara, ang naging “other woman” ni Derek sa pelikula.

Nabanggit ni Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Setyembre 21, sa pictorial para sa pelikulang A Secret Affair, na talagang napakahusay ni Andi sa pagganap sa kanyang karakter.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “I always want the juicier role, and on this film, Andi has the juicier role.

“So, I’m so happy for her that she accepted it, it’s such a fun role!

“If I could take it, I would!”

Kaya naman nang mabanggit ito ng PEP kay Andi noong Setyembre 22, sa pictorial pa rin ng A Secret Affair, tuwang-tuwa ang aktres.

“Siyempre sobrang ano po, thank you!” nakangiti at kinikilig na sagot ng aktres.

“I didn’t know na that’s what she thinks po, if that’s what she really thinks, I’ll be really, really happy about that.

“Kasi that’s what I want. It’s for people naman to appreciate what I do.

"I mean, no, the only thing that matters to me naman is to do my best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero because people appreciate what I do, who doesn’t really see me off-cam also, and those who are working with me, and nakikita ang acting ko first hand, siyempre po, mas masaya ako about that.”


MATURE ROLES. Kung ibabase raw sa karakter niya sa pelikulang ito, hindi masasabi ni Andi na “mature” ang kanyang role.

Hindi naman daw kasi ibig sabihin na dahil daring na ang kanyang role ay mature na ito.

Paliwanag niya, “I think mas daring, just because I’m willing to do...‘yong may variety na with the characters that I portray.

"Mas malawak na ‘yong napupuntahan ko pagdating sa mga roles na nakukuha ko.

“Pero ‘yong mature po, I guess depende po sa makikita ng tao.

“Mature po ako as a person. As an actress, depends po on how people will see it, na kung mararamdaman po nila ‘yong lalim or ‘yong tatagos sa kanila ‘yong emotions na pinapakita ko.”


VIVA TALENT. Samantala, nakausap ng PEP ang Marketing Communications Manager ng Viva na si Pats Dy, at nabanggit niya na isa nang Viva talent si Andi.

Kaya naman nang aming itinanong ito kay Andi ay kinumpira ng aktres na “recently” naging Viva talent na nga siya.

Two-year contract ang pinirmahan niya sa talent agency, at ang alam niya’y anim na pelikula ang kanyang gagawin, kabilang na ang A Secret Affair.

Masaya siya sa bagong oportunidad na dumating sa kanyang career, pero aminado rin siya na naging mahirap ang pagpapaalam niya sa Star Magic heads na sina Director Johnny Manahan at Mariole Alberto.

“Nagpaalam lang po,” sabi ni Andi, sabay ngiti, bagamat malungkot ang mata nito.

“I know Tita Mariole and Mr. M understood me, because ‘yon nga, Magic was parang my home and they were my second family."

"Tita Mariole," para kay Mariole Alberto at "Mr. M," para kay Direk Johnny Manahan, ang palambing na palayaw ng Star Magic talents at pati na rin ng mga malalapit na tao sa mga Star Magic bosses na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Andi, “I know no matter what happens, mas important kay Mr. M and kay Ms. Mariole ‘yong welfare ng talents nila.

“Kasi tinatrato talaga nila ‘yon na parang pamilya nila, alaga, gano’n. Hindi nila binabalewala. Sobrang maalaga po nila.

“So, it was really hard for me talaga to say goodbye to them and ask, tell them that I’m moving.”

Bagamat hindi na siya under ng Star Magic, patuloy pa rin naman ang magandang relasyon niya kina Mr. M at Ms. Mariole.

Ani Andi, “They’re still there for me, even at this point as friends. You know, as my second family po. Gano’n pa rin ang relationship.

“I’m not with the management anymore, but of course, I still have a relationship with them because they’re real people.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN