Bea Binene’s mother denies filing child abuse case against radio jock Papa Dan

“Nagulat ako, kasi nabasa ko nga po yung sa Philippine [Daily] Inquirer. Parang lumalabas, ako yung in-interview nila. Pero hindi naman po ako nagpapa-interview sa Inquirer. Wala po akong isinasampang case pa sa CIDG. Meron doon, blotter na may signature ako, na nagpa-blotter ako,” pahayag ni Mrs. Carina Binene, ina ng tween star na si Bea Binene (in photo) sa Startalk TX<


Ayon sa report ng Startalk TX kahapon, Sabado, September 22, lumabas sa Metro section ng pahayagang Philippine Daily Inquirer noong Huwebes, September 20, ang diumano’y reklamong isinampa ng ina ng young star na si Bea Binene laban sa radio jock na si Dan Christian Villanueva na mas kilala sa pangalang Papa Dan.

Quoting the complaint affidavit allegedly filed by Mrs. Carina Binene last September 3 at the Criminal Investigation and Detection Group or CIDG, sinabi sa report na inireklamo si Papa Dan ng pamba-blackmail, pangha-harass, at pagkakalat ng tsismis tungkol sa 14 na taong gulang na si Bea.

Inamin ni Mrs. Binene na ipina-blotter niya noon si Villanueva dahil sa pangungulit sa anak.

Ngunit taliwas sa lumabas sa diyaryo, hindi umano siya nagsampa ng kasong child abuse laban sa 29 na taong gulang na DJ.

“Nagulat ako, kasi nabasa ko nga po yung sa Philippine [Daily] Inquirer.

“Parang lumalabas, ako yung in-interview nila. Pero hindi naman po ako nagpapa-interview sa Inquirer.

“Wala po akong isinasampang case pa sa CIDG.

“Meron doon, blotter na may signature ako, na nagpa-blotter ako,” pahayag ni Mrs. Binene sa taped interview nito sa Startalk TX.

“Papaano pong sa akin manggagaling? Hindi pa nga po kami nagsasampa ng case sa CIDG,” sabi pa ni Mrs. Binene sa interview.

Ayon sa artikulo, ang mga abugado raw ng pamilya Binene na sina Atty. Ferdinand Topacio at Joselito Lomangaya ang sumulat sa CIDG Women and Children’s Protection desk upang ipursige ang kaso.

Ngunit nilinaw ng ina ni Bea, wala siyang alam sa naging hakbang nina Topacio.

“Nagpapa-consult ako, nagtatanong ako kay Atty. Topacio. Pero sinabi ko rin sa kanya na just in case na isasampa ko yung case, kailangan ko ng female lawyer dahil iyon din ang gusto ng anak ko, female lawyer.”

Topacio declined to be interviewed by Startalk TX, ngunit sa panayam ng GMA News, itinanggi nitong nagsampa siya ng kaso laban kay Villanueva katulad ng napaulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap naman ng Startalk ang legal counsel ni Bea.

At ayon sa abugado tween star, may hawak silang sulat na magpapatunay na "it was Atty. Topacio who sought the help of the CIDG,” sabi sa report ng Startalk.

Ayon kay Atty. Flordeliza Vargas: “Base doon sa mga datos na nakalap namin, noong September 3, 2012 ay nag-submit siya ng sulat sa CIDG tungkol sa child abuse case laban kay Mr. Dan Villanueva.

“At dito sa sulat na ito, meron siyang in-attach na drafts sworn statement allegedly ni Mrs. Carina Binene.”

Idinagdag pa ni Atty. Vargas na mahalagang may pahintulot ang taong sangkot sa isang kaso bago kumilos ang abugado nito.

“Lalo na sa mga kaso ng child abuse cases kung saan maraming sensitibong impormasyon at kung saan kailangan mo ring protektahan yung kapakanan ng bata. Kailangan talaga may consent yung complainant,” sabi pa ni Atty. Vargas.

Samantala, the same Inquirer report quoted an anonymous CIDG official na nagsabing sa kanilang ginawang pagsisiyasat ay nalaman nilang nagkaroon ng relasyon sina Bea at Villanueva.

The radio jock categorically denied the report.

“Walang katotohanan yung mga lumabas na isyu,” sabi ni Villanueva.

“Actually, we’re very good friends. We have been friends and we’re still friends. Magkaibigan lang talaga kami.”

Mariin ding pinabulaanan ni Villanueva ang ulat na may hawak siyang intimate videos at photos nila ng tween star.

“There’s no such thing. Wala pong picture or walang video na compromising na mga videos or anything. Wala naman pong ganun.

“Actually, wala, walang video or picture.”

Sinabi rin ni Villanueva na naayos na ang lahat.

“Everything has been settled and ok. Nagkausap na kami.

“Naging maayos naman po yung usapan and we’re ok naman po.

“Everything’s fine,” patuloy pa ni Villanueva.

Wala namang inilabas na panig ng Inquirer ang Startalk TX.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN